22nd Chapter: Decisions

2.6K 110 3
                                    

HINDI magkandaugaga si Eura pagdating sa Enix Hotel kung saan gaganapin ang fashion show. Limang modelong babae at limang lalaki ang kailangan niyang mahanap. Nag-volunteer na siya kaya apat na babae na lang ang kailangan. Nagtaka siya kung bakit parang kalmado pa rin ang sekretarya niya at si Rain habang siya ay tarantang-taranta na.

"You look lovely, Eura!" nakangiting papuri ni Rain habang pinagmamasdan siya.

She was wearing a simple tube wedding dress. Moderno ang disenyo kaya umabot lang ang haba hanggang sa itaas ng tuhod. "Thank you. Pero hindi ka ba nagpa-panic, Rain? We still have to find nine models!"

"Ah, may nakita na kaming replacements." Tiningnan ni Rain si Miriam at sinenyasan.

Hinawi ni Miriam ang pulang kurtina na nagsilbing improvised fitting room sa likuran ng catwalk kung saan rarampa mamaya ang mga modelo.

Nagulat si Eura nang bumungad sa kanya ang mga pamilyar na mukha na may suot ng mga wedding gowns na idinisenyo niya.

Charly, Umi, Moana, and Melou looked like Barbie dolls in their white wedding gowns. And standing behind the beautiful ladies were probably the most gorgeous grooms she ever saw in her whole life—Primo, Alaude, Sley, Melvin, and Stein.

Yes, Stein. He was clad in white—a white tux, white pants. And dang! He looked so good in them. And dang again, there goes his eyes again. Ni hindi man lang nag-abala ang binata na itago ang pangungulila sa mga mata.

Siya tuloy ang nag-iwas ng tingin.

"Three minutes before the show starts! Get ready people!" anunsiyo ni Rain.

"We're going to walk in pairs, right?" masiglang sabi ni Primo na bumasag sa katahimikan, pagkatapos ay kumapit ito sa braso ni Charly. "I'll be your groom, Charly dear."

Nakangiting inilahad naman nina Alaude at Sley ang mga kamay sa kanya-kanyang kasintahan na sina Umi at Moana na masaya namang umangkla sa kanya-kanyang boyfriend.

Melvin sighed. "Nakakasama ka ng loob, Eura. Bakit hindi ka nag-design ng gown na magpi-fit kay Genna my labs? Wala tuloy siya rito," halatang nagbibirong pagtatampo ng binata.

Ngumiti lang nang alanganin si Eura. Genna was chubby so none of the gowns fitted her.

"My, my. Pagtiyagaan mo muna ako, Melvin," nakangiting sabi naman ni Melou, saka iniangkla ang braso kay Melvin.

At naiwan si Eura kasama si Stein.

Tumikhim si Stein para basagin ang katahimikang namagitan sa kanila. "Katulad ng sinabi ng kakambal ko, pagtiyagaan mo muna ako."

Bumuga siya ng hangin. "Stein, sinabi ko nang—"

"This is for your fashion show, Eura. Kalimutan muna natin ang issue natin." He smiled at her and offered her his arm. "Let's do this."

Wala na siyang nagawa nang marinig niya ang pagtugtog ng kantang "When God Gave Me You" by Newsong and Natalie Grant habang rumarampa na ang mga kaibigan ni Stein na pumalit sa kanyang mga modelo.

Kumapit siya sa braso ni Stein habang hinihintay nila ang kanilang turn sa pagrampa. Siya kasi ang "star" sa gabing iyon dahil imomodelo niya ang best wedding gown sa collection.

Kinakabahan siya, hindi dahil sa pagrampa kundi dahil nasa tabi niya si Stein. She could feel his warmth beneath the fabric of his clothes and it did not fail to send jolts of electricity throughout her body.

"Eura, do you know what the most painful thing a man could ever see in his whole life is?" biglang tanong ni Stein.

"Ang makitang may ibang kasamang lalaki ang babaeng mahal niya," sagot niya. She saw the pain in Stein's eyes when he saw her with Ramir.

"Akala ko rin, 'yon na ang pinakamasakit na bagay na puwede kong makita. Mali pala ako." Tiningnan siya ni Stein, saka ngumiti nang malungkot. "The most painful thing a man could ever see in his whole life is to see the woman he loves so much standing next to another man... while she's in a wedding gown. Naramdaman ko 'yon nang makita kitang nagsusukat ng gown kasama si Ramir. Gusto ko na ngang mamatay sa sobrang sakit. Alam kong 'yon din ang mararamdaman ni Ramir oras na makita niya tayong maglakad mamaya sa stage. Kaya ngayon pa lang, sa huling pagkakataon, tatanungin kita. Will you come with me and let me take you away from here?"

"Or will you stay with me and marry me?"

Sabay silang napalingon ni Stein sa nagsalita. It was Ramir! Hindi niya alam na sumunod pala si Ramir sa fashion show, kasama ang private nurse.

"Ramir..." sambit ni Eura.

Ngumiti si Ramir pero halatang pilit lamang. "Alam kong mangyayari ito. May kutob na ako kaya sumunod ako sa 'yo rito. Eura, mula nang bumalik ka, naramdaman kong lumayo na ang loob mo sa 'kin. And I figured it had something to do with the time you spent in Luna Ville. Rather, the time you spent with Stein." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Don't leave me, Eura. Alam mong kailangan kita."

There was her heart again—being torn into two pieces. Nang makita niya ang pagmamakaawa sa mga mata ni Ramir at biglang bumalik sa alaala niya ang aksidenteng lumumpo rito, unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ni Stein.

"Is this your answer?" pabulong na tanong ni Stein.

Hindi magawang tumingin ni Eura kay Stein. Tumulo lang ang kanyang mga luha, saka siya marahang tumango at tuluyan nang bumitaw sa braso ni Stein at inabot ang kamay ni Ramir. "I'm sorry."

"Don't be," sagot ni Stein sa mahinahong boses. "Gusto kitang maging masaya, kaya palalayain na kita. Good-bye, Eura."

Napapikit na lang si Eura nang marinig ang mga salitang iyon. Good-byes hurt like hell. "Good-bye, Stein."

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Where stories live. Discover now