The Scars of Your Love

180K 4.5K 894
                                    

Chapter Two

"MAUUNA na ako," paalam ni Krista kay Edward habang bitbit ang mga gamit nito. Tapos na ang photoshoot at pack up na ang buong crew.

"Okay. Naroroon naman si Mang Edmund. Sa loob ka na ng sasakyan maghintay para hindi ka mainitan."

"Hindi ko sinabing mauuna na ako sa kotse. Ang ibig kong sabihin ay mauuna na akong umuwi dahil mukhang matatagalan ka pa sa meeting niyo."

"Hindi. Mabilis lang 'yon tiyak. Si Madam Pita ang nagpatawag ng meeting. I'm sure gusto lang akong makita no'n," pilyo itong ngumisi.

Inirapan niya ito. "Kaya nga mauuna na ako dahil tiyak pahirapan na naman ang pagpapaalam mo ro'n."

"'To naman. Napakaselosa. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang one and only ko," kumindat pa ito sa kanya at malandi siyang inakbayan.

Ang balak niyang pagsagot sa sinabi nito ay naudlot nang may biglang magsalita sa kanilang likuran.

"Puwede ba kung maglalandian kayo gawin niyo sa pribadong lugar?"

Napatuwid ang gulugod ni Krista sa pamilyar na boses. Pitong taon na ang lumipas ngunit ang boses nito ay pamilyar na pamilyar pa rin sa kanya. But before they could utter a word, dumaan sa tabi nila si Vincent at parang sasakyang um-overtake sa kanilang paglalakad. 

Mahigpit niyang pinagtiim ang mga labi. Naiinis siya sa iniaakto nito na para itong apektado sa kanyang ginagawa gayong hindi na nga niya ito pinapansin. Kanina lamang sa photoshoot ay hindi halos humihiwalay ang tingin nito sa kanya. Ilang na ilang nga siya. Daig pa nito ang CCTV na masusing inire-record ang bawat kilos niya.

"Don't let him get into you, sweetheart. You'll be seeing more of him from now on."

"What do you mean?"

"May mga nakalinya kaming projects na gagawin na magkasama."

Wala siyang naitugon sa sinabi nito.

"Go and wait for me in the car. I'll be with you in a little while."

Ipipilit sana ulit niya rito na mauuna na siyang umuwi ngunit parang nahulaan kaagad ni Edward ang iniisip niya at isinenyas ang hintuturo upang pigilan siyang magsalita pa.

"Go, shoo."

"Ginawa mo pa akong aso."

"If you were an animal, sweetheart, hindi ka aso kundi kuting. You don't know how to bark you used your claws instead."

"Hindi ko alam kung pinuri mo ba ako o nilait."

Tumawa lang ito bago siya iniwan.

Nagtungo na siya sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Edward. Ngunit bago niya marating ang sasakyan ng kaibigan ay madadaanan niya ang sasakyan ni Vincent. Kulay pula iyong sports car na naka-top down ang bubong. Nasa labas ito ng sasakyan at kasalukuyang may kausap sa cellphone. Hula niya ay babae nito dahil ang lambing-lambing ng pagsasalita.

"Sure, babykins. I love you."

Lalampasan na lamang niya ito nang marahan itong humarap matapos ang pakikipag-usap sa cellphone. Ramdam ni Krista nang tila saglit na tumigil ang pintig ng puso niya nang magkasalubong ang kanilang tingin. 

"Ihahatid na kita. Mukhang matatagalan pa sa loob ang boyfriend mo."

Hindi niya ikinubli ang pagkagulat sa offer nito. Bakit nga ay hindi masasabing maganda ang naging paghihiwalay nila para kausapin siya nito sa ganoon kakaswal na tono.

"C'mon. For old time's sake."

"I would love to..." aniya na may napakalapad na ngiti. Napangiti ito. "Iyon siguro ang ini-expect mong sasabihin ko. But sorry to burst your bubbles, Mr. Lee. Wala akong pambayad sa kotse mo kapag nagalusan ko 'yan."

Lust and Found (Book II of Lust Trilogy)Where stories live. Discover now