Kabanata 5

90.8K 2K 78
                                    

"Carlinda nakikinig kaba?" Annisa hissed at her. Carly snapped back to reality when she heard her best friend's voice.

Kumurap-kurap siya upang mawala ang nasa kanyang isipan. But damn it! Bakit ba kasi hindi maalis sa isip niya ang ginawang pag halik sa kanya ni Chance? At ang gago, pagkatapos siyang halikan ay hindi na nagparamdam ng buong linggo.

"Carlinda!" Muling sigaw ni Annisa.

Bahagya siyang napatalon sa sigaw ng kaibigan. Ngumisi siya at uminom ng kanyang kape. "I'm sorry. Medyo may iniisip lang." Dahilan niya.

Sumimangot ito. "Alam mo, simula nang umalis ka sa bahay ni Nika, naging busy kana." Reklamo nito.

Napatingin naman siya kay Nika na tahimik lamang ba nakatingin sa kanya. Bahagyang may pagtataka sa mga mata nito. Tumawa siya at pinalo si Annisa sa braso. "Gaga! Big project kasi ito kaya lagi akong busy. Ikaw ha! Naging ususera ka umuwi kalang galing honeymoon! Kamusta experience?" Tanong niya. Hoping na sana ay maiba niya ang usapan.

"Bakit napunta naman tayo sa honeymoon namin ni Duke?"

"Uhh. Kaya nga tayo nagkita-kita upang mag kwento ka diba'? Na cancel na nga yung pag uwi niyo ni Duke ng one week!" She said irritably. Kakauwi lamang kasi ni Annisa at Duke sa halos isang buwan nilang honeymoon.

Naiingit tuloy siya. Kung siya kaya ang ikakasal ay magho-honeymoon din' ba sila ni Chance- este ng mapapa ngasawa niya? Nang dahil sa halik na iyon ay kung ano-anong naiisip niya.

Matapos nilang magusap at nang maibigay na nito ang kanyang pasalubong ay agad narin umalis ang dalawa dahil babalik na ang mga ito sa university na pinatuturuan. Siya naman ay agad na nagtungo sa parking lot upang umuwi.

  Mahigpit na bilin sa kanya ng kanyang Tito ay mag ingat dahil madali nang makakapasok sa loob ng bansa ang mga tauhan ng kanyang ama dahil wala na ito sa posisyon at hanggang hindi pa siya naikakasal ay hindi siya magiging ligtas.

Ngunit nais niya nang itigil ang kasal na balak ng kanyang tiyuhin. Delikado hindi lamang sa kanya kung hindi pati narin ang buhay ni Chance kung matutuloy ito. She's damn sure na mas lalong magagalit ang kanyang ama kapag nalaman nito na ikinasal siya sa iba at hindi sa itinakda nitong lalaki

She was about to ride her bike when someone pull her and cover her mouth. Sa gulat ay agad siyang napatili. Binuhat siya patalikod at pilit na dinadala sa madilim na lugar ng parking lot.

Ikinawag niya ang mga paa hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak nito. Mabilis siyang pumaikot rito at hinawakan ang leeg nito. She hit him in his groin real hard bago siya mabilis na tumakbo papalabas ng parking lot. 

Nang lingunin niya ay tatlong MIB na ang humahabol sa kanya. She curse loudly bago mabilis na tumakbo. Nang makalabas ng parking lot ay tumakbo siya sa kabilang kanto. Patawid na sana siya ng may itim na sasakyan ang dumaan dahilan upang mabangga siya. Napaupo siya sa sahig at mabilis na naramdaman niya ang sakit sa kanyang bewang at pangupo. Napapikit siya dahil rito.

Narinig niya ang pagbukas at sara ng pintuan ng sasakyan.

"Carly?" She heard someone calling her.

Dumilat siya at bumungad sa kanya si Chase na nagaalalang lumapit sa kanya. Lumingon siya sa gilid at nakita niya ang papalapit na mga MIB. mabilis na umangkla siya kay Chase.

"Chase... Please get me out of here. Please." Naiiyak na pakiusap niya. Nanginginig na siya sa takot at kaba.

Mabuti na lamang at hindi na muling nagtanong si Chase sa kanya. Mabilis na binuhat siya nito at isinakay sa sasakyan nito bago pinaharurut paalis.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Where stories live. Discover now