Ikatlo

26 1 0
                                    

Ikatlo

April 4 2018 9:50pm

   NABUNGARAN KO ang maaliwalas na ngiti ni Papa at Tita Arella habang nakatingin kay Ate Jamella na ngayon ay pinagkakaguluhan ng dalawang bakla at binabae.

Ang isa ay abala sa pag aayos ng buhok ni Ate habang ang isa ay naglilinis sa mga daliri sa paa ni Ate bagay na bagay ang pulang pula na cutix nito.

Ang isa na may tiga ayos ay abala naman sa mukha ni Ate. Halos paumpisa pa lang ang mga ito. Madaming nakadutdot sa kanya na parang mas ako pa yata ang nahihilo.

  "Magandang tanghali po." Inabot ko ang kamay ni Papa maging ang kamay ni Tita Arella parehas lang na tuminging sa akin.

"Ate nasa labas nga pala si Zenith." Baling ko kay Ate Jamella.

     "Ang tanga! Bakit di mo pinapasok?" Si papa ang sumagot sa sinabi ko.
"Sunduin mo na sa labas Mommy." Malambing ang boses ni Ate. Dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupwesto, pumapagpag ang inggit sa puso ko. Nakakainggit na itrato kang parang prinsesa katulad ni Ate Jamella.

"Magandang umaga po." Sumilip ako sa kurtina na tumatabing sa kusina, nakita ko si Zenith na magalang na bumati kay Tita at Papa. Hindi ko makita ang reaksyon ni Papa, pero base sa mga ngiti ni Tita ay mukhang pasado naman ito kay Papa.

"Damaris maghanda ka ng makakain para kay Zen." Utos ni Tita kaya lumabas ako galing kusina.

"Ano bang gusto mo Hijo?" Si papa ang nagtanong.
   "Huwag na po kayong mag abala sinilip ko lang naman si Jam kung ok lang ba sila sa mga beautrician ni Mommy."

"Salamat pala Hijo sa mga bigay mo para sa anak ko, ang hirap magpaschedule lalo na sa salon nila at hindi din naman kami regular na customer at sa gown ni Jam may naihanda naman kami pero hindi ganito kaganda at kagara." Si Tita Arella naman ang sumagot halos binabaling lang ng tingin si Zen sa tuwing sasagot sya kay Tita at Papa pero buong atensyon nya ay na kay Ate Jamella.

  "Gusto kong masigurado na sya ang pinakamagandang babae sa mamayang gabi." Seryoso syang nakatingin kay Ate.

Kumuha ako ng tubig para panandalian lumayo sa kanila. Baka nauuhaw din si Zenith lalo na mainit kanina habang binabagtas namin pauwi dito.
    Inabot ko sa kanya ang malamig na tubig at tinanggap naman nya nang maubos nya ang laman ay inabot ko uli iyon para ibalik sa kusina.

Umupo ako sa dining table may natirang kanin at ulam naman nagugutom na din ako dahil umalis ako ng walang almusal.

Dinig na dinig ko ang masasaya nilang usapan maging ang nga kumento ng tiga ayos ni Ate na pumupuri sa kagandahang taglay nito.

"Sige po mauuna na ako susunduin ko na lang po sya mamaya. Maraming salamat po sa pagpapaubaya ninyo sa akin para sa anak nyo."

"Sino bang magulang tatanggihan na maging karelasyon ka? Alagaan mo ang unica hija namin, higit pa sa ginto ang anak namin si Jamella." Boses ni Papa iyon.

"Ihatid mo kay Mang Hector ang dalawang battery kasabay ng tatlong interior nya kunin mo din ang kalahati ng bayad. Isabay mo paghatid palabas si Zenith."
"Sige po." Agad agad kong sinimot lahat ng kanin at sinubo ko iyon, kahit masakit sa dibdib ang biglaan kong pag inom ng tubig para lang maitulak nito iyon sa lalamunan ko. Nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko na mamaya ko na lang huhugasan pagbalik ko.

Itinuro sa akin ni Papa ang isang makapal na eco bag kung saan nakalagay ang dalwang baterya ng sasakyan ni Manong Hector sinabit ko naman sa kaliwang balikat ang tatlong interior ng jeep.

"Sumabay ka na sa akin palabas." Kahit na halos ikaputol na ng braso ko ang mabigat na baterya na dala ko ay tiniis ko.
     "Let me hold that." Kinuha nya sa balikat ko ang bag at dinala nya iyon ng walang kaeffort effort. Samantalang ako ay halos nauubusan yata ng lakas sa pagbibit niyon isabay pa ang nakasampay na interior sa kabilang balikat ko.

"Ako na magbubuhat baka mapagalitan ako ni Papa kapag nakita ka nyang daladala mo iyan sasakay din naman ako jan ng tricycle papunta doon."
"Eh di ibaba ko doon kung saan ka sasakay." Pilit kong kinukuha sa mga kamay nya ang baterya ngunit makulit din sya sa pagtanggi. Ano bang nakain ng lalaking ito at sumagad naman yata sa pagkamabait sa akin.

   "If you think that im gonna use you for purpose na nagpapalipad hangin ako para sa Ate mo ay nagkakamali ka. Im sorry for all those time na naging isa ako sa ginawa kang kakatawanan.." ang mapupungay nyang mga mata ang humihipnotismo sa akin para maumid yata ang dila ko. Hindi nya ba alam na kahit anong palipad hanging nya para kay Ate ay hinding hindi makararating iyon dahil sa hindi ko naman gaano nakakausap si Ate Jamella. Masasayang lang iyon.

Simple ang usapan lang ang nabubuo sa amin. Halimbawa na lang kung 'Na saan ang baso, kutsara, at remote at kung ano ano pa.' Pero higit pa doon wala na.

"..sorry for sometimes that id been the one who bullied you. Pero ngayon na mahal ko ang Ate Jam mo ay makakasiguro kang poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko. Because you are her sister and you are special to her." Special? Para saan?

"Salamat, naintindihan naman kita. Salamat sa pagmamahal mo para sa kapatid ko. Salamat din sa pagbuhat" Sa wakas nakarating din kami sa kalsada kung saan nakapark ang motor nya. Pumara agad ako ng tricycle at agad akong pumasok sa loob.

Marahas akong napabuntong hininga at sumandal. Sana huwag nyang mahalata na umiiwas ako. Lumingon ako para sulyapan sya saktong paliko na pabalik sa direksyon ni Zenith pauwi sa kanila.

    MALAKAS ang tugtog na naririnig ko mula rito sa labas kanina ay tumakas ako para sumilip sa labas ng eskwelahan namin halos isang oras na ang nakakaraan ng mag umpisa ang prom.

  "Ineng di ba eskwela ka din dito? Bat di ka nakadalo?" Si Manong Isko pala. Naka poloshirt itong grey na may logo ng eskwelahan namin guard ng eskwelahan namin.

"Wala ho akong pangbayad jan tsaka makikiusyoso lang po ako pwede ho bang sumilip?" Bahagya nyang niluwangan ang pagbukas ng pintong bakal sapat na para matanaw ko ang kasiyahan sa loob asul at puti ang mga ilaw. Nagpapatugtog sila ng sweet na kanta may mangilan ngilan na kapareha ang sumasayaw sa gitna.

"Nahuli ka hija naianunsyo na kanina ang King at Queen galing parehas sa ikatlong taon si Zen at Jamella ang binigkas." Di na ako nagulat pa dahil sa tingin ko si ate at Zenith talaga ang mananalo. "..pasensya na ineng di na kita mapapasok alam mo naman ang patakaran ngayon gabi. Isasara ko na itong gate roronda na kasi ako sa bawat room nyo baka kasi.. alam mo na?!"

"Ayy opo. Sige po maraming salamat po Mang Isko." Umabante ako para muling maisarado ang gate.

Uuwi na ko tutal nakasilip na naman ako. Ganun pala ang itsura ng prom mejo naeexcite na nakakainggit dahil di ko maafford pumunta bukod sa wala akong pangbayad o pambili ng ticket. Wala din akong marangyang gown bukod pa don walang mag aayaya sa akin na maging kapareha ko.

May next year pa naman baka sakaling makadalo ako.

~Im All Yours Kharrian~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Stolen Beauty (Abusado SERIES 2)Where stories live. Discover now