Chapter 34

571K 26.9K 16.9K
                                    

Enjoy muna natin ang bakasyon ni Pedro at Behati. Haha


Chapter 34


"My lovelife isn't romantic at all," matabang na sabi ni Pedro habang nakahalumbabang nakatitig sa akin.

Nasa steering wheel pa rin ako at mabilis kong nakabisado kung papaano ito gamitin.

Higit na mahirap pa rin ang eroplano.

"Why? Are you expecting something?"

"Yeah, like some scenes in movies. You'll shout my name something like," lumingon muna ako sa kanya. Ang lalim ng buntong hininga niya na parang naisahan ko na naman siya.

"Help! help me Peter, I'm quite nervous. Wait baby, don't leave me here. Hindi ko pa kaya, don't leave me baby. Instead, you told me Pedro umupo ka na, ako na dito." I laughed.

"Ofcourse, kung marunong na ako bakit kailangan ko pa ng tulong? You are imagining things again, Commander."

"You're so cruel baby."

Hindi rin nagtagal ay lumayo ito sa akin, buong akala ko ay nainis ito sa akin. Tinawag niya lang pala si Paeng para agawin sa akin ang steering wheel, niyaya na ako nitong kumain sa loob.

"Do you know how to cook, Pedro?"

"A little? How about you?"

"Yes, ako ang nagluluto ng pagkain namin ni Alys sa dorm noon."

"Oh, good to know. Hindi ako magugutom."

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa magsalita itong muli.

"Are you sure about Thailand?"

"Yes, bago pa ako pumasok sa UASA ay napag-usapan na rin namin ito ni Alys."

"Alright,"

"May mga kapatid ka, Pedro?"

"Only child," ngising sagot nito.

Gusto ko pang magtanong sa kanya ng ilang bagay pero nag-aalangan ako. Tumigil ito sa pagkain at tumitig sa akin.

"Do you want to ask more? It's alright."

"No, nothing.."

Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe at nakarating na kami. Hindi kalayuan sa binabaan namin ay isang napakalaking bahay na siguradong tanaw ang buong kagandahan ng dagat sa tuwing baba o tataas ang araw.

"And that is my parent's villa,"

"It's so beautiful.."

"Yeah, kapag nasa Pilipinas ako mas madalas ako dito."

Lumingon muna ito pabalik sa yate.

"Ikaw na ang bahala Paeng."

"Yes boss!"

Naglakad na kami patungo dito, hindi pa man kami nakakailang hakbang matapos kaming makalampas sa puting gate nito ay sinalubong na si Pedro ng tatlong magagandang aso.

Three cute little shih tzu.

"Pnoy! Obama! Trump!" yumuko ito at nakipaglaro sa mga aso.

"How are you boys? Miss na kayo ni ginger!"

Nanatili akong nakatitig kay Pedro habang nakikipaglaro siya sa kanyang mga aso.

"Hey boys, let me introduce you my girlfriend. Baby come here.." nag-alangan ako.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Where stories live. Discover now