Chapter 40

15.2K 125 27
  • Dedicated to IrisLapira and @iamchel19
                                    

Chapter 40

Matapos ang kantang iyon ay hinalikan ni Xian ang noo at kamay ni Kim saka niyakap si Kim ng mahigpit.

Ginantihan naman iyon ni Kim ng isang mahigpit na yakap din.

Nagbitaw sila sa pagkakayakap at may kinuha si Xian sa kanyang bulsa.

Nagulat si Kim ng makita nya na may inilabas si Xian na isang pamilyar na bagay mula sa isang maliit na kahon.

"Babe, parang pamilyar yan sa akin ah!" bulalas ni Kim.

"Yes Babe! You left this on LA! Ito yun bracelet na binigay ko sayo! And now I'm returning this to you!" sabi ni Xian na kinuha yun kamay ni Kim at isinuot yun bracelet.

"I missed this! Thank God for returning this to me!" sabi ni Kim.

"There's another one Babe!" sabi ni Xian na inilabas naman ang neclace na may key na pendant.

"Anu ito Babe? Bakit key ang pendant?" tanong ni Kim.

Hindi umimik si Xian sa halip ay may inilabas itong isa pang necklace na heart shape lock.

"Hawak mo ang susi ng puso ko Babe! Ikaw lang ang tanging nagbukas nito! At sayo lamang ito!" makahulugang sabi ni Xian na hinawakan ang mga kamay ni Kim.

Matapos sabihin ni Xian ay isinuot ito kay Kim. Nang maisuot na iyon kay Kim ay niyakap sya nung huli. Ginantihan iyon ni Xian ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you so much Babe! You made this evening so memorable to me! I am the luckiest girl in the world because I have you now!" bulong ni Kim na tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha.

"Thank you too Babe for allowing me to take care and to love you! I am the luckiest guy naman sa buong mundo! I love you forever!" sabi ni Xian na naluluha na din.

"I love you more Babe!" sagot ni Kim.

Ang lahat ay nagpalakpakan sa tagpong iyon nila Kim at Xian. Maging ang kanilang mga guro na nadoon ay nadama ang nag-uumapaw na pagmamahalan ng dalawa.

Ang iba ay nagstanding ovation pa kasama na doon sila Maja at Mateo na masayang masaya para sa kanilang kaibigan na nagmamahalan.

May ilang tumaas ang kilay, nainis, at nagalit. Kasama na doon sila Carl at Naomi.

"This can't be! We have to stop them, Carl!" inis na sabi bi Naomi.

"Can you just please shut up! Hindi nakakatulong yan kakaimik mo dyan!" saway ni Carl kay Naomi na nagngingitngit sa galit.

"We have to do something! Gusto mo bang tuluyang mapunta si Kim kay Xian?" galit na tanong ni Naomi.

"Of course I don't want to! Pero sa mga oras na ito wala akong maisip na paraan para pigilan sila! They seem so happy and in love with each other!" sabi ni Carl.

"S***!!!" bulalas ni Naomi na napatingin ang mga tao sa karatig nilang table dahil sa lakas ng boses nito.

Matapos kumanta ni Xian ay nagsalita na ang Emcee.

"Thank you Mr. Xian Lim and Ms. Kim Chiu sa isang nakakakilig na moment! We wish you both all the best! Sana sa mga next na Alumni Homecoming natin eh makita pa din namin kayo as a couple!" sabi ng Emcee.

Tumango lang sila Xian at Kim saka bumaba na ng stage.

"And now are you ready to rock and roll, GLobal Seed?" sigaw na tanong ng Emcee.

"YEAH!!!" sigaw ng mga tao doon. Pati sila Maja, Mateo, Kim at Xian ay nakisigaw na din.

"So without further ado, I will now call on Callalily Band here on stage!" sabi ng Emcee.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now