Chapter 13

33 4 0
                                    

Chapter 13

-----

Mi Rae

December.

Ilang buwan na ang lumipas. Successful naman ang aming isinagawang Acquaintance Party. Nakapag-perform na din kami ng performance task na pinagawa sa amin. Araw-araw ay pinapadalhan pa din ako ng aking secret admirer ng mga roses at chocolates. Creepy.

"Bring me puting buhok!"

Dali-dali ay pinuntahan nila ang isa kong kaklase na may puting buhok. Napa-aray naman ang tinanggalan.

Yes, Christmas Party na namin. At bukas, simula na ang Christmas Break.

Pagkatapos namin maglaro, kumain na kami. Marami ang pagkaing nakahanda. Iba't ibang klase. May carbonara, spaghetti, chicken, pizza at iba pa. Ang desserts naman namin ay buko salad, cassava cake, at leche flan.

Halos isang oras kaming kumain at nang matapos, nag-exhange gift na kami.

Ang nabunot ko ay si Sewoon. Niregaluhan ko siya ng case ng gitara dahil sinira ni Jaehwan ang kaniya noong nagpractice kami.

Ang nakabunot naman sa akin ay si Seongwoo. Alam niyo ang binigay niya? Slate at picture niyang naka-laminate. Petmalu siya myghad.

Pagkatapos ng party, pumunta kami sa mall ng B101 at ni Baek Hee.

Nandito kami ngayon sa arcade. Ang mga lalaki ay naglalaro ng basketball. Kung sino daw ang pinakamababa ay manglilibre.

Nang natapos sila sa paglalaro, si Jinyoung ang nanglibre. Habang ang score niya ay 101, ang iba ay nakaabot na ng 500. Nilibre niya kami ng Starbucks. Rits kid daw kasi siya.

Pauwi na kami ng makasalubong ko si Kuya Vernon. Naglilibot ng mag-isa. Sumabay ako sa kaniya pauwi.

(Kinabukasan...)

Maaga akong nagising. Bumaba ako at nadatnan sila Kuya Jeonghan, Kuya Seungcheol, at si Kuya Joshua. Kumakain sila ng agahan.

"Good Morning!"

"Good Morning mga kuya."

Nakisabay ako sa kanila kumain.

"May gagawin ka ngayon?" Tanong ni Kuya Jeonghan. Umiling ako bilang sagot.

"Gusto mong sumama sa akin sa clinic?"

Halos mapatalon ako sa saya.

"Syempre!"

Parehas kaming animal lover ni Kuya Jeonghan kaya gusto kong sumama sa clinic ni Kuya.

Binilisan kong kumain para makaligo na ako. Nang handa na ako para umalis, nagpaalam na kami at pumunta na sa clinic.

Nandito na kami sa clinic ni Kuya Jeonghan. Dinala ko din si Mi Han. Ilang beses ko na ring sinamahan si kuya sa clinic niya.

Lumipas ang araw na parang katulad lang ng mga nakaraang pagsama ko dito.

Bandang seven o'clock na kami nagsara ng clinic. Pagkatapos ay didiretso sana kami sa mall para maghapunan pero biglang nagtext si Kuya Seungcheol na sa bahay nalang daw kasi nandoon si mommy at daddy.

Pagkadating namin ng bahay, nakaupo na ang mga kapatid ko. Bakas sa itsura nila na gutom na gutom na sila. Binati ko muna ang magulang ko bago umupo.

Nagdasal na kami at nagsimula ng kumain.

"Ihanda niyo na ang mga gamit niyo dahil aalis na tayo bukas ng maaga."

"Saan tayo pupunta, 'dy?" Tanong ni Kuya Minghao.

"Sa rest house natin sa Busan."

Nandoon kami lagi tuwing Christmas vacation. Sayang lang at hindi kami nakakapag-swimming sa dagat dahil nagii-snow.

-

"PASOK MGA SUKI PRESYONG DIVISORYA SAMPU SAMPU BENTE TRENTA AT IBA PAAAAA!"

Nasa van kami at nagpaparty. Matagal-tagal pa daw kasi ang byahe.

Dahil marami kami, dalawang van ang sasakyang ginamit namin. Kasama ko sila Mommy, Kuya Seungcheol, Kuya Joshua, Kuya Jun, Kuya Wonwoo, at Kuya Vernon.

Lumipas ang ilang minuto at dinalaw kami ng antok. Maaga kasi kaming gumising eh. Natulog kami except kay Kuya Joshua dahil siya ang nagda-drive.

Nagising ako dahil may kumakalbit sa akin.

"Nandito na tayo." Sabi ni mommy.

Sibling ComplexWhere stories live. Discover now