Chapter 11 : Comfort

144 2 2
                                    

[Please read my new published story entitled : The Untold Story Of Us. Thank you ^_^]

BOOK 3 will be out soon ;)

Chapter 11 : Comfort

KAYE's POV:

"Maraming salamat po tita sa pagpapa-stay nyo sakin dito. Sorry po sa abala hehe" anya ko sa mommy ni Korine.

"Ano ka ba! Wala yun samin. Masaya nga ako't naparito ka. Kahit papano may nakakasama tong anak namin." Nakangiting anya nito saka niyakap ako. "Kelangan mo ba talagang umalis?" Bigla ay nalungkot ako sa tanong nya. Ayoko pa po sana e. Pero tumango nalang ako bilang pagsagot at mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

"Thank you for staying beside our daughter. Mamimiss ka namin" at hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko. Una akong humiwalay sa yakap at tiningnan sila isa-isa. At huli kong tiningnan si Korine. Naluluha sya.

"I'll see you soo---" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag ng pangalan ko mula sa likuran. Si Philippe.

"Aalis ka?" Hihingal na tanong nya. Tumango lang ako. Bumalatay naman sa mukha nya ang lungkot at nabigla sa sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Oh come on! Not now guys!  Napalingon ako kay Korine pero nag-iwas lang ito ng tingin.

"Visit here sometimes ok?" Anya ni Philippe ng humiwalay na ito sa yakap. Nag-uusap-usap pa kami hanggang sa tuluyan na akong sumakay sa kotseng sumundo sakin saka humarurot paalis.

Nang makarating sa bahay na pinag-stay-han namin ni ate, pumasok ako at dumeretso sa guest room. Andun si Ate na tulala lang at nakatitig sa kawalan. Napansin ko naman ang presensya ni Kuya Nhyre na nasa tabi nya lang. Kinakabahan ako.

"A-ate" pagtawag ko pero di ito lumingon. Lutang. Nasa ibang planeta nanaman ang utak.

"Ate sorry. D-di ko natapos ang pinapagawa mo. S-sorry ate." At pumiyok ako sa huling sinabi. Umaasa akong matatanggap nya yun pero laking gulat ko nang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha nya. Agad naman syang inalo ni kuya Nhyre.

"We'll go back to Canada. Prepare" yun lang ang sinabi nya at pinalis ang mga luha.

"Can't you wait hanggang sa matapos yung birthday mo? Kahit hanggang dun lang" anya ni Kuya Nhyre. Anong meron? Bat sya ganyan?

FORGOTTEN LOVE (STAY : KYRREN BOOK 2)Where stories live. Discover now