If I Cry A Thousand Tears (One Shot Story)

1.8K 47 45
                                    

Ang story na ito ay hindi mukhang story. Haha! Basta! Hindi siya kagaya nung ibang story na ginagawa ko na may salitaan. Parang pure narration lang to ng experiences ng isang babaeng palaging bigo sa pag-ibig. Chos! Work of fiction lang to pero may pinaghuhugutan. Haha! Gets? Kung hindi, hayaan niu na. Basta read the story na lang. Ang mga characters dito ay based sa personality ng mga totoong tao. Kung sino-sino sila, sa akin na lang un. Haha!

Bigla ko lang napagtripan na gawin ito. May naalala kasi ako bigla. Tapos ayun na, I just found myself drooling over my laptop at tinatype na nga every single detail na maisip ko. Kaya sorry kung puchu-puchu ang pagkakagawa. Hindi ko na na-edit. Next time na lang. I'm kind of nagmamadali na kasi ngayon. Wala na akong ibang nagawa ngayong araw na to kundi ito na lang. Eh may pasok pa ako bukas. Haha! Basta basta! Enjoy reading na lang. Hope you'll like it! ^_____^

Paki-play nung music while reading. -------------------->

If I Cry A Thousand Tears

by Ella E. a.k.a. ilovedaydreaming

Ako si LESLIE.

Childhood friend ko si ELVIN. Mga bata pa lang kami, palagi na kaming magkasama.

Ipinakilala niya sa akin ang cousin at bestfriend niya rin na si GREG. Naging close friends din kami. Super duper close pa kamo! Hanggang sa isang araw, na-realize ko na lang...

IN LOVE na pala ako sa kanya!

I confessed my feelings to him. Pero shet lang! Kasi naman! Tinawanan niya lang ako! Akala niya nagjo-joke lang ako. Pero sinabi ko na seryoso ako kaya nagseryoso na rin siya.

Hindi niya tinanggap ang feelings ko. Hindi niya raw kasi ako mahal. <///3

Ouch yun, di ba?

He’s my first love, and also my first major heartbreak.

Pero siguro nga isa akong masochist. Nasaktan na nga ako pero sa sunod kong ginawa, mas lalo ko pang sinaktan ang sarili ko.

Pano kasi, tinanong ko lang naman siya kung bakit hindi niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Sabihin nyo nga, gawain ba yun ng isang normal na tao? Haaay... Ewan! Baliw na nga yata ako.

“Sorry, but I love someone else,” yan ang ang sagot niya sakin.

I asked him kung sino yung someone else niya na yun. Ang kulit ko lang talaga! Pero hindi niya ako sinagot. Ayaw niyang sabihin.

Pero eventually, nalaman ko rin naman kung sino yung tinutukoy niya.

Si SHANE. Yung girl bestfriend ko.

Ang sakit! Bakit siya pa? Bakit bestfriend ko pa?

Pero buti na lang hindi siya mahal ni Shane.

Ewan... feeling ko kasi mas lalo akong masasaktan kung malalaman ko na mahal nila ang isa’t isa.

Ang selfish ko ba?

Oo! Selfish talaga ako! Love me. Hate me. Wala akong pakialam! Ito ako eh! I won’t change for anyone.

Bakit hindi mahal ni Shane si Greg? Kasi may iba na rin siyang mahal.

Si JOEM. Yung kapitbahay namin na ka-tropa ko rin. Pero hindi ko alam kung mutual ba ang feelings nilang dalawa. Maybe. Maybe not. I have no idea! Wala naman kasing sinasabi si guy eh.

Isang araw, may kumalat na chismis sa klase namin. May gusto raw sa akin yung pinaka-gwapo  kong classmate. Si JASPER.

Wow! Haba ng hair ko!

Pero syempre hindi agad ako naniwala sa chismis na yun. Hindi naman kasi kami close ni Jasper eh so inisip ko, pano siya magkakagusto sakin?

Pero sabi ng mga kaibigan ko, totoo nga daw yun. Inamin daw kasi sa kanila mismo ni Jasper. So alam nyo kung ano ang ginawa ko?

If I Cry A Thousand Tears (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon