Chapter 3

30 3 3
                                    

Nag-ayos na ko at pumunta na sa school.

Rinig na rinig ko ang videoke habang naglalakad ako papunta sa room namin.

Nakita naman agad ako ng dalawa kong kaibigan.

"Hoy! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami dito", tanong nila.

"Alam nyo na, walang masakyan. 30 minutes pa kong naghintay", sagot ko.

"Kanta ka na, bilis!", sabi nila sabay hila nila sakin papunta sa may videoke.

"Cause I want it all

Or nothing at all

There's nowhere left to fall

When you reach the bottom it's now or never

Is it all

Or are we just friends

Is this how it ends

With a simple telephone call

You leave me here with nothing at all"

"Go Jamilla!! Ayos ang walang kamatayang 'All or Nothing' na kanta mo ah. Hahaha", biro ng mga kaklase ko.

"Favorite! Yung masayang kanta naman", request nila.

"Bambi, maghanap ka nga ng masayang kanta", sabi ni Becca sabay bigay ng songbook.

Nagsimula na ang program namin sa room.

May pakulo ang mga bakla kong kaklase. 

"Walang KJ Boys!!", announce nila.

"Magkaka-gay pageant tayo pero yung mga boys nating straight ang kasali. Walang KJ. May dala na kaming mga susuotin nyo saka make-up", paliwanag nila.

Nagrelakmo naman ang ibang boys pero ang iba game na game.

Bago pa namin napilit silang lahat.

Kaming mga girls ang nag-ayos sa kanila. Pigil na pigil ko ang tawa ko habang nilalagyan ko ng make-up ang isa kong classmate na lalaki.

Mas lalo kaming natawa nang nilagyan na namin sila ng wig. Di ko na mapigilan ang tawa ko at humagalpak na ko sa kakatawa.

"Dapat kayo din girls! Dapat kayo din kasali at nag-lalaki kayo para fair", pagmamaktol ng boys.

Nagsimula na silang mag fashion show. Naka-dress sila.

Nahihirapan silang maglakad kasi naka-heels sila.

Punong puno ang room namin ng tawanan. Ang ibang boys kasi talagang nakembot pa sa paglalakad. Aliw na aliw kami.

"Woooh! Ganda mo Joshua", sigaw ni Becca.

May kanya-kanya kaming pambato kung sino ang mananalo. Mga teacher namin ang judge para fair.

"Blaaaag!"

May isang natapilok dahil sa taas ng heels nya pero tumayo din agad siya at todo ngiti pa na parang walang nangyari.

Mauutas kami sa katatawa sa boys.

Natapos na ang program at ang nanalo ay si Marco. Ang ganda kasi ng isinagot niya sa question and answer portion.

Games-----Done!

Exchange Gift-----Done!

For the first time hindi picture frame at mug ang natanggap ko kundi Teddy Bear. :)

Alas-5 na rin natapos ang party at umuwi na ko.

"Picture Frame ulit?", tanong ni Ate Mich pagkadating ko sa bahay.

"Nope. Naglevel-up na Ate. Teddy Bear!", sabi ko sabay pakita sa kanya.

Pumunta muna ako sa kwarto at nagpahinga. Christmas Vacation na at makakapagpahinga na rin ang utak ko sa wakas.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Maghapon ko ring di 'to natingnan.

4 Messages Received

Ang dalawa ay from Becca at Bambi at ang dalawa ay from Unknown number.

From: +63905********

Kamusta Jamilla?

Denelete ko na lang ang text.

From: +63905*******

Xander to.

Si Xander pala yun. Nagtextback ako.

To: Xander

Saan mo nakuha ang number ko?

From: Xander

Kay Jasper. Kamusta ka na?

At ayon nagkatext na kaming dalawa. Di naman siya boring katext. Di pala siya nag-aaral ngayon. Wala pa daw silang pera for College.

Tinext ko si Jasper.

To: Jasper

Hoy! Binigay mo kay Xander number ko.

From: Jasper

Oo, hiningi niya eh. Bukambibig ka na nga nun. Lagi kang kwinekwento.

Di na ko nagtextback kay Jasper.

Hmmm. I smell something fishy with Xander.

This is my regretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon