You Owe Me a Day

1.3K 35 19
                                    

YouOweMeaDay

Ang sarap isipin na may magagandang bagay na nangyayari dahil destined kayo...

---

 

December 21, 2012, 11:36 PM

"DA'F*CK!"

Sa sobrang inis, sinipa ko ang inosenteng gulong ng sasakyan ko kasabay ng isa pang malutong na mura. No'n naman nag-ring ang cellphone ko. Wala akong balak sagutin kung sino man ang tumatawag para wala nang madamay sa init ng ulo ko. But it's my cousin Alaissa who's calling, so I slide the Answer icon.

"Hello, Dixie. Nasa'n ka na? Sorry, nauna na kami ni Yana sa 'yo, ha?" paumanhin niya sa kabilang dulo ng linya.

I was with her and her best friend Yana earlier.Galing kaming bar,nag-happy-happy. Pero itong si Yana, may problema pala sa love-life— 'ayon, lumangoy sa alak. Halos maglupasayna siya sa sahig sa sobrang kalasingan kaya napagdesisyunan ng pinsan ko na iuwi na siya mga kalahating oras na ang nakakalipas. Naiwan ako mag-isa since may sarili naman akong sasakyan. Anyway, it's fine because I've wanted to try to stroll around the city at night ever since I got a car as a gift from my Lolo. I thought I'd enjoy this trip tonight. But I was wrong.

Nag-squat ako sa tapat ng walang kwentang gulong, my phone still against my ear. "'Insan,help me here. Na-flat-an ang sasakyan ko..."

Walang sagot.

Napakunot-noo ako. "Hello, 'Insan? Alai, yuhoo..." Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Hindi umiilaw. Great! Ito na ang ultimate kamalasan: na-flat-an ako ng gulong, wala akong spare tire, I'm all alone here on a creepy sidewalk, at dead-bat ang phone ko. Kainis!

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at hinanap ang charger ng brother ko. But I can't find any trace of the stupid thing so, wala na talaga akong choice. I can't spend the rest of the night here—ayoko, nakakatakot! Magko-commute na talaga ako. Pero naiwan ko pala ang wallet ko sa bag ni Alai. Nadagdagan ang inis ko. DAAANG! Pinepeste ako ng kamalasanThis is worse than the Doom's Day people have been talking about that supposed to happen tonight! DAW.

WALA NA BANG MAGANDANG MANGYAYARI SA 'KIN NGAYON?

Napabuntong-hininga na lang ako habang pababa ulit ng sasakyan. Then, may na-realize ako.  May last choice pa ako: MAGHI-HITCH AKO! Bahala na si Batman—

"Ay, Batman!" Halos sumabog ang dibdib ko sa gulat nang biglang may mag-caroling na mga batang-lansangan sa tabi ko.

"Jing-gumbels, jing-gumbels, jing-gum ol da waaay! O, wat fan, electric pan, en a one-horse open sleigh..."

I don't know but as I'm watching these kids sing with all their hearts, all my irritations seem to melt away. Kanina lang, naghuhuramintado ako dahil sa simpleng gulong; samantalang itong mga batang 'to, wala pa sa kalingkingan ng problema nila ang kanina ko pa pinagsisintir. At kanina ko pa iniisip na malas ako, pero swerte pa pala ako kung tutuusin. Dahil ngayon, ako ang may kakayahang magbigay sa kapwa. These kids... they're better than me. God really has His own way of showing one how lucky he is.

Pumalakpak ako pagkatapos ng makabagbag-damdaming caroling ng mga bata. Hinanap ko 'yong malaking Tupperware ng dinadala kong mga tinapay, tsitsirya at mineral water sa backseat. Madalas kasi mag-impromptu outing ang barkada ko kaya nasanay akong magbaon ng kung anu-anong makakain. These foods and a few coins I've fished out from my pocket are the only things I'm able to give them, pero mukhang natuwa naman sila sa binigay ko. Hindi ako "barat" tonight.

"Ang bait mo, Ate. Salamat po," sabi sa 'kin ng parang pinaka-kuya ng mga nag-caroling habang nagsisikain sila sa gilid ng kalsada.

"Wala 'yon. Pakabusog kayo," sagot ko naman habang nakatayo sa tabi nila. Naghihintay pa rin ako ng dadaang sasakyan na pwede kong parahin. "Uhm, may dumadaan pa bang sasakyan dito 'pag ganitong oras?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oneshots by Ate SushiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon