LISTA 1 - transfer

462 19 3
                                    

Copyright © 2012 by krizhs

___________________________________________________________________________

LISTA 1 - TRANSFER

"Uncle Steve, gusto mo rin ng kape?" tanong ko habang binubuksan ang bote ng asukal.

"Uhm, sige. Tapos na rin maluto 'tong almusal natin."

Inilapag na ni Uncle Steve ang niluto nitong itlog, hotdog at sinangag sa mesa.

"Good morning..." narinig ko mula sa likuran

"Good morning Uncle Henry." bati ko sa kanya.

"Ako rin, Jennine. Gusto ko rin ng kape." Humihikab pa itong umupo sa lamesa.

Inabot ko ang cup sa lalagyan at nagtimpla ulit ng kape.

"Nga pala Jennine. Tumawag ang lola mo kagabi. Pinapasabing i-skype mo daw sila minsan. Namimiss ka na ata." - Uncle Henry

"Oo nga pala! Nakalimutan ko. Hehehe." Ningitian ko sila.

Ibinigay ko na sa kanya ang kape saka naman ako umupo.

"Gawin mo na mamaya pagkauwi mo. Baka magtampo na iyon ng tuluyan." - Uncle  Steve

Tumango lang ako. Nasa America na ang lola't lolo ko kaya kailangan ko silang kumustahin araw-araw. Matatanda na kaya kailangan pagbigyan lagi sa hinihiling ng mga ito. Palibhasa ako na lang ang natitirang kapamilya na nasa Pilipinas.

Nanlaki ang mga mata ko ng mahagip ng paningin ko ang oras sa wall clock.  O_O

"I need to go. Malelate na ako sa first period ko." Napatayo ako at kinuha ko ang bag sa sofa.

"Sabay na tayong lumabas. Aalis na rin ako. Maaga kasi ang meeting namin ngayon." sabi ni Uncle Steve

"O siya, mauna na kayo. Ako ng bahalang mag-ayos dito. Tutal mamayang hapon pa ang trabaho ko." - Uncle Henry

" 'Bye Uncle Henry!"

"'Bye, Harry." - Uncle Steve

Napangiti ako ng humalik si Uncle Steve sa pisngi ni Uncle Harry. Ang sweet talaga ng dalawa.

"Hindi ka ba sasabay sa akin, Jennine?" sabi ni Uncle Steve sakay ng kotse nito.

"Hindi na po! Baka maout of the way pa kayo."

"Oh, sige. Mag-ingat ka, ha." paalam nito.

Sumakay na ako ng jeep sa paradahan. Nagtataka kayo ano? Opo. Gay couple ang relative na nagpalaki sa akin. Uhm, not totally relative dahil kaibigan ng Mama ko si Uncle Henry.

Hindi mo mahahalata na gay sina Uncle dahil closet gay sila. At hindi iyon alam ng karamihan. >_< Kahit homo sila love na love na love ko sila no!

Dahil four years old pa lang ako ng mamatay ang single Mom ko sa sakit na cancer. At si Uncle Harry na ang kumupkop sa akin. Hindi na kasi kaya nina lola't lolo mag- alaga sa edad na 'yun.

Three years later ng makilala naman ni Uncle Harry si Uncle Steve. At sa loob ng labing- apat na taon, magkatuwang nila akong pinalaki.

Ngayon third year college ulit ako sa bagong  kurso. Pangatlong shift ko na ito. Una, nursing. Nag- one year lang ako dahil nakita ko na marami ng nursing kaya shift ulit ako ng Hotel and Restaurant Management. Two years din ako dito.

Hindi rin nagtagal nagbago na naman ulit ang gusto ko. Tourism naman ngayon. Dahil walang kursong Tourism sa dating kong school ay  lumipat na ako ng other school. Mabuti na lang at nacredit ang iba kong subject. Okay naman sa dalawa kong Uncle dahil supurtado daw nila ang ikasisiya ko sa buhay.

Nakarating na rin ako sa eskwelahang lilipatan. Pinagmasdan ko ang school. Masaya akong gagraduate din sa school kung saan nagkakilala si Mama at Uncle Harry.

At sana...dito din...dito din sa lugar na ito makilala ko ang magpapabago ng buhay ko.

Lumakad na ako patungo ng classroom. 

***

________________________________________________________________________

yan muna..sana magustuhan niyo >_<

Enjoy reading ^_^

~krizhs~

Love In Second Time Around [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon