Chapter 2

61 3 1
                                    

Yes! Wala ng klase ngayon. Inaayos na lang namin ang room namin for Christmas party tomorrow.

"Pakiabot ng tape", sabi ng kaklase kong nagdidikit ng papel de hapon sa dingding.

Busy ang lahat sa pagdidisenyo ng room. Ako naman ay inaayos ko lang ang mga upuan at ginawang pabilog ang formation nito.

 "Tulungan na kita dyan", offer ni Marco kay Grace.

Kinikilig talaga ako sa dalwang yan kahit hindi pa sila. Ang gentleman kasi ni Marco.

Pinagmamasdan ko na lang ngayon ang mga kaklase ko dahil tapos na ko sa pag aayos ng mga upuan.

"Sali kayo sa mga games bukas ha. Ang di sumali KJ!", announce ng isa kong classmate na naka-assign sa games para sa party bukas.

"Baka puro kalokohan yang hinanda nyong game ha", sabi ng iba.

"Hindi. Mag-eenjoy kayo dito. Promise", sabi nya ng nakataas ang kanang kamay.

At natapos na rin kami sa pag-aayos. Kasama ko ngayon sina Bambi at Becca. Naglalakad na kami papuntang paradahan para umuwi.

"Jamilla!!", sigaw sakin ng isa kong manliligaw.

Di ko sya pinansin. Tuloy tuloy lang ang lakad ko.

"Jamilla!!", tawag niya ulit.

"Hoy! May tumatawag sayo", sabi ni Bambi.

"Whatever. Wag nyo nang pansinin. Bilisan natin ang lakad natin", sabi ko.

"Pssst. Girls, gusto nyo ng kwek-kwek at buko juice?", sigaw ulit nya.

"Hoy, gusto ko nun. Nagugutom ako", sabi ni Becca samin ni Bambi.

"Ako din nagugutom. Tara!", sabi ni Bambi sabay hila samin ni Becca.

Pumunta na kami sa mga nagtitinda ng streetfoods.

"Ililibre ko na kayong tatlo", sabi ni Clark. Kahapon pa tong lalaking to ah. Kahapon sa motor ngayon naman streetfoods.

"May pera kami", pagtataray ko.

"Ako wala nang pera. Pamasahe ko na lang to", sabi ni Bambi sabay bilang sa pera niya.

Tiningnan ko ng masama si Bambi. Talaga itong babaeng to di pahuhuli sa libre.

Kumuha na kami ng kwek-kwek at kalamares.

Magbabayad na sana ako kay kuyang nagtitinda nang bigla akong pinigilan ni Clark.

"Kuya, ako na magbabayad ng lahat ng kinain nila", sabi ni Clark.

Tumango na lang si kuya. Aist! Kainis talaga to kahit kailan.

"Salamat Clark!", sabi nina Bambi at Becca.

This is my regretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon