Run for a Cause

422 10 0
                                    

Run for a Cause

May gusto si Dianne sa bestfriend ng kuya niya na si Jonel. Matagal ng magbestfriend ang kuya niya at ang binata. Simula ng makilala ito ni Dianne nagkagusto na siya agad dito. Mabait, matulungin, marasarap kasama, mapagbiro at magandang kakwentuhan si Jonel ayon sa dalaga.

Laging nasa bahay nila ang binata kaya lagi itong nakakasama ni Dianne at lalong nahuhulog ang loob niya dito. Kapag wala ang kuya niya ay ang dalaga ang laging nakakakwentuhan ni Jonel. Laking gulat niya ng isanga araw ay magkwento ito sa kanya na may nagugustuhan na daw ito. Naging masakit ang mga sinabi ng binata kay Dianne kaya para matigil na ang nararamdaman niya para dito ay umiwas na ito dito.

Ilang lingo na din ang lumipas bago muling nagkita sila Dianne at Jonel. Nagkita sila sa isang charity event na Run for a Cause, inaasahan na iyon ng dalaga sapagkat ang kuya niya ang isa sa mga organizer ng event. Nang magsimula ang takbuhan nanatili si Dianne na tumatakbo sa likod ni Jonel, Makita niya lang ang binata ay kusa ng tumutulo ang luha niya.

Sana wag mo na siyang habulin, sana huminto ka naman at lumingin para makita mo na may isang tao na humahabol sayo na ninanais na makita mo siya kahit sandali. Kahit sandal.” Bulong ni Dianne sa sarili. Tumigil na siya sa pagtakbo dahil hindi na kaya ng dalaga ang nararamdaman. Yumuko na lang ito at umiyak. Nagulat ito ng may yumakap sa kanya.

Paano ako titigil sa kakahabol sa kanya? Paano ako hihinto para mahalin siya? Ayoko ng huminto at lumingon dahil ang mismong hinahabol ko ay ikaw.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

run for ilog pasig. *u*

One Shots of meisgabrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon