CHAPTER 10 (FINAL CHAPTER)

802 47 11
                                    

      Lakad takbo lakad. Hindi na alam ni josh kung ilang oras na siyang nasa kagubatan. Malalim pa rin ang gabi. Napapagod na siya, ngunit hindi niya gustong magpahinga. Ang nasa isip niya ay kailangan niyang makalayo.

     Ilang sandal pa ay may natanaw na siyang kalsada. Napanganga siya sa labis na katuwaan. Kapag may kalsada, tiyak na may mga sasakyan na dumaraan. Kapag may sasakyan may tao rin. Gusto kong makakita ng totoong tao.

      Nguni’t sandaling napahinto siya nang biglang magdilim ang lahat sa kanya. Naramdaman na lamang niyang unti-unti siyang bumabagsak, pero wala siyang anuimang lakas para pigilan iyon. Hanggang sa tuluyang wala na siyang naramdaman.

Nagising si josh nang unti-unti nang lumalakas sa pandinig niya ang malakas na awiting pumapailanlang sa van. Napansin niyang wala na sila sa maynila. They were on a wide road, in the surburbs. Si mark ang nagmamaneho sa van.

    Nakaupo siya sa passenger seat. Sa tantiya niya ay may limang oras na silang nagbibiyahe. Umalis sila nang ala-una ng madaling araw sa maynila. Pasikat na ang araw nguni’t may kakapalan pa rin ang hamog sa daan. Nilingon niya si greg sa backseat, naninigarilyoito sa tabi ng bintana, habang mahinang sinasabayan ang “black parade” na kanta.nakakuwintas sa leeg niya ang camcorder.

     Sina Melanie at carol ay tulog pa rin. Carol was funky and flesh-looking. Ito ang pinaka bata sa grupo. There was this exotic but assured charm about her.ito ang tipo ng babae ni mark na agad namang nakursunadahan nito.

    “advance happy birthday, pare,” bati ni greg na dumukwang sa unahan nila mark.

     “salamat,” nakatinging tugon niya. Nang magbalik ang kanyang tingin sa unahan ay bigla nalangh may nagdaang flash ng liwanag sa patingin niya. At ang lahat ay naglaho sa liwanag…

Hindi alam ni josh kung ano ang gumising sa kanya.ngunit nang magmulat siya ng mga mata ay napagtanto niyang nakapuwesto siya sa passenger seat sa unahan ng sasakyan. Kumurap-kurap siya nang maraming beses upang tiyakin na hindi siya nananaginip lang. napagtanto niyang nakasakay siya sa nisang malaking truck. Napansin niya sa gilid na magbubukang-liwayway na.

      “gising ka nap ala. Kumusta na ang pakiramdam mo?”

      Napalingon siya sa tinig na nagmula sa kanyang tabi. Isang lalaki na sa tantiya niya ay matanda lamang nang ilang taon sa kanya ang nagmamaneho ng truck.

      “nasaan tayo?” namamaos na tanong niya. Mapait ang panlasa niya at hindi pa niya masyadong maidilat ang kanyang mga mata.

       “nasa batangas. Pa-maynila sana ako pero nang Makita kita kanina sa gilid ng kalsada, naisip kong idaan ka sa malapit na ospital na madadaanan natin.”

      “salamat. Pero gusto kong tumuloy na tayo sa maynila.”

      “sigurado ka?” sandaling sinulyapan siya nito. “ano ba ang nangyari sa iyo? Wala naming palatandaan sa daan kanina na naaksidente ka. Pero duguan ka…”

     “n-nakikiusap ako…sa maynila na tayo magtuloy.”

      “bueno, kung iyan ang gusto mo. Pero ano nga ang nangyari sa iyo?”

      “mahabang kuwento…”

      “mahaba pa rin naman ang biyahe natin.”

Matagal bago siya nagsalita. ”nakaranas kana bang magkaroon ng kakaibang pakiramdam? Yong parang nakakatakot? Pagkatapos ay bigla ka na lamang mangingilabot nang hindi mo alam kung bakit? Ang sabi ng iba, may tumatapak daw sa paglilibingan mo. Alam ko ang pakiramdam na iyon. Noong araw na iyon… doon ako nagsimulang makaramdam ng ganoon…”

      Nakarating na sila sa maynila. Pag-uwi nya sa bahay niya nila ay sinabi nya sa magulang nya ang nangyari atsaka nila ipinagbigay sa mga pulis.

 

                           = wakas  =

Thanks po sa mga nagbasa. Sana nagustuhan nyo po.

DEADLY END COMPLETEDWhere stories live. Discover now