SIGN #19- BRAND NEW SIGNS

1.9K 28 1
                                    

 SIGN #19- BRAND NEW SIGNS

ASHA’s POV

 

Tears run down my cheeks nung nabasa ko ang email niya. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi sa akin yun. Sa lahat ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, ito na ata ang pinakamasakit.

Ilang araw din akong nagkulong sa kwarto ko. Everyday, I cried until not a single tear fell down from my eyes. Sobrang sakit sa dibdib. Sobrang sakit sa lalamunan. Siguro dahil hindi lang ang puso ko ang dinurog niya kundi pati pride ko. He is really a cassanova.

At dahil nga isa akong dakilang manhater, I collect myself once again and continue with my life.

Paalis na ako ng bahay nang may kung anong nalaglag galing sa isa sa mga libro ko. I pick it up at nakita ko ang listahan ng mga signs ko. 

1.       STAR

2.       LION

3.       BLUE ROSE

4.       PINK HANDKERCHIEF

5.       YELLOW BEAR

6.       PENGUIN

7.       GREEN UMBRELLA

8.       RED BALLOON

9.       FIREWORKS

10.   BELL

Nilamukot ko kaagad ang papel. Akala ko yung signs na yun ang magpapakita sa akin ng taong makakasama ko habang buhay yun pala, it would only brought me a new heartache.

Pumunta na ako ng school but my mind is wandering about the signs. Gusto ko ulit isara ang puso ko sa mga taong gustong pumasok at wasakin lang ito, but I know that mas masasaktan lang ako.

“Good morning Asha.” Pagbaba ko palang ng sasakyan, si Vince na kaagad ang bumungad sa akin. I just gave him a smile.

“Flowers for you.” Inabot sa akin ni Vince ang bouquet of roses. I received it with a smile. Sana tulad ng flowers na ito, I can allow myself to love again.

“Hindi ka pa ba papasok?” tanong ko sa kanya. Everyday kasi lagi siya ang nauuna sa akin sa school. Kabisado niya ang schedule ko. He never fails pagdating sa paghatid sundo sa akin. Minsan bibyahe pa siya from baste till intramuros para lang masabayan akong kumain. He puts lots of efforts para sa akin.

“Wala naman akong pasok ngayon eh. Sige na pasok ka na.”

My day went well. Walang pinagbago. Just the usual stuff. Well, what am I expecting? Magpapakita si Jordan sa harap ko and hug me tight? Diba nga siya na ang maysabi na kalimutan ko na siya?

Palabas na sana ako ng school nang may nakabangga ako. We were both surprised at pareho kaming nag-iwas ng tingin.

“H-here. Nalaglag mo.” Binigay sa akin ni Chiney ang nalaglag kong book. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin. I searched my heart for any anger towards her pero wala akong makita. I want to talk to her.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon