Prologue

31 1 0
                                    


Noong taong 1990, sa mansion ng mga Santiago ay may isang batang babaeng sa edad na limang taong gulang na abalang gumuguhit sa kanilang lamesita habang ang kanyang ama naman ay natutulog sa sofa dahil sa kalasingan.

Inubos kasi nito ang apat na bote ng beer ng mag-isa.

At dahil d'yan ay hindi na n'ya inabala pa ang kanyang ama dahil sa takot na mapagalitan at masaktan na naman nito.

Ilang sandali pa'y biglang s'yang napakanta habang kinukulayan n'ya ng dilaw ang mga ginuhit n'yang bituin na nagniningning sa kalangitan.

"Twinkle, twinkle little--"

"Ano ba Louisa?! Tumahimik ka nga?! Ang ingay mo! Bwesit!" sigaw ng kanyang ama ng maalimpungatan ito sa pagkanta n'ya.

Agad s'yang napatda at napabaling sa kanyang amang na noo'y nakaupo na sa may sofa.

"S-Sorry po Papa." Nauutal n'yang tugon sa kanyang ama.

Sa 'di inaasahan ay bigla nitong ibinato ang hawak nitong beer na ikinasigaw n'ya bigla.

Galit na galit s'ya nitong tinignan.

"Bwesit ka talaga kahit kailan bata ka! Halika dito! tuturuan kita ng leksyon na hindi mo makakalimutan!" Anito sabay haklit sa munting braso n'ya.

Hila-hila s'ya nito papunta sa lugar na kung saan s'ya paparusahan ngayon.

"P-Papa..! H-Huwag po! Maawa po kayo sa akin! 'Di na po ako uulit..! 'Wag n'yo na akong parusahan pakiusap..!" Pagmamakaawa n'yang pakiusap sa kanyang malademonyong ama.

Alam kasi n'ya sa kwartong 'yon na naman s'ya dadalhin ng kanyang ama sapagkat ang kwartong ding 'yon ang nagsisilbing punishment room ng kanyang mga magulang kapag gusto s'yang parusahan ng mga ito.

Kaya hindi na nakakapagtaka na ang apat na sulok nito ay s'yang tanging piping saksi at kanlungan sa kalupitan ng kanyang mga magulang sa kanya.

Kaya naman sa tuwing nagagalit na ang mga ito ay nakakaramdam na s'ya ng matinding takot at trauma sa mga ito.

Hindi s'ya nito pinansin bagkus tuloy-tuloy lang ito sa paghila sa kanya.

At nang makarating sa tapat mismo ng naturang kwarto ay dali-dali nitong binuksan ang pintuan sabay hagis sa kanya na parang isang sako.

Isinarado nito ang pintuan.

"P-Papa..! Papa..! 'W-Wag po..! 'Wag n'yo po akong saktan..! Parang awa n'yo na po Papa..!" nagmamakaawang iyak n'ya sa ama.

Hinablot nito ang sinturon sabay hagupit nito na para wala nang bukas.

"Tang inang bata ka! Saan mo ba inilagay ang utak mo ah?! Hindi ka nagtanda! Napakakulit at napakatigas ng ulo mo bata ka!" anito sabay hagupit sa sinturon.

Napahiyaw ng malakas ang kawawang bata.

Bwesit ka talaga kahit kailan! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkadeleche-leche ang buhay namin! Sana hindi ka na lang niluwal! MALAS KA!" At pinagsisipa s'ya nito na parang isang bola.

"P-Papa..! Tama na po! Maawa na kayo sa akin! Arrgh!" Pagmamakaawa n'yang sambit. Ngunit, hindi s'ya nito pinakinggan.

"Oh, ano na naman kasalanang ginawa ng bubwit na 'yan ah?!" Pambungad na tanong ng kanyang ina na kadadating lang mula sa pag-mamajong.

Binalingan ito ng kanyang ama dahil doon.

"Itong anak mo kasi Loida! Masakit na masyado sa leeg. Ilang beses ko nang pinagsabihan na kapag natutulog ako, 'wag n'ya ako iisturbuhin. Pero ang tigas ng ulo kaya ayan dinisiplina ko para tumanda!" Iretable nitong sambit na ikinaikot ng mata ng huli.

The Child's DiaryOn viuen les histories. Descobreix ara