Why do we always fall in love with our best friends? (last part)

1.3K 70 37
                                    

“Aray naman, Audrey.” Kanina pa siya nagpapalahaw sa pagpalo sa kanya ng unan ni Audrey. Noong una ay hindi pa ito masakit pero ngayon naman ay buong pwersa na siyang pinagpapalo sa ulo at hindi siya nito tinatantanan.

“Get out! Get out!” sigaw pa nito. “I hate you, Carl! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo.”

“Paano ako babalik eh wala si Mama dito.” Nagbiro pa siya at mas lalo na siyang pinuruhan sa ulo ng babae. “Hayaan mo. Malapit na akong umalis. Okey na lahat ng papers ko. Susunod na ako kina Mama at kina Ate sa Sydney.”

Natigilan sa pagpalo sa kanya si Audrey at saka siya sinilip. Mugto ang mga mata at maitim ang ilalim ng mga mata nito.

“Ma-mabuti naman ng…ng hindi na kita makita!”

Napalunok siya. Akala pa naman niya ay mag-iiba ang ihip ng hangin dahil sa sinabi niya pero hindi. Matindi ang galit sa kanya nito.

“Okey…sige. Pero bago ako umalis papuntang Sydney pakinggan mo muna ako. Please, Audrey.” Alam niyang may halong pagmamakaawa ang tono ng pananalita niya pero wala na siyang pakialam.

“Ano bang…ano bang sasabihin mo? Na manyak ka na kaya ka nanghahalik ng ganoon? Alam mo bang first kiss ko iyon? Alam mo ba na nirereserve ko iyon sa that special, knight in shining armor, prince charming, right one ko? Nakakainis ka!”

Napangiti siya sa sarili niya ng marinig niyang siya ang first kiss ng bestfriend niya pero napailing na lang din siya sa naisip dahil sa halik din iyon kaya nagkaganito ang sitwasyon nila.

“Umalis ka na nga hindi ko kailangan ng paliwanag mo.” Pinagtatabuyan pa siya nito gamit ang unan.

“Audrey please makinig ka naman sa akin!” Lumakas ng kaunti ang boses niya pero hindi siya sumigaw. Kailangan niya lang gawin iyon para tumigil na si Audrey at natigilan nga ito pero sandali lang iyon. Matapos ay pinagpapalo na naman siya.

“Audrey, all this time ako lagi ang nakikinig sa’yo. Pwede ba ngayon ako naman ang pakinggan mo?”

Nakita niyang natigilan si Audrey at binaba nito ang malaking unan na hawak. Lumayo pa ito sa kanya at bumalik sa kanyang kama at naupo sa pinakasulok na malayong-malayo sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya at may halong talim ang tingin sa kanya nito.

Nagbuntung-hininga na lang siya.

“Unang-una gusto kong i-clear ang akusasyon mo na manyak ako. Hindi ako manyak, Audrey. Alam mo ‘yan. Sa tagal ng pinagsamahan natin ngayon mo pa ako inakusahan na manyak.” Umirap lang sa kanya ang babae. “Na-nadala lang ako kaya nagawa ko iyon,” pag-amin pa niya.

“Nadala?! Eh di manyak ka nga! Hindi mo na kayang kontrolin ang mga urges mo. Manyak!”

“Makinig ka nga muna, Audrey, please!” Gusto niyang huminahon pero naiinis naman siya sa pag-aakusa sa kanya ng bestfriend niya manyak siya. Of all people ang bestfriend pa niya ang nag-akusa na manyak siya dahil lang sa halik na iyon.

“Ano ba kasing sasabihin mo? Sabihin mo na kasi dahil mahalaga ang oras ko alam mo ba ‘yon?”

“Audrey—“

“Ano ba sabihin mo na!” halos lahat ng nagmumula sa bibig ng kaibigan niya ay puro pasigaw. “Ano?! Akala ko ba may sasabihin ka? Ano na?!”

“Mahal kita, Audrey. Iyon ang hindi ko na kayang pigilan at itago pa sa’yo.” Nakatingin lang siya deretso sa mga mata ni Audrey at halata niya ang unti-unting panlalaki noon. Napanganga ito at nag-aapuhap nang sasabihin pero sinarado nito ulit ang bibig. Ilang beses rin akala niya ay magsasalita ito pero hindi. Wala itong nasabi.

Why do we always fall in love with our best friends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon