Kabanata 35

78.7K 1.6K 96
                                    

"Anak. Hindi sa kinakampihan ko si Chance, ngunit hindi ata tama na ipagkait mo sa kanya ang bata." Mahinahong wika ng Ina ni Alora habang magkausap sila sa telepono ng gabing iyon.

Nasa Palawan ito upang asikasuhin ang tinatayong resort. Paborito kasi ng kanyang ina ang lugar na iyon kaya doon nito naisip na magtayo ng resort nito.

Carly sighed as she look at her sleeping son. Nakatulog na lamang ito sa kakaiyak dahil hinahanap nito ang papa nito. "But mom, You know what he did-"

"And you know and you can see that he's trying his best para makabawi. Anak I know that your still in pain from what he did but you have a son now."

Napapikit siya. Alam naman niya at nakikita kung paano mag effort si Chance ngunit ganoon na lamang ba iyon? Kakalimutan na lamang niya ang nakaraan? It almost wrecked her.

Ngunit nang mapatitig siya sa anak na mahimbing ang tulog ay agad nawala ang galit niya. Pinangako niya noon sa sarili na hindi niya ipaparamdam sa anak niya ang isang broken family lalo na ang mapagmalupitan ito ng ama. At ngayon na narito si Chance upang kumalinga sa kanila ay ipagkakait niya ba iyon?

Nang matapos ang tawag ay agad siyang tumabi sa anak ng bahagya itong gumalaw. Medyo kunot ang noo nito na tila aburido kahit na nakapikit ito.

"Pa..."

She sighed as she shed her tears. Niyakap na lamang niya ang anak ng mahigpit habang patuloy sa pag iyak.

Nang umaga ay kumatok ang kanilang katulong upang sabihin na nasa ibaba si Chance. She didn't expect him to be here after all she said.

Sinabi na lamang niya na pag-antayin na lamang si Chance sa sala at mag-aayos lamang siya. Nang makaalis ang katulong ang mabilis siyang nagtungo sa banyo upang gawing ang kanyang mga ritwal. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya ng banyo kasabay ng pag gising ng anak. Nakadapa na ito ay tila inaantok pa dahil nakapikit pa ang isang mata nito. Magulo rin ang buhok nito at doon ay nakikita niya ang resemble ni Chance sa anak. There is no doubt that he is Chance's son. Napailing na lamang siya at binuhat ito para isama sa ibaba.

Napansin niya agad si Chance na nakaupo sa sofa habang nakatulala lamang sa kung saan na tila malalim ang iniisip. Napukaw lamang ang atensyon nito noong tinawag ito ng anak. Panay ang palakpak ni Chester habang nakatitig sa ama. Pilit din nito na inaabot ang ama kahit nasa baitang pa lamang sila ng hagdan kaya mabilis na lumapit sa kanila si Chance upang kuhanin ang bata.

Agad na pinulupot ng bata ang maliit na braso sa leeg ng ama na tila ba ayaw niya na itong pakawalan. Wala siyang nagawa kung hindi mag-iwas na lamang ng tingin..

"Papa!" Chase happily exclaimed.

Ngumiti naman si Chance at hinalikan ang ulo ng anak. "Yes, love. Papa Is here."

At tulad na lamang ng dati ay ang mag ama nanaman ang laging magkasama. Gusto man niya na kausapin si Chance ng personal ay hindi niya magawa dahil ayaw ito pakawalan ng anak.

Nagkaroon lang sika ng pagkakataon na makapag usap na dalawa noong nakatulog amg bata matapos nito mag tanghalian.

"I'm sorry." Unang saad ni Chance nang makarating sila sa kanyang kwarto.

Huminga siya ng malalim at naupo sa kama bago nag angat ng tingin sa lalaking nada kanyang harapan. Blanko lamang ang tingin nito sa kanya na tila nag aantay ng kanyang sasabihin.

"About what happened last night..."

"I know.. It's my fault and I'm sorry. Hindi dapat kita binigla." Malumanay na wika nito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng guilt para rito. She sighed as she look at him. "Sorry Chance. Hindi lang talaga ako handa lalo pa at ipapakilala mo si Chester sa magulang mo sa sitwasyon natin na ito." Wika niya. Tahimik lamang na nakikinig si Chance sa sinasabi niya kaya nagpatuloy siya.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon