Chapter 26: Introduced Friends

598 17 1
                                    

Jasmine’s POV

“guys si Jenny nga pala kaibigan ko” pakilala ko sa barkada

“Bes kilala ko yan! ” sabay tayo ni Mae

Nandito ulit kami sa bar nila Jenny at nagliliwaliw

Ginawa na nilang tambayan to nung nawala ako

At ngayon pinakikilala ko si jenny sakanila total nandito na lang rin naman sya eh

“Talaga Mae? ”

“Oo kilala namin yan! siya yung girlfriend ni Ron mo diba?!” segunda naman ni Bryan

“Oo siya ang dahilan kung bakit ka nahimatay dati sa mall! Nung nakita kita sa may CR!” Mae

“Bessy bakit mo siya kasama?!” si Abi naman

Nakita kong parang nalungkot yung mata ni Jenny dahil sa inaasal nila Mae

“Hey guys! Chill.. kaibigan ko siya at kung ano mang meron please kalimutan na natin? She’s good sana maging kaibigan niyo din siya” sabay hawak sa kamay ni Jenny

*kroooo*   *kroooo*   *kroooo*

(-________-)!

Lahat nakatingin lang samin ni jenny

“para kayong mga tanga” sabi ko

*kroooo*   *kroooo*   *kroooo*

“Please?” I said

“Sorry guys kung ano man ang naging atraso ko sainyo o kay Jasmine. Please accept my token of apology, drink and eat all you can.. my chit” she said with sincerity

Sa isang iglap parang bigla silang natauhan isa-isa

“Yun naman pala eeh! Mabait naman pala tong si Jenny eh!--aray” binatukan ni Mae si Bryan

“Bes sigurado kang ok kayo?” paninigurado ni Mae sakin

“Yep! I assure you guys, we’re definitely in good terms!” I smile

♥Forever Starts Today♥Where stories live. Discover now