CHAPTER 7

24 2 0
                                    

"Stop chasing the wrong one, the right one won't run."


*****

Dahan-dahan akong pumasok sa elevator dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.
Hanggang sa pagkalabas ko sa elevator ay malakas oarin ang kabog ng aking dibdib.

"Akala ko ba naka move on ka na." I said to myself in a low voice.

Ano naman ang kailangan niya. Bakit ulit sya bumalik sa buhay na minsan na niyang sinira at halos hindi na makabalik sa dating sarili. Dahil sa karanasan ko, parang ayaw na atang uminig ng puso ko.

Nakayuko parin akong naglakad ng may nagsakita sa aking harapan na syang ikinagugulat ko.
"Andito ka na pala." Sabi nya at tumingin sya sa aking mga mata.

"Ah---ahh anong....anong kailangan mo?" Putol putol ang mga salita ko sa kanya. Kaye, wag kang magpapaapekto sa kanya. Please lang.

"Kinuha ko lang ang atm card na naiwan sa drawer mo. Importante kasi ito." Sabi nya at nakapamulsa pa sya. Nakashade sya at nakahood. Medyo malamig kasi ang panahon ngayon dahil may low pressure sabi ni kuya Kim sa whether report.

"Ah okay." Sabi ko

"So mauna na ako. Ang tagal mo kasi at pinagluto na rin kita." Sabi nya. Bahagya nyang binaba ang shades na suot na at tinignan ako ng matimtiman.

"Bakit? Sinabi ko bang ipagluto mo ako?" Nakacrossed na ako  habang nagsasalita.

"Hmmm, magpasalamat ka nalang kaya." Nakacrossed arm n rin sya at sumandal sa wall ng pathway. Problema nito.

"Your ass." Tinaasan ko sya ng kilay.

"Just say thank you Kaye." Sabi nya at lumapit sya ng konti sa tinatayuan ko kaya umatras na rin ako ng konti.

"I miss you." Sabi nya at lumapit pa sya sa akin.

"Tris- - - Tristan, just go. I don't need you anymore. Diba tinakwil mo na ako kaya bakit ka pa nandito." Pagkatapos ko itong sabihin sa kanya ay iniwan ko na sya dun sa pathway. Nagmamadali akong pumasok sa pinto ng kwarto ko.

"Goshhh why did he acted like that." Sabi ko na lang sa sarili ko.

Papasok na ako sa kwarto ko ng biglang may humablot sa braso ko.
"Hoy Lucia, at bakit sya bumalik dito. Kakalbuhin ko na talaga yung Tristan na yan 'pag bumalik sya ulit dito." si ate Hailey.
Nakapameywang sya sakin habang tinitingnan si Tristan pababa ng eskalator. Hays si ate Hailey talaga.

"Ate, wag kang mag-alala. Di na ako papaapekto no." Tinapik ko sya sa balikat nya. Halatang galit na galit pa rin ang mukha nya.

"Siguraduhin mo lang Lucia ha, lagot ka talaga sa akin. Kakalbuhin rin kita kapag nagpauto ka ulit." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Ate Hailey. Kahit kailan, sobrang maaalahanin nya talaga sa akin. Kaya love na love ko sya eh.

"Ate, mukhang galit na galit ka ata ngayon. Baka ikaw ang problema ngayon. " sabi ko sa kanya.

"Hay wala- - wala noh. Sige pahinga ka na." Paalam nya at tumalikod na sya sa akin.

Agad ko naman syang hinawakan sa balikat nya. Nakaharap ulit sya sakin.
Bigla na lang lumuha ang kanyang mga mata. Niyakap nya ako ng mahigpit bago sya kumawala sya sa akin.

"Ate, anong problema? Anong maitutulong ko?" Pinahid ko ang mga luha nya gamit ang palad ko.

"Iniwan na nya ako. Bumalik na sya sa US." Sabi nya at pahikbi-hikbi sya habang nagsasalita.

"Shhhh tahan na. Hindi naman ikaw ang nawalan eh. Sya ang nawalan dahil iniwan nya ang isang katulad mo. Maganda ka naman, sexy at ang bait-bait mo kaya. Ate wag ka nang umiyak, lalaki lang yan." sabi ko

"Di ko kaya." Tugon pa nya

"Eh kinaya ko nga eh, kayanin mo rin kaya. Diba ang sabi mo sa akin, maging matatag palagi. Mukhang magaling ka lang magsalita ate eh. Gawin mo yan sa sarili mo." Niyakap ko ulit sya.
"Maging matatag ka ate tsaka ang dami kayang nagkadamparapa sayo dyan sa gilid-gilid pero di mo lang napansin. Baka hindi pa sya ang the one kaya wag madaliin ang mga bagay-bagay dahil lahat ng pangyayari ay may dahilan. Ate, true love waits. " dagdag ko pa sa kanya. Hinigpitan ko pa ang pagkayakap nya. Basang-basa ng ang mga balikat ko dahil sa mga luha nya.

"Mukhang pinalitan mo ako sa pagiging best adviser. Ako pa rin ang ate kaya bawal kang pumalit."

Napatawa ako ng malakas sa sinabi nya. Nakisabay na rin ag pinahid nyang muli ang luha nya.




******

An: Short update again.
Walang oras sa pagsusulat kasi focus sa pag-aaral, ang daming projects at reporting ang gagawin.

Independently BeautifulWhere stories live. Discover now