19th, March

4.8K 162 94
                                    

19th, March

by: calleMiishushii3193

Minsan, nand'yan na nga sa tabi-tabi ang hinahanap mo, eh. Abot-kamay na. But it's either BULAG ka o NAGBUBULAG-BULAGAN lang... O pwede ring BINUBULAG ka ng sarili mongpaniniwala...

---

"I STILL DON'T GET IT. Mabait naman ako. I mean nagpapakabait naman ako, ha. Bakit hindi pa rin dumadating 'yong gift sa 'kin ni Papa Lord hanggang ngayon?Ilang taon na akong naghihintay, ah."

"Ewan."

"May nagawa ba akong mali? May nasaktan nang hindi sinasadya? Bulag ba ako, o manhid?"

"Hindi."

"Hindi naman sa nagrereklamo ako... pero parang ang tagal na ng paghihintay ko, eh."

"Hmm."

"How much longer must I wait? At... kailan mo maiisip na makinig sa 'kin, Yno?"

Sa wakas, inangat ni Yno ang tingin mula sa screen ng cellphone niya papunta sa akin. But it is fruitlessly that I expect him to give me a sheepish look whatever.

"Nakikinig ako sa 'yo," walang-ganang sabi niya. "Narinig mo naman ang mga feedbacks ko, diba?"

"Oo nga, eh. Ang haba nga ng mga feedbacks mo. Enlightening pa lahat," sarcastic nasagot ko. I grab Yno's cellphone from his hand before I move over to the farthest seat from his. With the sole purpose of getting even with him.

"Hey." Lumapit siya sa 'kin para bawiin ang cellphone niya, pero wala pa akong balak na pagbigyan siya. Napabuntong-hiningana lang ang best friend ko. "Please, Tania. I'm in the middle of doing something important here. So, please.Tsaka mo na ako kulitin."

"Hindi naman kita kinukulit, ah. At ano ba'ng importanteng bagay na ginagawa mo na mas mahalaga pa kaysa sa pagtutuon mo ng atensyon sa pinakamatalik mong kaibigan?"

Yno lets out another big sigh. "I told you, I am listening to you—"

"No. You're busy texting some... girl." Sinubukan kong kalikutin ang cellphone niya. Pero bago ko pa mabuksan ang message inbox ay naagaw na niya ang cellphone.

Yno's expression turns serious. Dead-serious as he narrows his eyes to me. "She's not just somegirl, Tania. Si Maanne ang ka-text ko, my girlfriend, remember? And now she's likely to become my ex just because I wasn't able to reply to her right away..." Sandaling may binasa siya sa mga incoming messages niya. "Great," he scoffs. "Now, she's officially my ex-girlfriend."

Napasimangot ako sa mariing pagkabigkas ni Yno huling sinabi niya. Parang sa 'kin niya sinisisi ang breakup nila ni Maanne.Tumining rin sa tenga ko ang mahina pero malutong na mura mula sa bibig niya. Binulsa na niya ang cellphone bago nauposa center table, paharap sa 'kin. He has a sinister smile on his lips while giving me an even more sinister look.

He crosses his arms over his chest. "So ano na ulit ang problema mo? Pakinggan natin 'yan."

Sa mga ganitong pagkakataon, kung kailan hindi maganda ang mood ni Yno— na madalas ay kasalanan ko rin— ang tanging ginagawa ko ay ang layasan siya. Iyon kasi ang pinakamabuting gawin, kaysa magbanggaan ang init ng mga ulo namin. Now, it seems I'm at fault; he's being indifferent to me again.Kaya pinulot ko na ang bag ko at naghanda na sa pag-alis sa condo niya.

"Don't walk out on me, Tania," mariing utos ni Yno. Ni hindi siya gumalaw sa pwesto niya.

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa coach na kinauupuan ko kanina. "Sesermunan mo na naman ba ako, Yno?" I move my facial muscle to look pitiful in his icy stare. "Sorry na. Hindi ko naman alam na may mahalaga pala kayong pinag-uusapan ng girlfriend mo no'ng inagaw ko sa 'yo ang phone."

Oneshots by Ate SushiiWhere stories live. Discover now