Why do we always fall in love with our best friends?

3K 73 23
                                    

Part 1

“But I love him!” umiiyak na sabi ni Audrey kay Carl. Halos mabingi na siya sa paulit-ulit na sabi ng babae sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura ni Audrey pero pinigilan niya ang sarili. Magagalit lang ito sa kanya at hindi siya nito kakausapin ng matagal at ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na brokenhearted ito. Siya lamang kasi ang takbuhan ni Audrey sa ganitong pagkakataon.

“If you really love him, Drey, why you didn’t tell him?” Natigilan sa pag-iyak ang babae at tumingin lang ito sa kanya na mugtung-mugto ang mga mata.

“He-he just courted me for seven months. Alam mo naman ‘di ba? It should be a year bago ko sagutin ang nanliligaw sa akin. Alam mo—“ Napailing na lang si Carl sa rason ng bestfriend niya. Yes, Audrey has this condition na kailangan tumagal ng isang taong panliligaw ang mga lalakeng nanliligaw o nakikipagdate sa kanya. Iyon kasi ang batayan ng kanyang kaibigan kung seryoso nga sa kanya ang lalake at hindi lang siya niligawan dahil sa itsura niya o sa katawan niya.

“Alam mo kasi Drey, ang lalake nagsasawa rin.” Ayaw man niyang maging tapat sa kaibigan pero kailangan niya. Ayaw na niya itong masaktan. Ilang ulit na rin naman kasi ang cycle na ito. Maraming manliligaw o nakakadate si Audrey. Ang ilan ay tumagal lamang ng isa hanggang anim buwan at ang pinaka latest nga ngayon ay nagtagal ng pitong buwan.

“Na-nagsasawa?” humihikbing tugon nito sa kanya. Bumangon na ito sa kanyang kama pero nakayakap pa rin ito sa malaking unan nito na punong-puno ng luha at laway niya.

“Opo.” Nilapit pa ni Carl ang upuan niya sa may tabi ng ulunan ng kama ni Audrey kung saan ito nakaupo. “Lalo na kung hindi mo naman sila binibigyan ng motibo na may pag-asa sila o kaya naman ay gusto mo sila.”

“Isn’t it enough that I let them date me? C’mon Carl, if they asked me for dinner and I agreed wouldn’t they get it that I am kinda into them?”

Napangiti si Carl sa sinabi ng kaibigan. Men are denser than you thought.

 

“Drey, minsan hindi namin makita ang mga signs. You have to be as subtle as a gun.”

“Carl, if I am going to be like that then para saan ang pa ang getting to know period? Tapos some of the guys I dated tinanong ko kung bakit sila naattract sa akin. At alam mo kung anong sagot nila?”

Naiikot na lang ni Carl ang paningin niya. Alam na alam na niya ang sagot ng mga kalalakihan na idinate ni Audrey. Kitang-kita naman niya iyon inspite sa mugtong mga mata niya at namumula niyang ilong. His lovely Audrey.

“They all said the same thing. I am pretty…pretty! C’mon! They can do better than that. I am more than that! I am more than just a face, Carl. I am more than this face.” Halos nilamukos na ni Audrey ang kamay niya sa kanyang mukha. Gagawin niya ulit iyon pero pinigilan na niya ito.

“Stop it, Audrey!” nagtaas na siya ng boses dahil naiinis na siya ng kaunti sa pagkadesperada ng best friend niya.

Natigilan ang babae sa kanya na tila nagulat sa pagtataas ng boses niya.

“Stop…”mahinahon na niyang sinabi. “If those guys that you’ve dated didn’t see the real you behind that pretty face then it’s their lost not yours. Someone--that special, knight in shining armor, prince charming, right one will see the real you, behind that beautiful face of yours. That someone.”

Nagulat na lang si Carl ng hinatak siya papalapit ni Audrey at niyakap ng mahigpit.

“You think so, bestfriend?”mahinang salita ng babae sa kanyang tenga.

Why do we always fall in love with our best friends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon