Chapter 6: The Practice

818 38 7
                                    

 

Nandito ako sa may playground…

Mag-isa lang ako

Tumatakbo ako

Takbo…

Takbo...

Nakarating ako sa may slide

Nagpadulas ako

Ang sarap sa pakiramdam

Pakiramdam ko Malaya ako

Bagong ulan lang noon..

Wala akong pakielam kung basaang slide

Pagbagsak ko sa duluhan ng slide

“huhuhuhuhu!” nagtuloy-tuloy ako sa putikan

Inaalala ko si mommy. Naputikan ko kasi yung dress ko.

Puro putik ung binti, braso ko at konti sa mukha

“huhuhu!” patuloy ako sa pagiyak

May lumapit na batang lalaki itinayo niya ako

“magi-ngat ka sa susunod”

Umalis siya. Iniwan niya ako mag-isa

Umiiyak padin ako

Nagtakip ako ng muka

Hindi ko alam ang gagawin ko

Nagulat ako ng may nagpupunas sa braso ko

“kumuha lang ako ng panyo sa mommy ko”

“huhuhu! Anong ginagawa mo?”

“alam kong mapapagalitan ka. Wag ka nang umiyak. Tahan na..”

Pinupunasan parin niya ung braso ko..

Tsaka ung binti ko

Tinititigan ko lang siya

Ang bait niya.

Tumayo siya at kumuha ng bagong panyo

♥Forever Starts Today♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon