Windshield

395 8 6
                                    

Windshield

Popular si Josh sa college nila, nanalo kasi itong Mr. Intramurals. Gwapo at mabait ito kaya naman lalo itong nakilala sa buong campus nila. May girlfriend na din ito at talaga namang mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Isang simpleng estudyante naman si Maria. Hindi sikat at hindi rin naman LOSER. Maganda siya sabi ng mga kaibigan nito. Marami din ang nagkaka-crush sa dalaga kahit na hindi ito kaklase o kayear. Pero siya na isang simpleng babae lang ay nagkagusto sa popular na si Josh.

Unang nakita ito ni Maria sa contest ng Mr. Intramurals at talaga namang nahumaling ito sa binata. Hindi mapagkakaila ni Maria na may crush na siya dito. Kada makikita ito ng dalaga ay talaga namang nakakaramdam ito ng kilig at paghanga para sa binata. Pero hanggang doon na lang siguro iyon isang paghanga.

Hindi kilala ni Josh si Maria. Kung sa isang tipikal na love story maaaring magkagusto ang isang sikat na lalaki sa isang ordinaryong babae lang, siguro para sa kwento ni Maria ay imposibleng mangyari iyon. Mahal ng binata ang girlfriend nito at wala ng magagawa doon si Maria.

Ang tanging masasabi na lang ng dalaga ay…

I’m just a dead bug on the windshield of your life na kahit kalian ay hindi mo mapapansin. Mawawala na lang ako parang isang bula ng hindi mo nakikita.”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

95% true to life po ito. friend story.

One Shots of meisgabrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon