EMSL #14

633 14 7
                                    

 Kyo's POV ( Ako nanaman ang may POV, nakakapagod magsalita kaya bilang kabayaran dapat magcomment at magvote kayo dahil GWAPO ako *smirk*)

“Toff”

“Ui Renz! Long time no see ah..” pagkababa ko ng hagdan ay agad ko siyang binatukan

“Aray! Para saan naman yun?!” bulyaw niya sa akin

“Nagtatanong ka pa g*go ka! Bigla ka na lang umuuwi ng hindi nagpapasabi. Tss”

“Hahaha, ayaw mo nun. Surprise!” siraulo talaga ‘to, surprise pala tawag dito??

Toff Lee, pinsan ko.. Other descriptions? Siya na lang ang magsasabi.. Kung sakaling magkakaPOV siya *smirk*

“Hmmm” napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog at may nakita akong babaeng nakahiga sa sofa..

Tss. babae siguro ni Toff at dito pa dinala sa bahay!

Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa magulo nitong buhok na nakaharang sa kanyang mukha pero nung gumalaw siya …

O________________O

B-bakit...

" Ay Renz, pasensya na dito ko siya dinala, I saw her while I'm on my way, ayaw ko naman iwanan na lang"

Andito...

" Tsk. Nagpaulan kasi yan kaya ayan, nagkalagnat at nahimatay buti na lang at ako ang nakakita kay Angelou kundi baka blah blah blah blah"

Sh!t! Bakit andito ang babaeng 'to?? Hindi ko na napakinggan ang kwento ni Toff dahil agad kong lumapit kay Gelou

"F*ck!" I cursed nung nahawakan ko siya

bakit ang init niya? At ang dumi dumi niya pa. What happened to her?

" Renz, do you know her?" bumalik ako sa diwa ng nagsalita ang pinsan ko

"Yeah, she's my...uhm... classmate" binuhat ko na si Gelou para iakyat sa kwarto ko, sobrang taas ng lagnat niya

"Hey! What are you doing? San mo dadalin si Angelou?"

Ngayon ko lang napansin, alam ni Toff ang pangalan nito? Magkakilala sila? Paano? Once in a while lang naman pumunta si Toff sa Pilipinas but hindi ko muna siya tatanungin

First things first

" Ako na ang bahala sa kanya, Auntie call me a while ago, dumiretso ka daw sa office niya pagkadating mo and paghindi ka pumunta dun ngayon, ikaw din baka matulad ka sa parusa ko" tapos binigyan ko siya ng kakaibang ngiti.. Alam niya ang ibig kong sabihin

"Ok, ikaw na bahala sa kanya ah.. Babalik din ako bukas para icheck siya, tumawag ka din sa bahay nila and call a doctor for her ok?" Lintsak naman 'tong pinsan ko! Masyadong concern. Close kaya sila ni Angelou?

"Ouna, umalis ka na baka ako pa ang masermunan ni Auntie" tumingin muna siya kay Gelou na buhat buhat ko pa din bago siya umalis

Hayyy.. Buti na lang at naniwala sa akin

Yeah! Gawa-gawa ko lang na pinapatawag siya para umalis na dito ang mokong na yun. 

Pero bakit ko ba siya pinaalis? 

Damn!

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko habang buhat-buhat pa din si Gelou. Actually hindi siya mabigat kaya hindi naman ako nahirapan

Nang makapasok na kami sa kwarto ay ibinaba ko na siya sa kama. Naka-dress siya and may nakapatong na something kasi sleeveless yung damit niya.. ok, ano bang malay ko sa damit ng mga babae

Nakita ko din na may sugat siya sa tuhod, malamang nadapa 'to

Tss.. Clumsy girl

Kinuha ko yung first aid kit sa banyo at ginamot ang sugat niya. She has a very smooth skin, sayang naman at sinugatan niya. Tss

Natapos na ako sa paglinis ng sugat niya at nilagyan ito ng band-aid

Ano na bang gagawin ko dito??

Hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit !

Siguro kaylangan muna niyang magpalit ng damit right? Basang-basa kasi siya eh

Ako ba dapat ang magpalit ng damit nito?? 

( Ay hindi, ako.. ~ Epal na author oh ^____^v)

Tss.. Fine, wala namang masama diba? papalitan ko lang then yun lang

Ano ba unang tatanggalin dito? I think yung bolero niya

Okay.. Kaya mo yan Kyo

*gulp*

Dahan-dahan kong tinatanggal ang mga butones ng bolero niya

bakit parang nanginginig pa ata ako??

Ang init naman .. bukas naman yung air conditioner di ba? Kaylangan na siguro yun palitan ng mas malakas

" Sir, may kaylangan pa po ba kayo?" F*ck! Hindi ba marunong kumatok ang katulong na ito at bigla na lang magsasalita?!! 

Katulong?

Damn! May katulong nga pala kami, bakit ba hindi ko agad naisip yun!

And the  fact na LALAKI ako.. Bwisit!

Pinapasok ko yung mga maids para bihisan at punasan si Gelou. Lumabas muna ako ng kwarto at tinawagan si Auntie para tanungin ang phone number nila Gelou

Bakit sa kanya ko tatanungin?

Simple lang

Dahil siya lang naman ang MAY-ARI ng WoodBridge University kaya nga na-approve agad yung club namin sa school eh

Kapalit nun nakipag-deal sila na for 1 month, sila ang gagawa ng mga notes ko..Remember, lagi akong tulog sa klase =__=

tinawagan ko na si Auntie and tumawag sa bahay nila Gelou kaya lang katulong ang sumagot tinanong ko kung pwede sa mga magulang niya pero ang sabi sila lang daw ang nandun, ibig sabihin hindi kasama ni Gelou ang mga magulang niya sa bahay? 

Nung nakita kong lumabas na ang mga katulong ay pumasok na ako sa loob. Tumawag ako sa kusina para makapag pahanda ng soup kung sakaling magising ito

Umupo ako sa tabi ng kama, hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya. Her name suits her face. Napaka angelic pagtulog pero pag gising napakasungit.

Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na pala ang mukha niya. Ang haba ng pilik mata, hindi katangusan ang ilong pero bagay sa structure ng mukha niya

Nagulat na lang ako ng may nahawakan akong basa sa mukha niya. I thought na tulo laway siya pero hindi because...

she's crying

I used my thumb to wipe her tears. Bakit siya umiiyak? I wanna know

Nasa ganung posisyon lang kami. Umiiyak siya at pupunasan ko, minsan she mumbles words.. 

Bakit ganun?

Kahit wala akong alam sa nangyari sa kanya ramdam ko na..

she's hurt

badly hurt

Madaling araw na din, kaylangan ko na ding matulog. I think sa guest room na lang ako magstay

Aalis na sana ako ng magsalita siya

"Don't leave me. Please"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Woot! Ayan po, sorry dahil ang ikli nung last update ko at lame pa. Sensya na po. 

COMMENT and VOTE

#MissSassyGirl

Ex- Mistress School Life ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon