CHAPTER 4 (PROBINSYANA)

41 4 0
                                    


******

"When you're filled with self-love, you make better choices."

*

***

"Iha, gumising ka na."
Naalimpungatan ako sa tinig ni lola. Kumakatok sya sa pintuan ng kwarto ko.

"Apo, bilisan mo para tayo'y makakain na." Sambit pa nya.

"Upo la."
Wala na akong ibang magawa  kundi bumangon na.
Alas 8 na pala. Binuksan ko muna ang mga bintana para magpahangin.

"Hmmmp ang sarap ng hangin." Sabi ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang tuwalya para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako.
Dinala ko na rin yung regalo ko sa baba para ibigay kina lolo't lola.

"La, pasalubong ko nga para sa inyo ni lolo." Sabi ko at inabot sa kanya yung paper bag.

"Hay naku iha, at nag-abala ka pa rito." Sambit ni lolo na kasalukuyan ng kumakain.

"Salamat apo. Naku kahit kailan ang bait mo parin sa amin. Di ka talaga nagbago." Nangiting sabi ni lola at binuksan ang paper bag.

"Lola, magugustuhan mo yang regalo ko sa'yo." Sabi ko sa kanya at umupo na ako sa hapag.

"Salamat apo sa wallet na binigay mo. Sira na din yung wallet ko." Sabi ni lolo

"Walang anuman lo."

"Naku apo, ang ganda naman nang bag na 'to. Siguro ang mahal nito." Nakamanghang sabi ni lola sa nakita nya.

"Kain ka na apo, masarap yung pancit na niluto ng lola mo." Tugon ni lolo sa akin.

"Ay oo nga pala apo, masasamahan mo ba ako sa palengke mamaya?" Tanong ni lola

"Sige ho, walang problema yan."

Nagsimula na kaming kumain. Wala daw si Aling Sabel dahil day-off nya kaya ako ang pinasama ni lola para mamalengke.

Pagkatapos kumain ay kinuha ko muna yung phone ko sa kwarto ko.

May natanggap akong isang text.
Galing ito kay Troy.

From: Troy
Good morning❤

Magrereply na sana ng bigla syang tumawag.

"Hello ganda." Sabi nya

"Troy, ang aga-aga pa para mambully ka na naman." Sagot ko

"Hahaha kumain ka na?" Tabong nya

"Yup, ikaw? Ah kumusta pala yung press con." Tanong ko

"Bored as usual." Tugon nya

"Ah ganun ba, sige ibaba ko muna 'to." Sabi ko sa kanya

"Why?"

"May lakad kami ni lola."

"Huh? San ka?"

"My province."

"Di ka nagpaalam."

"Hayst! Kailangan pa ba?"

"Joke lang...sige ingat ka. "

"Ikaw rin."

Pinatay ko na 'yung tawag at sakto namang kumatok si lol.

"Apo, tara na."

"Andyan na ho."

Lumabas na ako sa aking kwarto at sinundan si lola na naglalakad pababa ng hagdanan.
Mag bitbit syang pitaka at isang bag.

Independently BeautifulWhere stories live. Discover now