The Painful Goodbye

368K 5.8K 575
                                    

a/n:
sa title pa lang po ng story, siguro naman ay may idea na kayo na hindi ito for general consumption. haha! I mean to say, hindi ito puwede sa mga minors at mga inosente. you are about to enter the world of Lust--one of the seven sins. so beware, restricted access. kung ayaw mong mawindang ang katinuan mo sa mga mababasa mo sa story na ito, lipat ka na lang ng channel, hanu raw? hahaha.

kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko rito. seryoso na, kasi seryoso rin ang theme ng story na ito. yep, try ko 'yong iniiwasan kong gawing genre. try ko kung mapapaiyak kayo sa tuwa sa lupit ng mga male characters ko. malayo sila sa mga datingan nina Rafe, Zeke at Red. baka kasi maumay kayo kapag pare-pareho ang characters, deebah?

date started: April 15, 2018

~0~

Prologue

NAMAMAWIS ang mga kamay ni Krista habang nasa labas ng condo ni Vincent. Nakausap na niya ito at sinabihan siyang mauna na sa condo ng binata dahil hindi pa raw tapos ang photoshoot na ginagawa nito para sa isang billboard ads.

Napatingin siya sa kanyang relo. Quarter to six ng gabi. Magtatatlong oras na pala siyang naghihintay. Ayon dito ay malapit lamang ang location ng ginagawang photoshoot ng mga ito. Kung patapos na gaya ng sabi ni Vincent, kaunting oras na lamang siguro ang ipaghihintay niya. 

Binigyan siya nito ng spare key sa condo. Ngunit noong huling beses na nagkita sila nito ay naiwan niya ang susi. Medyo nagkasamaan kasi sila ng loob noong huli nilang pagkikita--o mas siya lang siguro ang masama ang loob sa nangyari. Nali-link kasi ito sa isang artista. He didn't deny nor confirmed the news. He simply said it's part of his job.

Napahugot ng malalim na paghinga si Krista. Patung-patong na ang problema niya. May sakit ang kanyang ama at namimiligro pa siyang matigil sa pagpasok sa eskuwela dahil sa kakapusan nila sa pera. Tapos ngayon--wala sa loob siyang napahawak sa impis na tiyan. 

Hindi pa alam ni Vincent ang kalagayan niya. Ever since they started their relationship--isang relasyong walang partikular na label--ay nilinaw nito sa kanya na hindi siya puwedeg magbuntis. Bukod sa hindi pa ito handang magpamilya nang maaga ay wala raw itong amor sa mga bata. Kasalanan niya. Dahil sa sunod-sunod na problema sa kanyang pamilya ay nakaligtaan niya ang mag-take ng pills. Hanggang sa hayun na nga ang problema. She's seven weeks pregnant.

Nang marinig ni Krista ang pagbukas ng elevator ay kaagad na dumako ang tingin niya roon. Ngunit parang sinaksak ang puso niya nang lumabas doon si Vincent na may babaing nakalingkis sa leeg at mainit na nakikipaghalikan dito. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang saglit na tumigil ang dalawa at isinandal ni Vincent ang babae sa dingding at mas mapusok pa itong hinagkan. Nakita niya ang kamay ng babae na dinakot ang harapan ni Vincent habang ang huli'y sumuot ang kamay sa hanging blouse ng babae at hinawakan ang isang umbok ng dibdib nito.

Nagsikip ang dibdib niya. Gusto niyang lapitan ang mga ito at hilahin ang buhok ng haliparot na kahalikan ni Vincent. Ngunit parang nasemento ang mga paa niya sa kinatatayuan at ni hindi nagawang makagalaw. Kung merong nai-stroke habang nakatayo, ganoon marahil ang nangyari sa kanya.

Patuloy sa mainit na paghahalikan ang dalawa. Daig pa niya ang nanonood ng live show dahil kulang na lang ay maghubad ang dalawa sa harapan niya. Hindi magkandatuto ang mga kamay ng mga ito sa pagdama ng katawan ng isa't isa. Ang kamay ni Vincent na kani-kanina lamang ay lumalamas sa suso ng babae ngayon ay sumuot na sa ilalim ng suot nitong palda. Ang puwetan naman ng babae ang ngayo'y nilalamas nito na tila may panggigigil.

Nang makitang susuot na sa pundilyo ni Vincent ang kamay ng babae ay nanginginig ang kamay na inabot ni Krista ang display vase sa gilid ng hallway. Tinabig niya iyon. Lumikha ng ingay ang nabasag na plorera.

Lust and Found (Book II of Lust Trilogy)Where stories live. Discover now