EMSL #8

738 12 6
                                    

Thanks po sa kanya.. Siya po ang may gawa kung bakit may representation si Gelou at Kyo .. Hohoho :)) basahin niyo din po story niya :))

Sorry sa late update.. ^__^

Enjoy !!

Rina’s POV

 Sawi!!  TT__TT

Bakit ganun?! Akala ko pa naman nagkakasundo na sila tapos kahit isa wala silang alam sa isa’t isa?!? Kahit nga yung pinaka-obvious na tanong tinanong ko na din.. Tsk

Tapos nung tinanong ko kung pwedeng maging sila akala ko kahit si Kyo sasagot man lang ng ‘Yes’ kasi si Gelou sure naman na hindi dahil sa kanyang boyfriend.. Pero hindi ako titigil.. Naniniwala ako sa ‘the more you hate, the more you love’ .. Bwahahaha !!

“Pres, may nagrereklamo daw na club” – vice president, Arthur

YAP, you read it right ! Wala ng botohan chu chung naganap dahil sayang lang ang oras dun. So napagpasyahan na ang kagandahan ko na lang ulit ang President ng Student Government tapos yung mga naiwang posisyon ng graduates yun na lang ang pagbobotohan..

“Anong club naman yan?”

Hayy.. nagtataka siguro kayo kung bakit samin dumidiretso ang mga nagrereklamo nu? Kase po bago dumating sa Discipline Office at Principal, sa amin muna dadaan para hindi na maistorbo yung mga huklubang teachers pero kapag hindi namin kaya o major problem sa D.O na yung diretso nila..

“Drama Guild club” – Arthur

“Teka..Yun yung club ni Gelou diba??” nag-nod lang si Art

Nako naman.. Ano nanaman ba ang problema nung babaeng yun, hindi niya ba alam na pinoproblema ko pa siya. Tsk

Maya-maya may pumasok sa SG office.

O__O 

*O*

Waaaaaaahh!! Iniluwa ng pinto ang favorite characters ko !! Ang CUTE!!

Tumayo agad ako at nilapitan si B1 “ Hello !! Anung ginagawa niyo dito?? May shooting ba kayo? Di ba matagal ng tapos yung show niyo? May remake ba ulit? WOW!! Ang cute mo!!” tapos kinurot ko pa yung banana tiyaka niyakap yakap.. Ngayon lang ako nakakita ng malaking banana..Wieee!!

“ Ah..eh..Rina.. si..Ha-harold to”

“Eh?” then tinanggal ni B1 yung nasa ulo niya .. Kyaaaahh!! Ang WAFU.. ay! Si Harold nga.

(_  _)”

“Nakakainis ka! Akala ko nakita ko na talaga si B1 ko eh! .. Tsk!” hinampas ko pa siya ng mahina sa braso

“Pwede namang maging B1 mo ako eh” bulong niya pero NARINIG KO YUN!! Ano bang utak ‘to!! Kayo! Ano iniisip niyo?? Waaaaaahh.. Pero kinilig ako dun.. Crush ko kasi si Harold pero siyempre hindi niya alam. Kahihiya kaya anu bey.. Hihihi

“A-anong sabi mo?” kunwari wala akong narinig

“ Sabi ko ang ganda mo”

O/////O

“Hep hep ! Bago tayo langgamin dito pwede na bang mag-usap tayo?” sabi ni Gelou.. Panira talaga oh.. Alam niya kasing crush ko si Harold.Hoho

Umupo na ako dun sa table ko tapos umupo na si Gelou at si .. Kyo?? Bakit andito ‘to?

“ Kyo, bakit andito ka?”

“ Itanong mo sa aso mong kaibigan”- Kyo

“What did you said?!!”- Gelou

“Dog!”- Kyo

“Sleeping monster!”- Gelou

“Stupid dog!”- Kyo

“Snobbish monster!”- Gelou

“Biting dog”- Kyo

“ Magulat ka pagtinuka ka ng aso, Cookie Monster!“- Gelou

“Whatever Ugly dog!”- Kyo

“HALI—“

“TUMIGIL NGA KAYO!! Ano bang pinunta niyo dito? Mag-away? Sigawan? Ay sige ! Gora lang! Palagyan ko pa ng ring gusto niyo? Ako na ang round girl “ sarcastic kong sabi..

“E kasi Bes alam mo naman diba na ang club namin ang isa sa pinakabusying club kaya dapat maraming members.. kaya lang may sumulpot na club tapos yung mga members namin napunta sa kanila” tapos tumingin siya ng masama kay Kyo

“Anong club ba yun?”

“Bananas in Panjamas with the Seven dwarfs” sabat ni Michael

“Oh diba? Parang joke lang ang—“

“ *0* WOW.. May ganung club? Ang cute naman.. Sayang kung hindi ako kasali sa SG sasama—Ouch.. Ano ba Gel!” batukan ba naman daw ako

“ eh kasi naman.. Hindi ako nagjojoke .. 20members pa lang kami including myself TT__TT” parang bata naman ‘to

“ Kayo ba Harold?”  

“250 members na hindi pa kami kasaling sampu.. so bale 260” si Kyo ang sumagot tapos nakatingin siya kay Gelou at nagsmirk pa.. Ano yun? Nang-iinis? Haha.. Pero ang cute nila :”>

“ Hmmm… so ang problema ay members… Hmmm.. Ano nga kaya..”

*TING*

*grin*

Angelou’s POV

KINABUKASAN

Bwisit! Bwisit! Bwisit! Argggg!!!! Dapat pala diniretso ko na lang ‘to sa discipline eh.. GRR!! Ayoko talaga nung naging desisyon ni Rina kahapon pero wala naman akong magagawa.. Huhuhu.. Alam niyo ba kung ano ang idea niya??? Siyempre hindi.. Tinatamad si author magflashback kaya sasabihin ko na lang sa inyo..

Mabigat man sa dibdib .. Masakit man sa damdamin .. hahaha.. Too much sa emote naman ako.. BTW . Drama Guild Club and Bananas in Panjamas with the Seven Dwarfs are now ……

ONE ..

Yeah! Pinag-isa niya ang club namin! Maniwala man kayo o hindi, todo tutol talaga ako sa idea niya.. Pero yung dalawang bugok(Mike and Harold) plus 7 basketball players.. Ou! Yung 7 dwarfs ay yung mga hot na players.. Ang gulo nga eh, ang tangkad nila tapos sila yung dwarfs? Well matangkad din naman si Mike and Harold kasi players din sila.. Ayun nga pumayag sila tapos si Thea naman napa-oo din.. Nahumaling siguro kasi puro gwapo makakasama namin.. Hahaha

“Hindi ka pa ba tapos?” sigaw ni Kyo sa labas ng locker. Nagpalit kasi ako ng damit para kumportable.

“Mauna ka kung gusto mo!” sigaw ko din

“Hindi ko nga alam diba?! Bilisan mo!” Waaaaaaaahhh!! Ano ba kasing ginawa namin para mabigyan ng punishment????!! Sabihin niyo nga?!! Si Rina kasi sabi parusa daw namin ‘to dahil sa sigawan namin at panggugulo sa SG room at sa hindi ko malamang dahilan, bakit kami lang ni Kyo?? May sayad na talaga ang friendship ko..

Ang ‘punishment’  namin.. Kami ang mag-aayos slash magliligpit slash maglilinis ng magiging club room namin.. Sa dami kasi ng members nila, I mean NAMIN.. hindi kasya sa dating rooms namin kaya sabi ni Rina yung room na lang na pupuntahan namin ang available at suitable DAW sa amin.. And guess what, yung room na malaki sa basement ng isang building sa school yun..

Pagkalabas ko ng girl’s locker room nakita ko siya na nakasandal sa pader. Nakapagpalit na din siya at nakalagay pa yung kamay niya sa bulsa niya.. Tss, pacool effect ang drama

“Let’s go”

“Tss..”

Madami kaming nakakasalubong na students, siyempre uwian na kaya. I hope hindi kami masyadong gabihin. Hindi naman siguro ganun kadumi dun diba??

Pagdating dun binuksan niya na ang pinto at pumasok na kami.. Ang dilim kaya lumapit ako sa kanya..

“ Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh”

Hello guys ! balak ko na sana gawan ng POV si Kyo kaya lang baka maging bakla siya ng di oras.. Hahaha ..

BAKA mamaya po ang next UD .. Thanks ! COMMENT.VOTE.LIKE.SPREAD

#MissSassyGirl

Ex- Mistress School Life ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon