♛ Chapter 6 : A Sentibiene's Power

125K 3.7K 324
                                    

Sino nga ba ang pang apat?

"Nandito siya."
Sabi ko sabay lingon sa likuran ko.

well, 'yong answer pala ay: c. none of the choices. Hahahaha!

"Lark!?"--They said in unison. Their jaw dropped at halos malugwak ang mga mata nila.

Tama nga ang nakita nilang lahat. It's Lark at miyembro siya ng team namin. Ng team na tinatawag nilang 'LOSER'.

Bakit nga ba nangyari 'to?

Ganito kasi.

~

"hahays. Paano ako makakahanap kahit isang member lang? Kahit yong pang apat na member lang?"
Uwaaaa! Ang hirap hirap ng ganito. Wala kasi akong ibang kaibigan na pwedeng i-invite sa game na'to maliban kina Divine at Sera.

Nandito naman si Royal, yong aso ko! Pero aso nga eh. Pero kung kunwari mahiwagang aso siya at kaya niya palang maglaro ng basketball, hindi parin pwede kasi makikita siya ni Zabrina. Patay tayo.

"Okay. Mukhang kailangan ko na itong gawin."---Sera. Pakiramdam namin ay may gagawin siyang krimen at saksi kami ni Divine sa sinabi niya!

Kinakabahan kami!

Umalis si Sera pagkatapos niyang sabihin 'yon. Siyempre, na-curious kami ni Divine kaya sinundan namin siya.

" Tafiana! Dito tayo magtago!"--Divine.

Hinila ni Divine ang skirt ko para akayin akong magtago sa likuran ng trashbins.

"Amow ba? Didow ma nyalaga nayo magnanago?" Ang sinabi ko, 'Ano ba? Dito pa talaga tayo magtatago?'

Ang bantot kasi ng basura 'no!' Kaya nagsasalita ako habang pinipisil ilong ko.

"Tiis tiis muna tayo, girl."--Divine. Hanep tong si Divine! Sanay na sa mabahong amoy. Kunsabagay. Alam niyo na. Hahaha.

Sinilip namin si Sera na may kausap sa may drinking fountain.

"Kung hindi ka sasali sa'min, hindi mo makukuha 'yong singing sun flower seeds!"--Sera.

Galit na galit na sabi ni Sera sa lalakeng 'to na sa pagkaka-alala ko ay isa siya sa mga royalties na ka batch ko at ang pangalan niya ay Lark.

"Tskk! bakit ba kasi sayo ko pa ipinagkatiwala iyon! Grrrrrrr!"--Lark

Bumulong ako kay Divine. Hindi ko muna pinisil ang ilong ko.

"Bakit magkausap sila ng royalty na 'yan? Magkaano-ano sila?"

"Shhhh. Basta! Sasabihin ko sayo mamaya. Huwag na muna ngayon kasi makikinig muna tayo sa kanila."--Divine.

Fine. Curious lang naman ako eh.

"Siyempre, ako kasi yong pinakamagaling magtanim sa mga halaman mo."--Sera.
Napa cross arms si Sera tsaka binilatan niya ang binata.

"Blackmailer ka!huhuhu!"--Lark.
Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Lark. Napailing pa ito ng ilang beses.

"Alam ko, Lark. kaya huwag kanang umangal pa!hahaha. Pareho nating alam na hindi basta bastang nabibili ang ganoong klase ng seeds kaya kung ayaw mong sumunod sa kagustohan ko, mamamaalam ka na sa mga seeds mo dahil PIPINOHIN KO ANG MGA IYON! Bwahahaha!"--Sera

Nagkatinginan kami ni Divine. Parehos kaming natatakot sa mukha ni Sera na parang tutuboan na ng sungay anytime!

Walang magawa si Lark kaya napabuntong hininga siya at sinabi niya 'to,

The Immortal Royalties | Tafiana  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon