PROLOGUE

4.2K 42 11
                                    

December 10, 2013

       Sinikap  ni grace na huwag lumikha ng anumang ingay. Dalangin niyang huwag sana siyang matagpuan ng mga ito mula sa loob ng  isang lumang kamalig sa gitna ng malawak na maisan. Hindi niya gustong sapitin ang sinapit ng mga kaibigan niya.

       Tahimik na napaluha siya nang muling maisip ang nangyari  sa kanyang mga kaibigan, gayundin sa nobyo niyang si Jessie. patay na ang mga ito. Tinangka siyang iligtas ni Jessie kapalit ng buhay nito.

     Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng jeans niya. Iyon lamang ang pagkakataon na maaari niyang magamit iyon. Muling pumatak ang mga luha niya nang Makita niyang wala pa ring signal sa lugar na kinaroroonan niya.

      Mabilis na pinunasan niya ang kanyang mga luha . Naghalo na sa mukha niya ang pawis at luha niya at dugo ni Jessie na nasa kamay niya. Langhap niya ang malansang amoy niyon.

Napahikbi siya habang kumakabog nang malakas ang Dibdib niya sa matinding takot. Gusto na niyang umuwi. Dapat ay hindi na siya sumama sa lugar na iyon.

      Hindi pa niya gustong mamatay…

Inilagay niya sa recording ng kanyang cellphone at itinapat iyon sa bibig niya. “m-mommy, h-hindi ko alam kung nasaan ako…” wika niya sa halos pabulong at nanginginig na boses.

     “h-hindi ko rin alam kung buhaypa akong makakaalis dito. Pero kung sakaling matagpuan ninyo ang cellphone ko, gusto kong malaman ninyo ni daddy na mahal na mahal ko kayo. A-and… I’m sorry.” Muli ay hindi niya napigilang mapaluha. Tumutulo na rin ang sipon niya.

       “d-dapat ay hindi ako umalis…dapat ay nakinig ako sa inyo. Mommy, daddy… n-natatakot ako. Hindi sila tao… and I don’t want to d-die… not like this-“ halos mapatid ang kanyang hininga nang marinig niyang lumangitngit ang pinto sa kamalig. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

       Kaagad na isiniksik niya ang sarili sa upuan sa passenger’s side. Pakiramdam niya ay yumuyugyog ang buong pagkatao niya sa malakas na kabog ng kanyang dibdib dahil sa matinding takot na nararamdaman niya. Alam niyang sasapitin din niya ang karima-rimarim na kamatayang sinapit ng mga kaibigan niya sa oras na matagpuan siya ng mga ito.

       Napapikit siya nang mariin at nagsimula siyang muling manalangin sa isip. Oh, god… ayoko pang mamatay… napakabata pa niya upang mamatay. Kahapon lamang nang tumuntong siya sa edad na disiotso. Marami pa siyang pangarap. Napakarami pa niyang gustOng gawin.

      Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga yabag at pagkaluskos, palapit nang palapit sa kinalalagyan niya.

     Nawala ang ingay na narinig niya. Nakabibinging katahimikan ang nagdaan sa loob ng mahabang Segundo. Ang tanging naririnig niya ay ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.

       Muli siyang napadilat. Napalunok siya nang mariin. Hinintay niya ang susunod na mangyayari.

       Hanggang sa muli niyang narinig ang mga pagkaluskos… palayo na ang mga yabag. Narinig niya ang muling paglangitngit ng pinto sa kamalig at ang muling pagsara niyon.

       Nasapo niya ang kanyang dibdib nang maramdaman niya ang pananakit niyon dahil sa matinding takot na nararamdaman. Nanginginig ang kanyang buong katawan at ramdam niya ang malamig na pawis niya. Iniisip niyang wala na ang mga ito.

     Ngunit naghintay pa siya ng mahabang sandal. Gusto niyanf makatiyak.

      Nang lukubin ng katahimikan ang buong paligid at tanging ang malakas na tibok ng kanyang puso ang naririnig niya ay nagpasya siyang lumabas mula sa pinagkukublihan niya. Kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon at makahingi ng saklolo. Tatakbo siya hanggang may lupa. Hindi siya mamamatay kagaya ng mga kaibigan niya. Kailangan niyang ipaalam ang nangyari sa kanila.

     Ngunit napatigagal siya nang sa paglabas niya mula sa pickup truck ay bumungad sa kanya ang tatlong maiitim at malalaking aso. Nanunulis at nagtatayuan ang mga tainga ng mga ito, at naglalaway habang nakaangil sa kanya.

Napaiyak na siya. Mabilis na tumakbo siya patungo sa pinto ng kamalig, pero nagtaka siya nang ni hindi siya sinundan ng mga aso. Marahil ay alam ng mga iyon na wala na siyang tatakbuhan pa.

       Ngunit gayon na lamang ang pagkagimbal niya nang hindi niya mabukasan ang pinto. Nakasara iyon mula sa labas!

       Nagsimula na siyang mag-panic. Doon nagsimulang umalulong ang mga aso na nagpangalisag sa mga balahibo niya. Naihi siya sa pantaloon niya sa labis na takot.

       Huminto ang mga aso sa pag-alulong kapagkuwan ay nagngangalit ang mga pangil ng mga ito na humakbang patungo sa kanya.

DEADLY END COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon