♥Suko Na Ako♥

71 1 0
                                    

Oo alam ko na,
Alam ko na na hindi na,
Hindi na pwedeng maibalik pa,
Ang dating pagiibigan na nasira ng dahil sa katangahan,

Oo nasaktan kita,
Pero mas nasasaktan ako,
Nasaktan mo ako ng hindi sinabi ang totoong rason,
Rason kung bakit mo ako iniwan,

Pero hindi na kailangan,
Kasi alam ko na ang mali ko,
At sa mali kong yun  pinagsisisihan ko,
Pinagsisihan kong Hindi kita minahal ng Todo,

Gusto ko lang sabihin ng Harapan,
Suko na ako,
Suko na akong magpapansin sayo Araw araw,
Suko na akong Mahalin ka kahit nasasaktan na ako,

Lumipas ang mga Araw,
Ito pa rin ako naghahangad na bumalik ka sa buhay ko,
Oo alam kong alam mo na sumuko na ako,
Pero wala ehh Ito ako minamahal ka pa rin,

Nagpapakatanga,
Nagpapakatanga at nagpapakabaliw Bumalik ka lang,
Miss na miss na kita,
Lahat Lahat saatin miss ko na,

Sa ngayon papatulugin ko muna ang aking puso,
Aking pusong pagod na pagod na,
Kakahintay sa taong mahal ko,
Magpapahinga lang pero hindi titigil para sayo,

♥Spoken Word Poetry♥Where stories live. Discover now