31

952 50 8
                                    

Joyce

Nagpanggap akong tulog, nung marinig kong lumabas silang lahat, dinilat ko yung mata ko.

Naririnig ko silang nag-uusap usap sa labas.

Napabuntong hininga nalang ako nang marinig kong nagkkwento si Gabby sa kanila,

So alam pala ni Gabby.

It's been 3 years nung lumayo ako kay Woojin. I thought Gabby didn't have any idea kung bakit ako lumayo, yun pala meron.

Freshman year yon nung una kong makilala si Woojin. That was 6 years ago. Seatmate ko siya actually.

Tas super tahimik niya, to the point na wala talaga siyang kinakausap kahit sino sa room unless tatanungin siya ng teacher ganon. Besides do'n, wala na talaga.

Tas parang siya yung binubully sa room no'n kasi di talaga siya nakikipag usap kahit kanino.

Kahit na gustong-gusto ko na siya kausapin, pinipigilan ko sarili ko. Ayoko kasing ma-reject. Kaso nung napapansin kong nabubully na siya, physically, dun ko na naisipang kausapin siya

"Ano bang problema mo?" Tanong ko kay Woojin na nakayuko kasi pinagtatawanan ng mga kaklase ko.

"Bakit ba hindi ka magsalita? Bakit ba hindi ka lumaban?!" Naiirita kong sabi. Napatingin siya sa'kin.

"Ano ba Woojin? Hahayaan mo bang i-bully ka nila?" I asked

"Joyce! Ano ba? Stop talking to him! Loser yan! Di mo dapat kinakausap yan!" Sabi nung so called kaibigan ko sa room.

Nag-init ulo ko nung marinig kong sinabi niya yan. Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama, "Loser? Si woojin? Ikaw loser!" Sabi ko.

"Gosh Joyce! Ipagpapalit mo kaming mga kaibigan mo sa loser na yan?"

"Yes. At tsaka you were never my friend, wala kasi akong kaibigang loser and stupid! Bago ka magsalita about sa ibang tao, siguraduhin mo munang perfect ka ha?" Sabi ko at hinila si Woojin paalis do'n.

Nung makarating kami sa garden ng school, tinigilan ko nang hilahin siya

"Hoy Woojin, bakit di ka lumaban sa mga yon ha?" I asked

No response

"Bakit hinahayaan mo silang ganunin ka?"

No response

"Bakit ba hindi ka nagsasalita?"

Still no response

"Magsasalita ka o sasapakin kita?"

"Eh kasi loser naman talaga ako."

"Omygosh finally! Nagsalita din!" Sabi ko, "And for your information, hindi ka loser. I'm Joyce." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko

Tinignan niya lang yon, "Uhm, kilala na kita."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Wow. Good Manners." Sabi ko in a sarcastic way. "Pwede ba? Panira ka ng momentum eh." Sabi ko

"Woojin." Sabi niya at tinanggap yung kamay ko

Simula no'n, naging magkaibigan na kami. Simula din no'n, hindi na siya na-bully sa room. Nakikipaghalubilo na rin siya sa ibang tao.

Sophomore year, we met Gabby, since then naging sobrang close na naming tatlo.

Gabby have other circle of friends, same as Woojin. Pero ako? I only have the two of them. Para kasi sa'kin, sapat na silang dalawa.

Same year—2nd year kami nung malaman kong may gusto si Woojin kay Gabby pero si Gabby, may gusto na kay Daehwi.

Nung malaman kong may gusto si Woojin kay Gabby, slowly, nagddrift away ako sa kanila

Alam kong mali, pero ewan ko, patuloy ko pa ring ginagawa. May gusto kasi ako kay Woojin

Until that day came, I confessed. Sinabi ko kay Woojin na may gusto ako sa kanya but he rejected me. And what's worst? Sinabihan niya akong tanga.

Wow, ako nalang nagkagusto, ako pa tanga?

Sobrang sakit sa'kin no'n. As in super. Nagalit ako sa kanya. That's the time I decided to end our friendship. Yun din yung panahong nakilala ko si Ayhessa at Lyka.

Sina Faye—which is pinsan ni Lyka. Patricia, Maggie, Ariane, Rina, Dana and Jenna, yung squad nila yung tinutukoy kong other circle of friends ni Gabby—yun yung original na patanga squad, nung wala pa kaming tatlo nila Lyka.

Kaclose na ni Ayhessa and Lyka yung patanga squad samantalang ako, hindi. Kasi nga before I met Yhessa and Lyka, I only had Woojin and Gabby.

Since then, naging kaibigan ko na silang lahat, di man ganon kaclose pero nakakausap ko yung iba sa kanila na heart to heart talk.

Actually neto ko nalang sila naging mas ka-close eh.

Tanga man pakinggan pero iniyakan ko si Woojin. At saksi sina Ayhessa at Lyka do'n. Actually kaya lang nalaman ni Maggie yon, kasi nalaman niya kay Jaehwan.

Ang pinaka-masakit pa, ay yung balewala lang sakanyang nilayuan ko siya. Kahit konting effort wala talaga siyang ginawa.

Years later, hindi pa rin nawala yung feelings ko para kay Woojin. Lagi ko siyang iniistalk.

I can still remember nung araw na umuwi si Gabby dito at hinatid ni Woojin si Gabby sa park tas andon si Daehwi. I can see pain in Woojin's eyes while looking at Daehwi and Gabby. Kaya I made this account named Cinderella.

Hindi ko talaga alam kung bakit Cinderella, pero sa pagkakatanda ko, ang una kong nakita nung nagiisip ako ng pangalan no'n para sa dummy account ko ay yung lobo nung bata na Cinderella themed.

Ayun, I messaged him.

Kapag tropa, tropa lang.

Yun din yung rason talaga kaya ako lumayo.

Kasi kapag tropa, tropa lang. Hindi na dapat humigit do'n. Alam ko kasing di ko mapipigilan yung feelings ko towards him, kaya mas pinili ko nalang lumayo.

Woojin, matanggap mo kaya ako kung aaminin kong ako si Cinderella?

❝ cinderella ❞ ➳ p.wjМесто, где живут истории. Откройте их для себя