TRAP 5 ~ Iron Curler ~

91.2K 2.1K 182
                                    

A/N: Para wala na pong magtanong. Iba ang time pacing na ito kaila Freezale :)

PS: Pasukan na po ^_^ Kapag may time saka ako mag uupdate. Bust mostly, saturday.

CHAPTER 5

DEN'S POV



Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa hindi ko na kayang ihakbang ang mga paa ko. 

Pabagsak na umupo ako sa isang bench na nandito sa parke na natagpuan ko. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa langit.

Ang daming nangyari ng gabing ito. Hindi ko akalain na malalaman ko lahat ng nalaman ko. Oo. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na malaman na lahat ng sakit na dinanas ko ay dahil lamang sa isang taong nakikipag kompetensya sa isang bagay na hindi naman problema.

Tama si tita-tito. Ma-pride si Rushmore. Sa sobrang taas ng pride niya, hindi niya na nakita kung gaano niya ako nasasaktan.

Pero masisisi ko ba siya? Ginusto ko din naman diba. Ako ang kusang naghabol. Ako ang kusang umasa.

May pag-asa naman talaga. Mahal naman pala niya ako talaga. Pero pinili niyang saktan ako dahil nakatingin siya sa pesteng pera na kahit kailan ay hindi ko ipinagmalaki. Dahil alam kong kaya iyong higatan ni Rushmore. Dahil alam kong may pangarap siya.

Hindi niya ako kinakailangan na palayuin. Sana sinabi na lang niya sa akin ng maayos kung bakit ginawa niya iyon. Hindi iyong ganito.

Nanatili akong nakatingin sa langit ng biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello?"

"Dapat sinabi ko na lang sa iyo ang totoo. Dahil kung ginawa ko iyon...paniguradong lalayo ka diba? Pero tanga ako. Makasarili. Kasi ayokong tuluyang lumayo ka sa akin. Dahil sa kabila ng gusto ko na mangyari, alam ko na hanggat hindi ko sinasabi ang totoong dahilan ay hindi mo ako lalayuan."

Tahimik na pinatay ko lang ang telepono. Inilagay ko ulit iyon sa bag ko.

"Bakit malungkot ka PO?"

Napaupo ako ng wala sa oras. Sa harapan ko ay may tatlong batang babae. Magkakamukha sila kaya sigurado ako na magkakapatid sila. 

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon