♛ Chapter 8: Playing Games with the Freak

145K 3.6K 341
                                    

Namatay na ang mga gossips around na ako raw ay isang Sentibiene. Tsaka, nasagot narin ang iilan sa mga katanungan ko.

Culinary class nga pala namin ngayon. Busy kami sa pag be-bake ng cake. Si Divine at Sera, excited sa pagkakaluto ng strawberry cakes nila. Ako naman, kinakabahan dahil hindi ako sigurado kung sugar ba ang nilagay ko o di kaya asin.

" Guys, this is the container." Sabay lapag ko ng container sa lamesa namin.

"Titikman natin para malaman natin."--Divine.

" Oo nga. At least aware ka na maalat o matamis ang cake mo. Ahahah!"--Sera.

Kaya binuksan na namin ang container. Titikman na sana namin pero ang isang babaeng kaklase namin ay bigla nalang sumulpot sa harapan namin at sumigaw pa!

"Huwwwwwwwag!"--Kaklase namin.

Sabay kuha sa container na may di matukoy na pantimpla.

"Anong problema?"--Sera.

Nakatingin lahat ng classmates namin sa commotion na'to. Pero may napapansin akong grupo ng mga bullies na tumatawa sa may sulok. I can smell bad fart here. Mas toxic pa sa utot ni Divine.

" Huwag niyong tikman. Kasi...hindi ito sugar. Tawas ko 'to."--Kaklase.

My jaw literarily dropped. Kung keri up to sahig, well nasa sahig na siguro ang panga ko.

"Haaaah?!"--Sabay na sigaw nina Sera at Divine. Pagkatapos ay naiiyak silang napatingin sakin.

Ako naman, nanatiling 'jaw dropped girl'. Nanigas pa. Pwede na akong gawing monument. Pwede na akong ilagay sa gitna ng celestial fountain.

Parang mababaliw na ako sa kaiisip kanina na baka asin ang nailagay ko tapos ngayon, nalaman ko nalang na tawas pala ang nailagay ko. Mas worst pa sa expectation ko.

"You're all worst! Wala naman silang ginagawa sa inyo, bullies!"--Divine. Pinagtuturo niya ang mga bullies na halatang halata na sila ang may gawa nito.

Meanwhile, si kaklase na may hawak na container ng tawas, nakayuko lang.

" haha! Tumahimik ka nga, utot! Huwag kang mange-ngealam dito. Ay! Oo nga pala. Ngayon ko lang nare-realize na kaya pala ganyan ka makapagtanggol sa mga losers na yan dahil ka uri mo sila. Ahahaha! Utot girl, hulk girl, kili kili power girl at isang walang breeding."

Sa mga nai mention niya, obvious na obvious na ako ang tinutukoy niyang walang breeding. Tssh. Hindi niyo lang alam na pasabog ang breeding ko.

Dahil sa pambubully niya, nagising ako sa pagiging estatwa dito at napabulong kay Sera.

"Sera, anong kapangyarihan niya?" Ang tinutukoy ko ay itong babae na binubully rin.

"Medyo similar kay Divine. Kung kay Divine sa pwet ang outlet ng baho, sa kanya naman ay sa kili-kili. Kaya may baon siyang spell casted tawas palagi para hindi siya mag hasik ng lagim."--Sera. Ewan ko ha pero pati rin tong si Sera, malakas rin palang mambully eh.

Hanggang sa huli na namin napansin na mag-isa lang palang nakikipag away si Divine sa mga bullies.

" There you go. Smell my fart, bullies."--Divine.

Basta, nag kagulo dito dahil sa utot niya. Buti nalang may isang classmate na nagmagandang loob. Bago bumalik si ma'am sa classroom, nagawa na niyang higopin ang hangin.

Power niya kasi ay ang higopin ang hangin. Kaya lang, nakaka RIP ang nahigop niya. Slow claps para sa kanya. Impress ako sa heroism niya.

"Okay, class. Mukhang malapit na tayong matapos sa ginagawa natin. Very good na behave kayo nang wala ako."--Teacher. Hindi niyo lang alam teacher. Kyaah. Naalala ko ang cake ko. Huhuhu. Mag be-bake pa ulit ako.

The Immortal Royalties | Tafiana  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon