11th Chapter: Wedding Ring

2.8K 119 2
                                    

"EURA, do you want me to teach you how to play the violin?"

When the man was about to turn around, a bright light which almost blinded her suddenly swallowed him up.

Napabalikwas si Eura, tumaas-baba ang dibdib dala ng hingal. Alam niyang nanaginip na naman siya pero hindi niya matandaan kung ano. Ang naaalala lang niya ay ang imahen ng violin.

Kumalma lang siya nang rumehistro ang guwapong mukha ni Stein sa kanyang isipan. Naalala niya ang naganap noong gabing nagsayaw sila dalawang araw na ang lumilipas. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang pinabili lamang pala ng Sherrie na iyon ang rosas kay Stein at hindi iyon kusang-loob na ibinigay ng binata.

Alam niyang hindi normal ang kakaibang kagaangan ng loob na nararamdaman niya kay Stein. She felt so connected to him for some reason. And that connection was so strong she was drawn to him in a way she knew she never experienced before despite her amnesia.

Ipinatong ni Eura ang kamay sa kaliwang dibdib. Tuwing maiisip niya si Stein, bumibilis ang tibok ng kanyang puso pero kalmado pa rin siya. At kapag wala naman si Stein, malungkot siya. Gaya ngayon. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Alam niyang hindi tama iyon. Ni hindi nga niya alam kung sino siya, paano siya nakasisiguro na mabuting tao siya na karapat-dapat manatili sa tabi ni Stein?

Pilit niyang inalala ang nakaraan pero sumakit lamang nang husto ang kanyang ulo na para bang binibiyak iyon. Out of desperation to know who she really was, hinalungkat niya ang maleta. Ang sabi nina Melou, ang bag daw niya na naglalaman ng mga ID ay nanakaw kaya hindi rin nalaman ang kanyang katauhan. Umaasa siyang may makita siya sa mga gamit niya na makakatulong sa pag-alala kung sino siya.

Susuko na sana siya dahil panay damit lang ang laman ng maleta, nang tumama ang kamay niya sa matigas na bagay sa malapad na bulsa ng light blue jacket. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng bulsa at nagulat siya nang isang singsing ang nakita niya roon. It was a simple silver band—a wedding ring.

Nanginginig ang mga kamay ni Eura nang ilabas niya ang isa pang bagay na nakapa niya sa loob ng bulsa ng jacket. Isa iyong nilamukos na larawan. Nang iunat niya ang larawan, nagimbal siya sa nakita. It was a picture of her and a handsome young man; they were both smiling. The photo also had a caption written below—and the penmanship seemed to be hers—that said: Eura and Ramir forever.

Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa larawan at sa singsing. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang isang realisasyon ang mabuo sa kanyang isip.

"I'm married...?"

***

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Where stories live. Discover now