Chapter 3: Mr. Cupcake

13 0 0
                                    

Chapter 3: Mr. Cupcake

Aine:

"Aine, may nagpapabigay sa iyo." sabi sa akin ni Manong Jun, yung security guard sa Coffee Shop, tapos inabot nya sa akin ang isang box na may pink na ribbon.

"Ah, okay po. Salamat manong, teka...seven days nyo na po akong binibigyan ng ganitong box, di pa rin po ba siya nagpapakilala? tanong ko.

"Hindi pa rin eh...di ko nga alam iha kung may balak pang magbigay yun sa iyo nito ng personal." sagot sa akin ni Manong Jun.

"Pero salamat po manong ha, papasok na po ako sa loob." sabi ko. At pumasok na ako sa loob ng shop hawak ang box na iyon. Actually, seven straight days na akong nakakatanggap ng ganung box, na may pink na ribbon at may note na "Take Care" tapos may pirma. Ang laman ng box? cupcake, kung hindi chocolate, vanilla o strawberry o kahit anong flavor basta cupcake.

"Nakatanggap ka na naman ng cupcake mula kay Mr. Cupcake?" tanong sa akin ni Apple pagkalapag ko sa table ng mga gamit ko, may mini office rin kasi dito sa shop, kung saan may kanya-kanya rin kaming table.

"Oo nga eh. Pero hanggang ngayon, di pa rin kilala ni Manong Jun, ayaw magpakilala eh..." sabi ko.

"Ganun? di ka kaya maumay niyan? araw araw kang nakakatanggap ng cupcakes, ako ang nauumay sa iyo eh!." sabi ni Apple sa akin.

"Nahihiya na nga ako eh, kasi naman, siya kuntodo effort tapos di ko man lang mapasalamatan personally." sabi ko. Seryoso, gusto ko talaga siyang pasalamatan.

"Hmm....I have an Idea!" sabi ni Apple.

"Ano yon?" sabi ko.

"Bakit kaya di ka na lang gumawa ng letter thanking Mr. Cupcake for his efforts, tapos ipaabot mo kay Manong Jun, tapos si Manong Jun naman ang magbibigay sa kanya, kung ayaw niya talagang makipagkita sa'yo. That way, malalaman niyang naaapreciate mo yung efforts nya." paliwanag ni Apple.

"Oo nga no..." sabi ko "ang galing mo talaga Apple."

Kaya naman that same afternoon, habang nagrereview ako for the board exam sa may garden, nag-iisip na rin ako ng ilalagay ko sa letter na ibibigay ko kay Mr. Cupcake, sakto namang pagdating nina Jeron at Kaina.

"Hi friend, musta na?" sabi ni Kaina.

"Okay lang, heto, busy sa pagrereview at sa shop." sabi ko. "Alam mo namang di masyadong matutukan ito ni Jorel."

"Eto talagang si Ate Aine o, masipag masyado..." sabi ni Jeron "Humanap na lang kasi kayo ng dagdag pang employee dito....gusto nyo, ako na lang i-hire nyo."

"Loko mo!" sita ni Kaina sa kanya "Ikaw? eh baka maging photo booth itong lugar na ito imbes na coffee shop?"

"Tama na nga yan, kayong dalawa talaga..." sabi ko. Totoo naman, sa tuwing magkasama sina Jeron at Kaina, naturingang magsyota pero parang magkabrad lang ang way nila ng pakikipag-usap sa isa't-isa. Di ko nga alam kung may sweet bone si Kaina eh. "Tumahimik kayo ha, nag-iisip ako." dagdag ko pa sa kanila.

"At ano naman iniisip mo?" sabi ni Kaina "Boyfriend mo no? kaw talaga..."

"Magtigil ka Kaina, wala akong boyfriend!" sita ko sa kanya. Di na nga ako magpapaliguy-ligoy, ikukwento ko na. "Kasi guys, ganito yun, may nag-aabot kasi kay Manong Jun ng box everyday na may pink ribbon tsaka note na sinasabi "Take Care" tapos may pirma, ang laman nung box, isang piece ng cupcake, natatanggap ko sya for seven straight days na and ngayon, gusto kong sulatan yung nagbibigay, thanking him for his efforts tapos paaabot ko na lang kay Manong Jun, yun." kwento ko sa kanila.

"Kilala mo naman ba yung nagbigay?" tanong ni Kaina.

"Hindi nga eh, tinatanong ko si manong, di rin daw nagpapakilala, tinatry ko ngang i detect sa mga pirma nya pero waley eh, nowhere to be found." sabi ko sabay pakita kina Kaina at Jeron nung mga post-it notes na kasama dun sa cupcakes.

Only HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon