♥Binibining Klamencia♥

25 1 0
                                    

SPECIAL♥

Magandang tanawin na kaysarap titigan,
kasing ganda ng iyong ngiti na hindi mapapantayan nang kungsino man,
Labis na akoy humahanga sa iyong kagandahan,
Maari ka bang makilala prinsesa ng karagatan,

Wala nang mas gaganda sa iyo binibini,
Ako nga pala ay taga templo ng jubini,
Ako'y naparito para kumuha ng tubig,
Ngunit naantala ng ikay aking nakita,


Binibini ano ang iyong pangalan,
Ikaw ba ay taga rito ohh naparito lamang?
Pagpasensiyahan mo na kung akoy matanong,
Gusto ko lang na ikay aking makilala ng lubusan,
Napaka ganda ng iyong pangalan binibining klamencia,

Ika'y nakatira siguro sa bayan ng klamento,
Malayo ang bayan na iyon binibini anong kailangan mo at ikay naparito?
Ipagpaumanhin mo at akoy madaldal,
Ngunit binibini ika'y aking ihahatid na sa iyong bayan,

Sapagkat malapit na ang takipsilim at magiging delikado na rito,
Wag kang mag alala sa akin sapagkat kaya ko naman ang aking sarili,
Inaalala ko lamang ang iyong kaligtasan binibini,
Kaya tayo na humayo at maglakbay papunta ng iyong bayan,

Nandito na tayo binibini,
Maaari ka nang bumalik sa iyong kaharian,
Maraming salamat binibini sa iyong alok ngunit kailangan ko ng umiwi sa aming bayan,
Hanggang sa muli nating pagkikita aking sinta.

♥Spoken Word Poetry♥Where stories live. Discover now