KTS [14]

1.8K 61 16
                                    

Since mag 4 years na nga tayo mga ka-slave! I have decided again na sipagan ang pag update. To be very honest, I really don't know how to make this story goes smoothly dahil nabanggit ko nga na nawala yung notebook ko na pinaglalagyan ko ng plot neto huhuhu kaya ang labas e medyo light palang ang nangyayare na ang plano ko talaga ay lagyan ng maraming twist but, I'll try my very best na mapaganda ito hihi. Kahit dumaan nanaman ang isang taon nang hindi ito natatapos e push lang! dadaigin natin yang Ang Probinsyano sa tagal ng takbo ng storya hahaha charot. Sorry sa kuda and pasensya sa trying hard engrish lamnyona para sosyal ng konti. Yun lang naman ang hindi basahin to mababaog!

Dapat may net kayo para makita nyo yung pic.

ENJOY READING!!! COMMMENT KAYO HUUUY AT LALONG VOTE NYO DIN 😘

°°°°

Shannon's POV

Kakarating lang namin ni Taehyung galing sa school, kakatapos lang ng midterm exam namin.

Nasa 2nd semester na kami. Ang bilis talaga ng panahon, pagkatapos ng sem na ito e 4th year na kami and syempre ang OJT naman ang aasikasuhin namin non.

Sino ba namang mag-aakala na nalampasan ko nanaman ang ilang buwan kasama si Taehyung, dumaan nanaman ang Christmas at New Year pero hindi parin sya nagbabago. He's still the craziest, weirdo and annoying boy that I've encounter in the past 3 years.

Hindi ko na nga yata kailangang magreklamo dahil feeling ko immune nako sakanya, Buti nalang gwapo sya..

WHAT?!?!?!!!

Urghhh!!! yeah aamin nako na gwapo sya.

"YA YA YA YAAAAAH~" Alingawngaw ng boses nya dahilan para mapairap ako at balibagin sya ng unan na nasa sofa.

Gwapo pero jejemon paminsan-minsan.

"PROBLEMA MO?!" Inis syang lumapit sakin at nakapameywang na sa harapan ko.

Halos araw-araw nalang nya kinakanta yan nakaka-irita na jusq gigil na gigil na ang lola nyo!

"NABUBWISIT NAKO SA KAKAKANTA MO NYAN ALAM MO BA YUN? SA SCHOOL SABAY-SABAY PA KAYO KUMANTA NYAN NILA JIMIN, JUNGKOOK AT HOSEOK TAPOS PATI BA NAMAN DITO SA BAHAY?!" Pag-huhuromentado ko dahilan para ngumiti sya ng nakakaasar.

Alam ko yung ngiti na to e, yung ngiti na pang block mail.

"Okay kung ayaw mo akong mag-ingay.." Tumigil sya saglit tsaka tila nag-iisip ng kung anong kasamaan ang gagawin nya para buwagin ang hypebeast at sya ang pumalit na founder nito. Feeling ko lang naman pero mukhang hindi ganon. "..ipagluto mo nalang ako ng tuna pesto pasta then after that clean my room dapat malinis no alikaboks and agiws understood? tapos di pa tapos hehehe" Ngumiti pa sya ng nakakaloko. Feeling ko tuloy may tumutulo nang dugo mula sa mga palad ko dahil sa mga kuko kong nakabaon sa mga palad ko gawa ng nagngangalit kong kamao.

Hinawi nya ang mga hibla ng buhok sa mukha ko saka nya hinawakan ang dalawang nagngangalit kong kamao.

"Wag na ikaw magalit bebe ko mapagmahal bente tres simple lang naman mga inuutos ko e, una; ipagluto mo ko, pangalawa; linisin mo kwarto ko at yung huli, labhan mo mga brief ko wala na kasi akong isusuot bukas andun sila sa ilalim ng kama ko ikaw na bahala hihi" litanya nya sabay takbo papunta sa CR. Alam na nya na makakatikim sya ng sapak sakin kaya inunahan na nya ako at ayun tumakbo na.

Okay pa sana yung naunang dalawa na utos e kaso yung pangatlo? EWWW!!!

Baka nga may ipot pa ang mga brief nya e. Jusmiyo marimar! naiimagine ko palang parang naduduwal nako.

Itinali ko paitaas ang buhok ko at dumiretso muna ko sa kwarto para magbihis, I have no rights to complain dahil eto nga yung dahilan kung bakit ako nandito, ang maging chimay nya na ang term nya ay Slave..

Kim Taehyung's SlaveWhere stories live. Discover now