YOU GOT ME

2K 71 22
                                    

YOU GOT ME

by: calleMiishushii3193

Kung ikaw si Steph, you won't tell your fussing mom about this...

--

'PAG ANG ANAK nagkaroon na ng sariling desisyon, may ilang mga bagay na siyang hindi sinasabi sa magulang niya.

HINDI KO 'TO ikukwento kay Mama…

“Sumakay ka na kasi,” pilit ni Keem habang mabagal na minamaniobra niya ang kanya motorbike. Nakaagapay lang siya habang tuloy lang ako sa paglakad.

I give out a little laugh. “Ay, ang kulit ng mamang 'to. Hindi na nga,” I refuse politely. “Salamat na lang.”

Hindi na siya sumagot at tahimik na lang na ipinagpatuloy ang pagsunod sa 'kin. 'Seems like he’s already decided not to leave me walking alone in this dim street.

Tatlong hakbang bago ko siya nilingon ulit. “Alam mo, kung umuuwi ka na, hindi sana nasasayang ang gas ng motor mo. Malapit na lang naman ang bahay namin.”

“E kung sumasakay ka na kasi. Para may pinapatunguhan naman ang gas ko at hindi lang nasasayang, Teph?” natatawangbalik niya sa 'kin.

Ako naman ang hindi nakasagot. Bukod kasi sa may point siya… kinikilig rin ako. This is simply so sweet, but I hafto to keep to myself.

“Uhm, ano ba’ng nangyari ro’n kanina?’ tanong niya mayamaya.

“Huh? Saan?”

“Sa tindahan.Kanina, bago ako dumating.Bakit nagpagabi ka? At bakit naglalakad ka mag-isa, madilim na?”

Kinikilig ako’ng lalo sa paraan ng pagtanong ni Keem. He sounds so concerned about me, even by the way he looks at me right now. But I keep cool on the outside and concentrate on telling him about what happened before he came and “rescued” me…

***

Earlier…

Hindi ko sasabihin kay Mama ang tungkol dito, sabi ko sa isip habang diretso ang tingin sa madilim na kalye na nilalakaran ko.

Late natapos ang huling subject ko ngayong araw at natagalan pa ako sa pag-antay ng bus na masasakyan pauwi. Kaya naabutan na ako ng dilim nang makarating ako rito sa subdivision namin. Dahil nasa pinakadulong parte ang bahay namin, kailangan ko pang sumakay ng tricycle. Pero dahil praning ako, mas pinili kong maglakad na lang— kahit mag-isa lang ako at puro pundi ang mga poste ng ilaw sa daan. Anyway, mas komportable ako nang ganito at hindi rin ako natatakot kung may biglang kumalabit sa likod ko ngayon, multo man 'yon o taong-grasa o adik. Kaya ko ang sarili ko.

At hindi ko ito ikukwento sa mama ko pag-uwi dahil mas praning siya kaysa sa 'kin. Sigurado akong sesermunan niya lang ako 'pag sinabi ko na naglakad lang ako hanggang sa amin. Ayaw kasi niya na naglalakad ang unica hija niya kapag ganitong ginagabi na ako from school. Katwiran niya, “Walang pinipili ang mga taonghalang ang sikmura, que maganda o pangit pa ang matyempuhan nila sadaan; que babae o lalaki.” You can never be so sure about your safety nowadays. Naglipana pa naman ang mga “bampira” sa subdivision namin: mga taong gising mula paglubog ng araw hanggang magdamag para tumambay, mag-inuman at mag-jamming sa kalsada.

Walang tiwala si Mama sa mga tambay; ako naman, sa mga tricycle drivers. Kaya wala na siyang magagawa kung maglakad ako ngayon pauwi… Anyway, I’m almost there, mga sampung lote na lang.

Napatigil ako sapaglalakad ng may maalala ako. Kailangan ko pala ng colored papers para sa presentation ko bukas. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. May school-supplies store malapit sa bus station sa harap ng subdivion. I ponder about this for a moment. Hmm. I really need those papers tomorrow, but it would be unwise to go back. Magsasayang lang ako ng effort at makikita ko na naman ang mga nakakairitang pagmumukha ng mga tricycle drivers na naghihintay ng pasahero sa bukana ng subdivision— which is something I hate to happen. I don’t like seeing them; they look iffy to me.May mga madadaanan rin naman akong tindahan, baka meron silang binibentang colored paper.

Oneshots by Ate SushiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon