Chapter 7 : The Admirer

176 7 0
                                    

Enjoy reading ;)

Please don't forget to vote, leave a comment and follow me Forgetters


Chapter 7 : The Admirer

DENISE' POV:

I always wonder how it feels to be loved by your love. I always wonder how it feels to be cared and protected by someone. I always wonder how it feels to have someone by your side in times of your ups and downs. I wonder how it feels to have your real parents beside you.

Kinagisnan ko ang buhay na walang mga magulang. Magulang na mamahalin ka at bigyan ng tamang pag-aaruga. Magulang na handa kang protektahan sa lahat ng aapi sayo. Mga magulang na laging andiyan para sayo.

Bata palang ako ng mamatay na sina mama at papa. Nasunog daw yung apartment na tinitirhan namin. Inuna akong inilabas ni papa, sanggol palang daw ako noon. Bumalik sya sa loob para si mama naman ang ililigtas niya pero huli na ang lahat. Nang papalabas na sila, na-trap sila ng isang malaking kahoy na nababalot ng apoy. Nakita ako ng ibang residente at doon na ako dinala sa bahay ampunan. Pagkalipas ng ilang buwan, may mga dumalaw daw sa ampunan na nagbibigay ng malalaking halaga at mga pagkain at gamit para sa mga batang andoon. Habang kausap ni sister ang may ari ng malaking kompanya na nagbibigay ng pangangailangan sa ampunan, doon ako napasok sa usapan nila. Ibinahagi ni sister ang nangyari sa mga magulang ko kaya naawa ang signoré sakin. At dun na niya ako inampon ng kasosyo ni signore sa negosyo. Mababait sila. Binibigay lahat ng kailangan ko. Kahit wala akong hinihingi, nagbibigay sila kahit ano. At habang lumalaki ako, namataan ko naman lahat dahil hindi nila iyon nilihim saakin, at tanggap ko naman. Ang masakit lang ay dahil, hindi ako sa tunay kong mga magulang lumaki at nagising sa mundong ito. Pero kahit papa ano, andiyan naman si Keziah. Best friend ko siya simula bata dahil kung nasaan ang mga magulang namin, andun din kami. Mabait si Keziah kaya kami nagkakasundo. Kahit nasasaktan siya sa kawalang oras ng mga magulang, pilit niyang iniintindi iyon. Dumating din naman si Darren na kahit papaano ay nabaling na sa iba ang atensyon niya. Kahit nakakatakot na baka sa huli ay lubos siyang masaktan, pinabayaan ko nalang. Minsan lang sa buhay ang makatikim ng munting kasiyahan.

Di rin nagtagal, pinakilala nila ako kay Kyle John Echarri. Ang lalaking naging laman ng isip ko sa umaga't sa gabi. Noong una di ko maintindihan until such time na tinanong ko si Keziah. And she told me it was love. Sa madalas na kasama namin sina Kyle at Darren, nadedevelop ako sa kanya at sa bawat oras na nagpapakita ito ng magandang turan mas nahuhulog ang loob ko. Until one day, may dinala siyang babae noong mamamasiyal sana kami, her name's Andree Bonifacio. Best friend daw nila ni Darren pero the way they act parang hindi. Parang sinaksak ang puso ko ng ilang beses noon. Kinakain ako ng matinding selos laki nat sweet siyang dalawa. Gusto kong umasa kasi sabi nga'y mag best friends sila, pero nasasaktan ako sa araw-araw na umaasa akong mamahalin niya ako. Na magugustuhan ko rin siya gaya ng pag ka gusto ko sa kanya.

Pero, sadyang malupit talaga ang tadhana. May nabasahan akong article isang araw, na rumor na magsyota na sina AC at Kyle. May mga ebidensya sa sobrang sweet nila at hidden dates na ani ni Kyle ay friendship date lang daw. Habang tumatagal, nawawalan na ako ng pag-asa. Gusto ko nang sumuko. Wala naman akong magagawa eh. Isa lang naman akong hamak na Admirer na nagkakagusto sa isang taong di ko naman ma abot-abot. Ang lakas kong make advice Kay Keziah na push lang at walang atrasan pero parang ako pa itong bababa na sa biyahe.


KAYE's POV:

He loves me. He loves me not. He loves me. He loves me not. He lov---

FORGOTTEN LOVE (STAY : KYRREN BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon