Chapter 16

735K 33.1K 20.9K
                                    

CHAPTER 16

Calamities have always been a nightmare for the victims, but as years passed, the memories, pain, and how these survivors stood up would be their life inspiration that would always push them to keep moving forward.

Iniisip ko na lang na matapos ang kalamidad na nararanasan ng bansang ito, maraming anak, ama, ina, magkakapatid, o kung sinumang apektado ngayon ang siyang magiging inspirasyon sa susunod na henerasyon.

But will there be a next generation? Is this world still willing to hold this growing population with cruelty in mind for their self-satisfaction?

The world has been screaming its pain.

Patuloy ang pagyanig ng lupa, ingay mula sa mga eroplanong nagliliparan, malakas na sirenang naghuhudyat ng kasalukuyang kalamidad at mga pagsabog ng bomba mula sa iba't ibang lugar.

Tumuon ang mga mata ko sa kamay kong hawak ni Peter. Hinila ko na iyon dahilan kung bakit natigil siya at lumingon sa akin. "You don't need to hold my hand, Commander Armstrong."

Hindi na siya nagpumilit at nagpatuloy na kami sa pagtakbo. Tumigil lang kami sa nang humupa ang pagyanig ng lupa, napayuko na ako at napahawak sa dalawang hita ko para alalayan ang sarili ko. Ramdam ko ang mabibigat ng paghinga ko.

Nang sumulyap ako sa kalangitan ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga sasakyang panghimpapawid. Kahit si Peter ay nakatingala ay nakatitig na rin sa itaas.

I didn't reply when he told me that he admired me. He's been giving me signals that he has an interest in me, but I always take it as one of his games, or it's always part of his cheesy character. But when he said those words a while ago, he looked so sincere that I had to avoid my gaze away from him.

I sighed and looked away from him when I noticed that I'd been staring at him. "It's your eyes. I like your blue eyes. It's beautiful," I said.

"Huh? That's too random." Natatawang sagot niya.

"At least, I happened to say those words if anything happens," dagdag ko na hindi sinasalubong ang kanyang mga mata.

"Then, why don't you look at me?"

Bigla siyang humarap sa akin. He bent and met my eyes. Mabilis niyang inagaw ang kamay ko at agad niya iyong inilagay sa kanyang dibdib. I tried to pull away, but he held my hand tightly.

"I'm glad you like my eyes. How about me?" he asked playfully.

My eyes narrowed. Mas marahas ko nang hinila ang kamay ko mula sa kanya. "Why did you suddenly choose to admit your feelings—"

Umawang ang bibig ko. Agad ko nang tinulay ang distansya sa pagitan namin at mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Stop it! W-what feelings?"

Even with my hands covering his mouth, I could see in his eyes his smile. And when he was about to touch my hand, I pulled away. "Let's just end our conversation about that, alright? We're in a grave situation, Commander."

Tinanaw ko nang muli ang kalangitan. "Coming from someone who suddenly confessed. . ."

Mariin akong pumikit bago muling humarap sa kanya. "I just told you that your blue eyes are beautiful!"

He grinned. "Alright, alright." He raised his hands in defeat.

"We have to survive this fight, Commander Armstrong." Sabay kaming tumanaw muli sa kalangitan.

"You know that I am born to survive for you. I'll always fight with you."

Sa pagkakataong ito, sa gitna ng kalamidad natagpuan ko na lang ang sarili kong nangiti at bukas sa isang taong handa akong tulungan. At sa unang pagkakataon ay nagbigay akong muli ng tiwala.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin