CHAPTER 23

2.8K 65 2
                                    

BASTARDA,ANAK NG KABIT

Written by Milfeul Hancock

Sa tulong ng impluwensiya ni Gavin ay nakapag pasya si Patricia na magsagawa ng isang fashion show kung saan isho-showcase ang mga bagong disenyo ng sapatos at damit ng pinamamahalaan niyang kumpanya.Laking gulat ni Violeta na nooy kasama si Natasha sa nasabing fashion show na dinagsaan ng mga sikat na artista at designers ng bansa.

''Look at Violeta's face sweetie hahaha napanganga siya sa dami ng tao sa fashion show mo.''wika ni Paula na ngising demonyo na napatingin sa mag inang Violeta at Natasha.

''Well lalo siyang mapapanganga once nakita niyang rumampa ang mga collection ko Mommy.''wika ni Patricia na mapapatingin sa paparating na si Keith na nooy agad nahagilap ng kanyang paningin ang iniibig nitong si Natasha.

''Hi andito ka rin pala!''mahinang wika ni Keith na matapos nginitian ni Natasha ay agad siya nitong dededmahin.

''Glad your here,magtatampo ako kung d ka dumalo.''singit ni Patricia sabay hawak sa braso ng nagulat na si Keith.

''Congratulations Pat.''buong pusong pagbati ni Natasha sa kapatid.

''Well thank u my dear sister but save that later kasi d pa naman ako tuluyang nananalo.So how was your hotel/resort business wala ata akong naririnig na ingay dyan sa business mo.''wika ni Patricia na halatang inaasar ang kapatid na si Natasha.

''Sooner or later maririnig mo rin ung akin but for now lets see what uve got for us Pat.''wika ni Natasha na hindi papatalo sa kapatid na si Patricia.

''Hmmm nagtatarayan na naman ba kayo gurls? And u my feisty love u better start this show ok?''wika ni Gavin na agad kukunin sa mga braso ni Keith si Patricia at hihilahin papunta sa kanya.

Isang matalim na tingin kay Keith ang mapapansin ni Violeta kay Gavin.She smiled ng makitang interesado ang sikat na designer sa bastardang anak ng kanyang asawa.

''Well see u later guys i hope u will enjoy my show.''wika ni Patricia na namula ang mukha sa kapangahasang ginawa ni Gavin sa harap ng ex nitong si Keith.

Pagtalikod ni Patricia ay agad kinausap ni Violeta si Gavin tungkol sa nararamdaman nito sa dalaga.

''You have a thing with Patricia aminin mo sakin Gavin.''wika ni Violeta sa mapapangitng si Gavin.

''Well i will admit yes ok lang naman dba sayo kung maging kmi ni Patricia right?''wika ni Gavin kay Violeta.

''Ofcourse i know she will be in good hands kung magiging kayo.I was hoping na tantanan na niya si Keith coz i want Keith to be with Natasha just like Him and Desiree before.Naniniwala ako na sila ang nakatadhana sa isat isa wat do u think Gavin?''tanong ni Violeta kay Gavin na mapapatingin sa dalawang tila nagaalangang makipag usap sa isat isat.

''As long as wala siya sa landas ko its fine with me,Patricia is mine and ill do everything wag lang silang magbalikan ni Keith.''wika ni Gavin na ipaglalaban ang nararamdaman para sa dalagang iniibig.

Nagsimula na ang fashion show at ang lahat ay kinilig sa cuteness ng mga batang unang pinarampa ni Patricia suot ang dinesenyong school shoes ng dalaga para sa mga bata.Lalong namangha ang lahat ng makita ang sumunod na koleksyon ng mga damit na dinesenyo ni Patricia na abot langit ang tuwa sa pagtanggap ng mga tao sa kanyang mga pinaghirapan.Natapos ang fashion show at agad na lumapit ang mga nanuod lalo na ang mga negosyante kay Patricia upang alamin kung pano sila maka avail ng mga produkto ng dalaga.

''Congratulations iha well done!I know u can handle this company but i didnt expect na magiging ganito ka bongga.I am so proud of u and i know Mariano will be too.''wika ni Violeta sabay yakap sa tila nagulat na si Patricia.

''Thank u Tita.''maikling sagot ni Patricia na speechless sa mga nasabi ni Violeta sa kanya.Agad siyang umalis upang kausapin ang kanyang mga guest na tuwang tuwa sa kanyang sinagawang fashion show.

''Well well it seems na ibinangon ng anak ko ang naluluging negosyo mo ha Violeta.''singit ni Paula ng bigla niyang lapitan si Violetaa.

''It seems so your daughter is a talented bright young woman i just hope na hindi siya matulad sayo sinayang ang ganda at talino para lang maging kabit ng asawa ko.''wika ni Violeta na naningkit ang mga mata ng makita nito si Paula.

''Why u! pasalamat ka maraming tao kung hindi papatulan na kita Violeta.''wika ni Paula sabay ngising demonyo ni Violeta.

''I dont have time for u go waste your time on other things Paula.''sabay talikod ni Violeta habang nang gagalaiti naman sa galit si Paula ng biglang hilain ng isang lalake.

''IKAW? WHAT R U DOING IN HERE?''tanong ni Paula ng makita nito si Lui ang tunay na ama ni Patricia.

''Im here to ask about the money,asan na ang ipinangako mo Paula.''wika ni Lui na nakangising nakatingin sa kinakabahan at galit na galit na dating ex.

''Anong tingin mo sa akin milyonarya? i dont have that kind of money Lui!''wika ni Paula na natetense sa mga oras na iyon.

''Ikaw wala pero ang anak ntn meron,look how succesful she is right now lalo na kung siya na talaga ang maging tagapag mana ng mga Nueves.''wika ni Luis ng tingnan siya ng masama ni Paula.

''Hindi pa si Patricia ang may ari ng kumpanyang ito nakikipag kumpentensiya pa siya sa mga bastarda ni Mariano.Cant u just wait? your ruining Patricia;s life!''wika ni Paula sa mapapaisip na si Lui.

''Ok sige hihingi nalang ako ng paunang bayad sa katahimikan ko,500k tommorow pm generous na ako sa lagay na yan Paula.Maliit na pera yan kumpara sa natatanggap niyong mag ina kay Mariano at Violeta.''wika ni Lui sa walang magawa na si Paula.

''Ok fine so can u just leave? maski yang 500k d ko alam san kukunin just go!''iritadong wika ni Paula sa paalis na si Lui.

Nakahinga ng maluwag si Paula ng makita nitong umalis na si Lui,ang hindi nito alam ay napatingin sa kanila si Violeta na nahiwagaan bakit andun ang dating boyfriend ni Paula.She smell something fishy pero nawala sa isip niya ito ng biglang may tumawag at sabihing inatake ang asawa niya.

''What? Ill go with u Mom!''wika ni Natasha ng sabihin sa kanya ni Violeta na inatake sa puso ang ama niya.

Dali daling umalis ang mag ina habang si Patricia naman ay busy sa success ng fashion show nito.Sa huli ay nalaman niya through Gavin ang nangyari kay Mariano at agad na sumugod ng ospital kung saan makikita sina Helga,Natasha at Violeta na nakaupo at tahimik na umiiyak habang inaantay ang kalagayan ni Mariano.

''May blood clot na namuo sa ulo ng pasyente,he needs to undergo surgery he may need some blood lalo nat rare ang blood type ng pasyente.Ubos na kasia ng stock ng type ab na dugo dito kaya mahihirapan na tayong makahanap ng donor.''paliwanag ng doktor sa umiiyak na pamilya ni Mariano.

''May dodonate ako!''wika ni Natasha na agad hahawakan ang kamay ni Violeta.

''AKo rin!''agad na sagot ni Patricia.

''Kunan niyo na rin ako.''mahinang wika ni Helga na kahit may hinanakit sa ama ay nag aalala sa kalagayan ni Mariano.

Napangiti at naluha si Violeta habang nakatingin sa tatlong dalagang handang magbgay ng dugo para sa kanyang asawa.Buo na ang pasya niya sa susunod na mga araw sasabihin na niya kung sino ang tunay na tagapag mana.

Itutuloy...............

BASTARDA,ANAK NG KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon