7%

860 38 1
                                    

NAKASANDAL si Candid sa likod ng pinakamatabang puno na nakita niya sa park. Ka-video call niya ang mga kaibigan gamit ang kanyang phone. Mula sa malapad na display ay nakikita niyang nagsisiksikan sina Clarity, Retrica, Inagram, at Latte para magkasya sa screen.

"Girls, sigurado ba kayong magiging successful to?" kinakabahang tanong niya sa mga kaibigan na nagsipag-thumbs-up naman.

"Ang ganda mo kaya ngayon," mabilis na sabi ni Inagram. "Siguradong lalong mai-in love si Spontaneous sa 'yo."

Natawa si Candid kahit kabado talaga siya. "Thank you kasi kayo ang nagpaganda sa 'kin."

"Maliit na bagay."

"Hindi lang para sa ayos ko today. Para na rin sa pagtulong sa 'king humingi ng permission kay Lord Primo para masolo at malagyan ng decoration ang LV park ngayon," nakangiting sabi ni Candid. "Ililibre ko kayo ng ice cream next time."

"Naka-record na 'yan," mabilis na sabi ni Latte. "Alam mo namang kapag usapang libre, mabilis ang class treasurer n'yo."

Muli, natawa si Candid. Mabuti na lang at kausap niya ang mga kaibigan ngayon. Nababawasan ang kaba niya. Ito ang first time na makikipag-date siya.

"Huwag mong isipin na date 'yan kasi magiging awkward ka," bilin ni Retrica. "Isipin mo na lang na mamamasyal lang kayo ng best friend mo. That way, mare-relax ka. You look so stiff right now, you know."

Bumuntong-hininga si Candid. Kahit ngumingiti siya, siguradong halata pa rin ang kaba niya. "This all feels... weird." Napaungol siya nang sumakit na naman ang ngipin niya. "Ah, my tooth is aching again. Nakakadagdag yata sa sakit ang pressure na nafi-feel ko ngayon."

"Kasi masyado mong iniisip na date 'to," sabi ni Clarity. "Tama si Retrica. Isipin mo na lang na magha-hang out lang kayo ni Spon gaya ng madalas n'yong gawin kapag kumakain kayo sa convenience store bago kayo umuwi. Just be yourself, okay?"

Tumango si Candid. May sasabihin pa sana siya, pero natigilan siya nang makarinig ng footsteps. Napasinghap siya, pero mabilis din niyang tinakpan ang bibig. Saka pabulong na lang nang muli niyang kausapin ang mga kaibigan. "He's here. TTYL, girls."

Pinutol na niya ang video call. Pagkatapos ay isinilid niya sa sling bag ang phone. Unti-unti siyang sumilip. Nakita niya si Spontaneous na yakap-yakap ang isa sa mga payat na puno habang marahang iniuumpog ang ulo sa katawan niyon. Mukha na naman itong ewan, pero somehow, cute ding tingnan. Mukha itong koala.

Muntik nang mapabungisngis si Candid dahil sa naiisip. Mukhang naramdaman yata ng binata na nakatingin siya kaya unti-unti itong bumaling sa direksiyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang sumandal uli sa puno para makapagtago.

Ipinatong niya ang mga kamay sa dibdib habang kinakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Muntik na 'yon. Nakita kaya niya 'ko?

Naglakas uli siya ng loob na silipin si Spontaneous. Pero sa pagkakataong 'yon, hindi na niya nakita ang lalaki na nakayakap sa puno. Tumingin siya sa paligid. Hindi na rin niya makita si Spontaneous. Ang water fountain na lang ang nakikita niya bukod sa mga puno at benches.

Hala. Nasa'n na siya?

Abala sa paghahanap si Candid kaya nang may humawak sa mga balikat niya, napasigaw na lang siya nang pagkalakas-lakas. Pagpihit niya paharap ay pinagsusuntok niya ang dibdib ng kung sino mang may balak yatang hablutin siya.

"Candid, it's me!"

Natigilan siya sa pagtili at pambabayo nang marinig niya ang pamilyar na boses. Nang mag-angat siya ng tingin, sumalubong sa kanya ang nakangiwing si Spontaneous na hinihimas-himas ang nasaktang dibdib. Na-guilty naman siya agad. "Oops. Sorry, Spon. Ikaw naman kasi. Bigla kang nanggugulat diyan..." Marami pa siyang gustong sabihin pero kumirot na naman ang ngipin niya. Napahawak tuloy siya sa pisngi. "Aw, look. Lalong sumakit ang ngipin ko dahil sa ginawa mo."

"Aw, sorry." He gently cupped her face in his hands. "Better?"

Napabuntong-hininga si Candid nang maramdaman ang init ng mga kamay ni Spontaneous sa kanyang mga pisngi. Effective talaga 'yon sa pagtanggal ng sakit ng ngipin niya. Nakangiting tumango siya. "Yes, better. Nawala na ang toothache ko."

Ngumisi si Spontaneous. "Nakita ko na yata ang purpose ko sa buhay. 'Yon ay ang alisin lahat ng toothache mo para mapa-smile kita parati." Nawala bigla ang ngiti nito, pagkatapos ay binitawan siya at marahang iniuntog ang noo sa puno. "Gah, gah, gah! It's the love potion talking again!"

Tumabingi rin ang ngiti ni Candid. Hindi rin siya sanay na gano'n magsalita si Spontaneous. Tama ang friends nila. Kailangang maging successful ang best date ever na 'yon para naman makalaya na sila sa spell. "Spon?"

"Yeah?"

Pinulot niya ang paper bag na natumba sa damuhan at iniabot kay Spontaneous. "Here. Gift ko sa 'yo." Itinuro niya ang suot niyang pink T-shirt na may disenyong kalahating puso na kulay-pula. "Isuot mo na para terno tayo."

He grinned like a fool. Mabilis nitong hinubad ang suot na itim na jacket sa ibabaw ng pulang V-neck shirt. "Thank you. Isusuot ko agad 'to."

Sa pagkagulat ni Candid, inangat ni Spontaneous ang laylayan ng T-shirt nito. Napasinghap tuloy siya at tinakpan ang kanyang mukha, saka siya mabilis na tumalikod. Saglit lang 'yon, pero nakita niya ang pipis na tiyan nito. His abs were not fully defined yet, but they were definitely there!

Naalala niyang nagsimula nang mag-gym si Spontaneous last summer vacation. Sa nakikita niya, mukhang nagiging productive naman ang pagtambay-tambay nito sa gym sa loob ng almost one year.

"You can turn around now, little shy girl," natatawang panunukso ni Spontaneous.

Nang pumihit si Candid paharap, sinimangutan niya si Spontaneous. "Hindi ka dapat naghuhubad basta sa harap ng isang girl. It's improper."

Lalong naging mapanukso ang ngiti nito. "It only becomes improper once you start to have dirty thoughts about me when I strip off my clothes."

Naiinis na sinipa niya ang binti ni Spontaneous na ikinatawa lang nito. "Is that the love potion rearing its ugly head again?"

Tumabingi bigla ang ngisi ni Spontaneous. "Yeah, I can't control it most of the time. Kaya kailangang maging successful ang 'best date ever' na 'to. I don't want to be forcibly in love with you anymore. Gah, this is so awkward."

Ewan ba ni Candid pero medyo nainis siya sa sinabi na 'yon ni Spontaneous. "FYI, hindi ko rin naman gusto na you're forcibly in love with me. It's bothersome for me as well."

Napakamot sa ulo ang lalaki, pero mabilis ding umaliwalas ang mukha. "Oh, well. Even if it's against my will to fall in love, I'm still thankful it's with you. I can't imagine doing this with other girls."

Okay, napangiti siya ro'n. "Really?"

Tumango si Spontaneous. "I can't imagine myself messing up in front of other girls. Ayoko namang ma-turn off sila sa 'kin dahil sa ka-corny-han na ginagawa sa 'kin ng love potion. Gusto ko pang makipag-date sa iba't ibang babae, 'no. At least ngayon, ikaw lang ang nakakakita ng mga kapalpakan ko. Safe ako sa 'yo, 'di ba?"

Tumabingi ang ngiti ni Candid. Hindi niya alam kung saan galing ang disappointment na na-feel niya, pero pinalagpas na lang niya. May misyon pa sila at doon siya dapat mas mag-focus. "Let's do this."

Tumango-tango si Spontaneous. "We've been partners in crime since kindergarten. Let's work harder this time."

At sinelyuhan nila ng isang malakas na high-five ang determinasyong makatakas sa sumpa na 'yon, ASAP.

Bewitched Class Officers: Happy Together (Published)Where stories live. Discover now