LISTA 3 - awkwardness

266 21 5
                                    

 dedicate ko sayo te em >_< alam kong same kayo nitong si Jennine ^___^

gambatte! ♥♥♥

___________________________________________________________________________

LISTA 3 - AWKWARDNESS

"Jennine?!"

Hindi ko magawang gumalaw.

Dale...Dale Matthew Dela Vega? My first love whose very existence I tried so hard to erase from my memories. Bakit kailangan ko pa ulit siya makita? And worst, bakit dito pa?

Nakatayo lang siya sa harapan ko. Kahit siya nakita kong nagulat din. Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako.

"Eh? Magkakilala kayong dalawa?" takang tanong sa amin ni Willie.

Hindi ako sumagot. Napainom ulit ako ng coke. Bigla kasi siyang pinagpawisan.

"Maganda yan. Tara magcelebrate na tayo!" - Ralph

 Umupo na si Dale. Sa mismong harapan ko pa talaga na katabi ni Willie. Pwede naman sa tabi ni Vince sa may gilid.

Ang awkward naman nito.

 Hinarap ko si Kaye. "Kaye matagal ka na ba sa club?"

 "Oo naman. Kaming apat nina Willie, Ralph at Vince ang nagbuilt ng club na ito tapos sumali naman si Dale sa amin."

 "Mabuti na lang kamo sumali ka rin sa amin Jennine. Para may kasama ng babae si Kaye."- Ralph

 Ako sumali?? Tama kasali na nga pala ako automatic. =.=

 "Kayo ni Dale matagal na ba?" - singit ni Vince

 "H-ha?"

 Nagulat talaga ako sa tanong ni Vince. Para kasing iba ang dating nun sa akin. Napaparanoid na ata ako.

 "Classmate ko siya nung highschool kami." sabi ni Dale.

 Yeah, right. Classmate your ass!

Uminom ulit ako. Paubos na pala. Halos coke lang ang nagagalaw ko. Tumingin ako kay Kaye.

 "Kaye, iinumin mo pa tong coke mo?" di kasi nito ginagalaw ang cup.

"Ah, hindi na. Sige, sayo na lang. Bawal kasi sa akin." Binigay niya sa akin ang coke.

 Huh? Bawal pero nag-order? Wierd ng isang 'to.

Di na ako mapakali sa upuan. Pano naman kasi nakatingin lang sa akin si Dale. Ano bang trip nito sa buhay??

Hanggang sa matapos ay si Kaye lang ang nakausap ko. Di ko naman kasi magawang tumingin sa harapan.

"Kita- kits na lang tayo bukas, ah?" - Ralph

"Saan ba ang way mo Jennine?" tanong sa akin ni Kaye.

Nakita kong pasimpleng tumingin si Dale sa amin. Ano ba naman itong lalaking ito. Wala ng ginawa kundi tumingin lang ng tumingin.

"Panorth ako."

"Talaga? Sabay na tayo. Sige guys mauna na kaming umuwi!" Sabi nito at tumalikod na kami.

"Ingat kayo." narinig kong sabi niya.

Hindi ko na siya nilingon baka makita ko pa kasi siyang nakatingin. Mahirap na baka bumalik ulit ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko na ng ganun.

***

 ______________________________________________________________________

>_< ito muna kinaya ng powers ko...try ko ulit magUD sa susunod kapag di na masyadong busy..

thank you po pala sa pagbasa ^_^

~~krizhs~~

Love In Second Time Around [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon