Una

32 2 0
                                    

Una

Bumalik ako sa sala para ipagpatuloy ang pagpiprito ko ng tinapa para sa hapunan ko. Nakauwi na ako sa bahay habang wala pa si Ate Jamella.

Si Papa naman abala sa talyer na nasa labas ng bahay namin kasama ang mama ni Ate Jamella.

Unang naging karelasyon ni Papa sina Tita Arella naunang mabuntis ni Papa ang mama ni Ate pero hindi alam ni papa dahil pinaghiwalay sila ng mga magulang ni Tita. Ang mama ko ang pinakasalan ni Papa hanggang sa namatay ito sa ovarian cancer aksidente lang na nabuntis ni papa si Mama kaya ipinakasal ni Lolo.

Nang namatay si Mama apat na taon na ang nakakaraan ay hinanap nya si Tita Arella at nung nalaman na may anak sila ay nakipagbalikan ito.

May kaya sina Tita Arella at ang talyer na kilala sa buong bayan ay minamanage ni Papa at galing sa magulang ni Tita.

Noon nagsasama pa sina mama at papa ay hindi ko nakitaan ng pagmamahal si papa kay mama habang buong pusong pinagsilbihan ni mama si Papa. Casual lang sila ni Mama at Papa hindi ko sila nakitaan ng sweetness noong nagsasama sila. Ibang iba sa pagsasama nila ngayon noon kasi palaging nag aaway sina Mama at Papa kaya pala at ngayon ko lang naunawaan.

Pasado alas sais nang makarating si Ate Jamella dalawang oras ng late mula sa tamang oras ng pag uwi namin. Hindi naman sinisita nina Papa kaya di ko na rin pinansin.

Mayamaya pa nagsarado na ng talyer si Papa at pumasok nang bahay lumagpas sya sa akin habang abala ako sa pagbuklat nang notebook ko sa math. Medyo hilong talilong talaga ko pag dating sa Math nauubos ang dugo sa ulo ko.

"Aalis kami maiwan ka muna sa bahay ilock mo ang pintuan kung matutulog ka na." Pormal na sabi ni Tita Arella bihis na bihis silang tatlo. Hindi ko alam na may lakad sila. Tumayo ako sa lapag kung saan ako nakaupo.

"Huwag ka munang matutulog habang wala pa kami ng Tita mo bantayan mo ang bahay alam mo naman madaming salisi ngayon. Ilolock namin sa labas para hindi ka makalabas baka mamaya kung saan saan ka maglakwatsa. Baka magbabad ka na naman sa tv mahiya ka naman sa Tita mo." Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa bawat bitaw ni Papa sa akin ng kanyang salita. Tumango lang at ibinababa sa mga paa ko ang tingin. Ayaw na ayaw ni papa na titingin ako sa kanya lalo na kapag pinagsasabihan nya ko ang punto nya kasi ay parang kakalabanin ko sya.

Naunang lumabas si Papa sa bahay sumunod si Ate na nakasuot ng white at pink na dress above the knee. Naiinggit ako sa mga damit ni Ate Jamella lalo na kapag pinagmamasdan ko ang mga damit sa tokador nya lahat signature dress at malakas ang dating. Pangarap ko to dati nung maliit pa ako yung parang Barbie doll ang mga damit. Pero di natupad dahil walang bibili ng ganun sa akin.

"Anong gusto mo?" Tumingin ako kay tita Arella.
"Po?"
"Sige kapag inantok ka matulog ka baka gabihin kami. Ipagdadala na lang kita. Kakain lang kami sa labas ng Papa mo."
"Opo. Mag ingat po kayo.. Tita Arella pwede ko ho bang hiramin yung luma nyong de keypad na cellphone tsaka po yung nakita ko sa basurahan na headset ni Ate?" Pahabol ko sa kanya. Tumingin sa akin si Tita bago sya sumagot. Maganda si Tita Arella lalo na at mistisahin ito dahil sigiro sa lahi nitong Kastila.

"Oo naman. Kuhain mo na." Hindi mababakasan si Tita ng ngiti pero casual ang sagot nya sa akin. Kaya minsan natatakot din akong makipag usap sa kanya dahil hindi ko din alam ang estado nya sa akin.

Tinanaw ko sila sa bintana habang pasakay sila sa pulang Vios na kotse. Bumaba si Papa at sinarado ang gate narinig ko pa ang pagkalampag ng kadena sa gate tanda nang pagsarado ng pinto.

Kinuha ko ang cellphone ni tita Arella sa ibabaw ng tokador at yung headset na tinapon ni ate sa basurahan agad kong kononekta sa radyo at isang earphone lang ang nagana kaya inispeaker ko para hindi ako maburyo sa bahay.

Sinagutan ko ang lahat ng assignment ko sa math kahit hindi ko alam kung tama ba lahat ng sagot ko. Ginamit ko din calculator ang cp ni tita Arella dahil wala akong scientific calcu kaya pinagtyagaan ko na to kaysa wala akong assignment bukas. Mga bandang alas nueve nang makarinig ako ng kalampag sa mesa kasabay din nang pagkalam ng sikmura ko.

Naalala ko kaagad ang ulam ko dali dali akong tumungo sa mesa at hindi nga ako nagkamali. Tinangay ng pusa ang ulam kong tinapa. Kahit gusto kong batuhin nang takip nang kasirola ay hindi ko ginawa siguro nagugutom din yung pusa katulad ko.

Kumuha ako ng toyo at koting mantika na pinagpritusan ko at pinigaan ng kalamansi. Magtitiis ako ulit sa toyo. Masarap naman ang lasa feeling ko kumakain ako ng adobong na ang sahog ay kaliskis ng tinapa, adobong walang laman.

Niligpit ko ang pinagkainan ko at nagwalis na din.

Alas onse na wala pa din sina papa at tita gusto ko nang matulog pero natatakot ako sa banta ni papa. Kahit kasi malaki na ako tinatamaan pa din ako ng mga palad at sinturon nya. Kaya ilag ako kay papa strikto sya lalo sa akin sobrang disiplinado. At nakakatakot ang paraan nya nang pagdisiplina sa akin.

Inayos ko ang gamit ko at hinanda ko ang pamamaluktot sa sofa.

Nagising ako sa pagbukas ng pintuan patuloy pa din sa pagtugtog ng radyo sa cp kasabay ng malakas na tawanan nina Papa at Ate kasunod si tita Arella na nakangiti din.

"Ano bang sabi ko sayo di ba hintayin mo kaming dumating?" Napatingin ako sa pabilog na orasan na nakasabit sa dingding mag aalauna na ibig sabihin nakadalawang oras na kong nakakaidlip pero maaga ang pasok ko mamaya.

"Pasensya na po Pa. Di ko na napigilan maaga po kasi ang pasok ko."
"Hayaan mo na Dad si Damaris."malambing na kumuyapit si Ate Jamella sa mga braso ni Papa ilang paper bag ng damit ang nakasukbit sa braso nya. Pulos may tatak ang lahat.

Sumunod na pumasok si tita Arella na may dalang supot ng isang fastfood chain.
"Para sayo. Kainin mo na." Inabot sa akin ni Tita ang supot at binuksan ko.
Nanuot sa ilong ko ang bango ng pritong manok at spaghetti.

"Salamat po." Pahabol ko sa kanya.

"Isarado mo ang pinto pagkatapos mong kumain patayin mo ang ilaw. Ganun din sa Ate mo bago ka matulog."

"Opo." Dali dali kong binuksana ng supot na naglalaman ng pagkain. Malamig at tigang na ang pasta na halos ayaw ng sumama sa paghalo ko.

Ok na to paborito ko nga to ehh. Chicken at spaghetti.

~Im all yours Kharrian~

Sweet Stolen Beauty (Abusado SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon