CHAPTER EIGHT

3.3K 78 1
                                    

Masayang nakihalubilo sina Patricia at Helga sa mga bisita habang si Natasha naman ay mas piniling umupo sa isang tabi at kumain ng cake na handa sa malaking pagtitipon na inihanda sa kanila ni Violeta.Isang may edad na babae ang lalapit kay Natasha sabay tabi sa nakaupong dalaga.

''Kamukhang kamukha mo si Desiree iha.''wika ng babae sa mapapangiting si Natasha.

''Im sure sayo ipamamana ang majority ng kumpanya nila Violeta,kamukha mo kasi ang anak nila.''wika ng babae na tila hindi nagustuhan ni Natasha.Oo gusto niyang manalo pero hindi dahil sa kamukha niya si Desiree kung hindi dahil sa kakayahan niyang pamunuan ng maayos ang kumpanya.

''Alam mo iha nabanggit sakin ni Violeta na pagpipilian pa sa inyong tatlong magkakapatid ang magiging tagapagmana nila.Gusto ko ikaw ang mapili dahil nakikita ko na mas may kakayahan ka sa paghandle ng negosyo at pag aari ng pamilyang Nuevez.Hayaan mo kukumbinsihin ko si mareng Violeta na ikaw ang gawing tagapag mana kapalit lang ng maliit na pabor iha.''wika ng babaeng inutusan ni Violeta upang subukan kung maglalaro ba ng patas si Natasha o tulad ng dalawa nitong mga kapatid ay may kakayahang gumawa ng mga hidden agenda.Napataas ang kilay ni Natasha sa sinabing iyong ng babaeng tumabi sa kanya.Titingin siya ng deretso sa mga mata ng babae sabay ngiti.

''Wag na po kayong mag abala pang ireto ako kay Tita Violeta, malaki ang tiwala ko sa sarili ko na ako ang pipiliin nila hindi dahil sa kamukha ko si Desiree kungdi dahil sa alam ko na magagampanan ko ng maayos ang pag handle ng mga kumpanyang ipamamana sakin nila Tita.Excuse me lang po at kukuha lang ako ng cake at juice nice meeting you po.''confident na wika ni Natasha na agad nilisan ang napasimangot na babae na mapapatingin sa nakangiting si Violeta.

''So mukhang pasado tong kalook alike ni Desiree ha Madam?''tanong ni Gavin kay Violeta na nakatingin ng malalim sa kumakain na si Natasha.

''Hindi pa tapos ang kompetisyon,halata naman sa batang yan na hindi agad nagtitiwala sa ibang tao maliban sa sarili niya.I know she will pass this test but i know from the beggining kung ano ang weakness niya.''wika ni Violeta sabay baling ng tingin kay Helga na nooy kinakausap ng isang binatang mayamang.

''Your so pretty can i invite you for a date sometime.''tanong ng isang binata ng biglang hilahin ng isang babaeng naka silver gown sabay tingin mula ulo hanggang baba kay Helga.

''Your flirting with this prostitute? how cheap!''wika ng babae sabay taas ng kilay ni Helga.

''Are you talking to me? ''wika ni Helga na hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga.

''Hahaha no im not silly obviously im talking to my fiancee.''wika ng babae na inutusan ni Violeta silang magkasintahan upang subukan ang pasencia ng dalaga pagdating sa pang lalait ng mga socialite nitong amiga sa kanyang pinanggalingan.

''Well bantayan mo yang fiancee mo kasi isang kindat ko lang kaya ko siyang agawin sayo excuse me!''wika ni Helga sabay tingin ng masama sa babaeng napanganga.

''That fiesty Helga i like her palaban siya but there is something not right with her.''wika ni Gavin na lubos na sinang ayunan ni Violeta.

''Shes the most evil one sa magkakapatid,she may be on the losing side pero once nakakita siya ng pagkakataon she will grab that opportunity leaving the other two behind.''wika ni Violeta na nakangisi habang tinitingnan ang pagkembot palakad ng palabang si Helga.

''I think its my time to test that Patricia,ill see you later Violeta.''wika ni Gavin na agad susundin ang utos ng matandang babae na silawin sa offer ng kasikatan ang model na si Patricia.

''Lets see kung madadala ka ba sa kinang ng runway my dear Patricia.''wika ni Violeta na inayos ang earphone na nagkokonekta sa mga taong inutusan nito para subukan ang tatlong bastarda.

Sa may gazeebo makikita ni Gavin si Patricia,mukha itong depressed at malungkot dahil sa tila malamyang pagtanggap ng mga tao sa kanya.Naiinsecure siya dahil hindi kasing laki ng boobs nito ang boobs ni Helga at hindi siya kamukha ng namayapang anak ni Violeta na si Desiree tulad ni Natasha.She felt like shes losing, at nakikita nito ang pangarap niyang yumaman at sumikat na papalayo sa kanya.

''Hi why so lonely dear?''tanong ni Gavin sabay alok ng champagne sa mapapangiting si Patricia.

''Im so sorry about what happend a while ago,but i still insist this gown of yours is lame and not so eye turner unlike sa dalawa kong kapatid.''deretsong wika ni Patricia sa tila nagulat na si Gavin.

Ine- expect ni Gavin na magiging sipsip si Patricia dahil alam nitong sikat siyang fashion designer.He was impressed pero hindi pa tapos ang pagsubok,he needs to dig deeper on Patricia's personality.Kakagat ba ang dalaga o hindi?

''Well that gown was designed lousy and simple like uve said because i want the person wearing it to make it fabolous.Violeta told me you were a model so i had high expectations from you that u will create an image of this simple gown different sa mata ng mga tao.Akala ko kaya mong dalhin ang damit na ito kahit simple lang,nagkamali pala ako.''wika ni Gavin kay Patricia na halatang lalong na depressed sa sinabi ng binata sa kanya.

''I cant feel that way with this gown,i grew up with a mother who always like me to see or do things perfectly.Akala ko kaya kong talunin ang lahat,with my wits and ofcourse beauty im always on the winning side until Natasha came.Her existence made me feel threatned never kong nafeel yan sa tanang buhay ko.Tapos ng ipakilala pa kami kanina super nanliit ako kasi ang mga mata ng tao nasa boobs ni Helga at mukha ni Natasha.Para lang akong wall flower na sumibol lang sa isang tabi.''wika ni Patricia habang nakikinig naman si Gavin na unti unting naiintindihan ang personality ng dalaga.

Hindi masama si Patricia,pinalaki lang siyang achiever ng Nanay niya.Hindi siya tinuruang makipag kapwa tao dahil gusto ng ina nito na dapat mataas ang kompiyansa at tingin nito sa sarili niya.On that moment isang kakaibang Patricia ang nakita nina Gavin at Violeta,they felt sorry for her.Mapapangiti si Violeta at sasabihin kay Gavin na tapos na ang pagsubok sa dalaga.Tatanggalin ni Violeta ang earpiece sabay lakad papunta sa kwarto ng asawa niya.

''How was the test?''tanong ng asawa nito sa mapapangiting si Violeta.

''Fine but there is more to come,unti unti ko ng naiintindihan ang mga anak mong bastarda.''wika ni Violeta sabay tingin sa maliwanag na buwang sumisinag sa kwarto nilang mag asawa.

Itutuloy..................

BASTARDA,ANAK NG KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon