SIGN # 3- HER PAST

3.6K 51 3
                                    

SIGN # 3- HER PAST

JORDAN’s POV

Bata palang kami ni asha, magkaibigan na kami. Away-bati man pero, sa huli kami parin ang magkakampi. Akala ko wala nang makakasira sa samahan namin pero, mali ako.

***

BESTFRIEND. Yan ang status namin ni asha. Turingan na walang halong malisya. Akala ko forever na kaming ganun. Akala ko wala nang sisira sa samahan namin. Pero mali ako. Tanga kasi ako. Hindi ako marunong magpahalaga eh.

First year kami nun sa high school. Syempre transferee. Aanga-anga kaming dalawa. Mga totoy at nene pa. Lalo na si asha. Walang paki sa itsura niya. palibhasa ako ang palaging kasama kaya pati ang kilos naging lalaki. Pero, ayos na sa akin yun kasi ako lang ang nakakaappreciate sa ganda niya.

“natnat. Hanapin na natin pangalan natin sa bulletin board.” Hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa nagkukumpulang tao. Patay-malisya. Bestfriend eh. Minsan nga hindi namin namamalayan ang tagal na pala namin magkahawak kamay. Her soft hands na minsan nag-iintertwine na sa akin.

 

“brent tignan mo oh. Magkaklase tayo.” Brent. For a long time hindi niya ako tinawag sa pangalan kong yun. hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nagawa ko nung araw na iyon?

***

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Boses na kinaiinisan ko sa buong letran. Sa lahat ng babaeng nagkagusto at humahabol habol sa akin, sa kanya lang kumukulo ang dugo ko. di kaya dating lalaki ito?

“hi jordan. Lika sabay na tayo magbreak.” She said with a flirty voice. Akala mo kung sinong santa kapag kaharap si asha pero napakabitch naman kapag nakatalikod sa kanya si asha.

“hindi pwede may gagawin pa ako.” Tinanggal niya ang salamin niya at hinarangan ang daan ko. buti nalang nandito kami sa high school building at bihira ang mga college dito. Palibhasa mga panghapon ang class dito eh. Tinignan ko siya at nakapokerface lang ako.

“no! Hindi ka aalis. Makikipagkita ka lang naman sa mga babae mo eh. Ako nalang. Kahit five seconds mo lang ako maging girlfriend ok na ako.” Halos mangiyak ngiyak na siya sa harapan ko. simula ng makilala namin siya ni asha, ganito na siya sa akin. She’s so pathetic na nakakainis na.

“pwede ba? Stop acting na para kitang girlfriend. Simple lang naman chiney eh. Ayoko sayo. So step out of my way.” I gave her a deadly stare at para siyang pusa na tumabi.

“you’ll regret this.” Hahayaan ko siyang gawin lahat ng gusto niya sa akin wag lang niyang gagalawin si asha.

***

“ang ganda talaga ng mga girls kapag high school ka na noh?” nakaupo kami ni natnat sa bleacher at tinatanaw ang mga babae na naglalakad lakad. Karamihan ng nakikita ko ay puro third year dahil sila ang kasabay naming magbreak.

“hmmp!! Baka kapag nagkagirlfriend ka na brent kalimutan mo na ako ha.” Nilingon ko siya at nakayuko na siya. I could see the tears ready to fall. Limang buwan na kaming first year at marami na ang nagbago sa kanya. Kung dati, naghahabulan pa sila ni tita tessa masuklayan lang, ngayon natuto nang maglagay ng clip. Napapansin ko rin na maraming boys ang lumalapit sa kanya. Buti nalang palagi akong nakabantay sa kanya.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Where stories live. Discover now