Chapter 16

23 1 1
                                    

I dedicate this chapter to BTSXWANNAONE101 for decoding the code I had given before. And yes, malalaman niyo na ngayon kung sino ang admirer ni Mi Rae.

Chapter 16

-----

Mi Rae

"Ready na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni Kuya Seungcheol.

"Yes, kuya. Pagkain nalang yung kulang." Sagot ko.

"Hoshi! Samahan mo nga si Mi Rae sa grocery store!" Utos ni Kuya Joshua.

"Masusunod po!" Sabi ni Kuya Hoshi at lumabas na kami.

Walking distance lang naman yung grocery store at walang kotseng available dahil gamit ng iba kong mga kuya.

Ano nga bang meron?

Aalis na ako ng Korea bukas at baka hindi na ako babalik.

Syempre joke lang.

May retreat kasing magaganap sa bukas.

Pumasok na kami sa grocery store at kumuha ng cart.

"Eto limang bote ng gatas." Sabi ni Kuya Hoshi at nilagay ang mga bote ng gatas sa cart.

"Kuya masyadong madami." Reklamo ko at binalik ang tatlo.

Nang matapos na kami bumili ng mga pagkain ay bumalik na kami sa bahay.

Inayos ko ulit ang bag ko bago ako matulog.

Excited na ako bukas!

(kinabukasan...)

"Mi Rae mag-iingat ka." Sabi ni Kuya Seungcheol.

"Mi Rae wag kang magpapagod." Ani Kuya Jeonghan.

"Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako." Paalala ni Kuya Joshua.

"Wag kang magpalipas ng gutom." Kuya Jun.

"Don't skip meals." Kuya Hoshi.

"Matulog sa tamang oras, ha?" Kuya Wonwoo.

"Wag kang magpasugat." Kuya Woozi.

"Wag kang magpadalos-dalos." Kuya Mingyu.

"Uminom ka ng vitamins." Kuya Dokyeom.

"Wag kang magpakagat sa lamok, okay?" Kuya Minghao.

"Wag kang magkasakit." Kuya Vernon.

"Wag magpuyat." Kuya Seungkwan.

"Magpakasaya ka." Kuya Dino.

"Grabe naman kayo. Isang gabi at dalawang araw lang naman ako mawawala. Makapagalala kayo parang mag-aabroad na ako." Reklamo ko.

"Basta mag-ingat ka. Mamimiss kita, little sis." Sabi ni Kuya Vernon.

Niyakap ko ang labing tatlo kong mga kapatid at pumasok na sa bus.

Tatabi sana ako kay Baek Hee kaso katabi na niya yung crush niya.

"Beshie ko! Come here~" Dinig kong sabi ni Daehwi.

Nakaupo siya banda sa dulo. Pinuntahan ko na siya at tumabi.

Maya-maya'y umalis na ang bus.

Sa kalagitnaan ng byahe ay nakaramdam ako ng gutom. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng potato chips.

"Beshie ko, pengeee!" Sabi ni Daehwi at nag-pout.

Ang cute niya, hihi.

Inabot ko yung potato chips sa kanya at kumuha siya.

Pagkatapos kong kumain ay natulog ako.

"Mi Rae, wake up!"

"Five more minutes."

"Nabangga yung bus natin kaya gumising ka na!"

Agad kong minulat ang mata ko.

"Syempre, joke lang. Sorry beshie pero nandito na tayo sa ating destination."

Dahil nainis ako, sinapok ko si Daehwi ng mahina.

Sabay kaming bumaba sa bus.

"Wow! Ang ganda naman dito! Instagram worthy!" Sabi ni Daehwi.

Maganda nga ang aming pinuntahan. It's a hotel and resort.

Good thing ay medyo umiinit na ang panahon.

Binigay na sa amin yung susi para sa kwarto namin.

Ka-room mate ko si Daehwi. Though, wala naman akong problema about doon.

Comfortable naman ako pag kasama siya.

"Ang ganda ng room natin!"

"Agree."

"Sad thing na ga-graduate na tayo next week."

Mamimiss ko talaga yung mga kaklase ko ngayon.

Bukas pa lang magi-start yung activities kaya pwede na kaming mag-libot. Gabi na din naman.

Humiga muna ako sa kama ko at nagcellphone.

Bumungad sa akin ang mga text messages ng mga kapatid ko.

Miss na daw nila ako.

They're so sweet.

Biglang may nag-pop out na message.

From: Unknown

It's me, your admirer. If you want to see me then go to the lounge area at 7:40 p.m.

Tinignan ko ang orasan. 7:36 na.

Tinignan ko si Daehwi. Nakahiga siya sa kama at natutulog.

Lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa lounge area.

May nag-iisang lalaki na nandoon at nakatalikod siya.

Tinignan ko ulit ang oras, 7:40.

Baka siya 'yun?

Nilapitan ko siya at tinapik ang balikat.

"Hi, Mi Rae."




















"Junki?"

"Yes, I'm your admirer."

*laglag panga*

Who is he ba? Park Junki, my classmate. He was always my seatmate when I was in junior high. Chess club president. And a CAT officer. Crush ko din siya.

"Did you like my presents?"

"Er- yes? Thanks sa effort."

"Always. And I want to ask you something?"

"What is that?"

"Can I court you?"

Sibling ComplexWhere stories live. Discover now