Si Amy Melendez ay isang simpleng probinsyana na napadpad sa Maynila upang matustusan ang pagpapagamot sa kanyang amang may sakit. Kaya naninilbihan s'ya sa Pamilyang Williams na kung saang kasama n'ya ang kanyang kababatang si Alice na s'yang nagrekomenda sa Mag-asawang Williams na mamasukang bilang katulong ng mga ito. Ngunit, isang araw habang naglilinis s'ya sa library room ay may nakita s'yang lumang diary na nasa may book shelf. At dahil sa kuryusidad na nararamdaman na kahit mali ang mangialam ng may gamit ay kinuha pa rin n'ya ito at binasa ang unang pahina. "Maria louisa Santiago.." mahinang usal n'ya sa pangalan ng may-ari ng lumang diary.